Chapter 3

50 2 0
                                    

Edited chapter :P

==================

<ALVIN'S POV>

Crap. Where is she? Kanina pa 'ko paikot ikot dito sa highschool department. 'Di ko siya makita. Tumingin ako sa relo ko. 10 minutes before the next subject. Nagmamadali akong bumalik sa room namin. Makikita ko pa nga pala siya dun. 

Pero nagsisimula na ang klase, wala pa rin siya. 'Asan kaya yun? Kung saan saan pumupunta -__-

Nag-cutting pa yata.

"Miss Zaballa is at the clinic right now, so she is excused." narinig kong sabi nung teacher dun sa isang kaklase kong lalaki. Sino'ng Zaballa yun? -_- Luminga ako sa paligid ng classroom, at nakita ko na dalawang upuan ang bakante. Yung isa, yung upuan nung babae kanina, tapos yung isa ay yung sa kabilang dulo.

"Miss, who's Miss Zaballa?" tanong ko. Napatingin lahat ng classmate ko sa'kin. Pati si Miss, parang nagulat.

Now what? May nasabi ba 'kong masama?

"Ahm, Miss Maria Christina Zaballa. The one who's sitting right there," at tinuro niya yung upuan nung babae kanina.

"Ehh? What happened to her? Why is she at the clinic right now?"

Nakita kong mas lalong nagulat ang mga kaklase ko pati si Miss. Ano ba'ng meron?

"Excuse me, but why are you all looking at me like that? Have I done something wrong?" -__- ang weird nila.

Tumikhim si Miss Calderon.

"Ahm..no..nothing. It's just that...it's very unusual for you to say things like that.." sabi ni Miss.

EHHHH? Unusual? Why---

And I've just realized something.

Napailing ako. That girl... she really brings out the part of me that no one but my family knows about.

Medyo napalalim ang pag-iisip ko kaya naman nagulat ako nung makitang papalabas na ng room ang classmates ko at papunta na sa gym -____-

Mamaya ko na nga siya hahanapin ulit.

<Christine's POV>

Huhuhu. Buti na lang tumakbo ako. Kaya nkatakas ako sa kanya.

Naramdaman ko pa kasi kanina na hinabol niya 'ko, kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko. At nung wala na siya, naramdaman kong hapong-hapo ako. Ang ginawa ko, nagpunta ako sa clinic. Sumakit kasi yung ulo ko dahil sa pagkahapo. Yan tuloy, excused ako sa klase at hindi ako makikita ni Alvin. >:D

Kasi namaaaan >< Bakit ba inaasar niya 'ko? Dahil ba para akong shunga na kinakausap ang sarili kanina? O baka dahil naghanap ako ng book ng Biology sa Literature section? O baka dahil naguwapuhan ako sa kanya kanina? O baka dahil nakanganga ako kanina? 

Haaaaaayy. Nakakapagod mag-isip. Makatulog nga muna.

<ALVIN's POV>

Tch -__- 'Di ko pa rin siya nakita. Nung nagpunta kasi ako sa clinic, nakauwi na daw siya sabi nung nurse. Hay. Makauwi na nga.

[Bahay]

"'Andito na 'ko--"

"Bunsooooooooooo!" sabay na sigaw ng ate at kuya ko. Sabay din silang yumakap sa'kin.

"Hahaha, ang bigat niyo. Matutumba na 'ko! Ate! Kuya!"

"Hi bunso! Kumusta school?" tanong ni Ate Jha, pangalawa sa'ming magkakapatid.

"May umaway ba sa'yo? Gugulpihin ko." tanong naman ni Kuya Mikee, ang pinakamatanda sa'min. At syempre, ako ang bunso.

Napangiti naman ako bigla sa tinanong nila. Naisip ko kasi yung babae na Maria Christina yata ang pangalan?

"Uy, uy. Kakaiba ang ngiti ng bunso natin, Jha." sabi ni Kuya Mikee.

"Oo nga. Ano'ng iniisip mo, bunso?" si Ate Jha.

"Ahh, wala. Si ano--" natigil ako sa pagsasalita. -_- muntik na yun ahh.

"Girlfriend mo, bunso?" si Kuya Mikee.

"Si bunso, may girlfriend na? Uwaaaaaaaa! Pa'no naman ako? Huhu T^T"

"Ano ka ba, Jha? Ano'ng kinalaman mo dun?"

"Ano ka ba Kuya Mikee! 'Di ka ba nag-aalala na mawawalan na tayo ng Bunso? Uwaaaaa! T^T"

"Ano ba kayo, Ate, Kuya.. wala akong girlfriend." sabi ko bago pa sila mag-away dun. Pumunta na lang ako sa kusina at kumuha ng tubig at uminom. Bigla ko na naman naalala yung pagtawag sa'kin ng BAKA nung babae. Haha. Muntik tuloy ako masamid.

"Sabi ko sa'yo, Jha. May kakaiba nga sa Bunso natin." narinig ko si Kuya Mikee. Sinisilip nila 'ko -_-

"Oo ngaaaa! TT^TT Ano'ng nangyayari sa--"

Doro doro doro doro doro doro doro

"Ayy! May tumatawag sa'kin." biglang bulalas ni Ate Jha. Ano ba namang klase ng ringtone yun? -_- 

Pang baliw lang.

"Hello, bhest! Asan ka?  Sige, punta ko dyan. Bye bye! ^_^"

Napatingin ako kay Ate Jha. 

Bhest?

"Ate," tawag ko sa kanya.

"Yes bunso?"

"Ano'ng pakiramdam ng magkaroon ng kaibigan?"

"Ha? Hmm. Well, sabihin na nating.. a friend..is one of the best things that one can ever have. kapag may kaibigan ka, lagi kang may masasandalan, lagi kang may kasama. You will feel loved, treasured at safe. In short, supeeeeeeeer saya!" 

Napaisip ako. Nagkaroon tuloy ako ng ideya.

"Sige, Ate. Samalat."

"Ayy naku, you're welcome Bunso. Siya, sige. Maya na ha? Naghihintay na sa'kin si Bhest." anito sabay takbo palabas.

I'm In Love with my Bestfriend &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon