CHAPTER 2

50 2 0
                                    

<ALVIN'S POV>

Grabe -___- Hindi ko na nahabol yung babae. Nagulat kasi ako nung sinigawan niya 'ko ng 'BAKA' gayong halata namang tao ako. Ano kayang trip nun?

Kaya ko lang naman siya nilapitan, kasi nakita ko siyang sinisilip ako mula doon sa bookshelf, at hindi ko alam kung bakit pero nakuha niya ang atensyon ko. 

Nung nilapitan ko siya, nagdalawang-isip ako na kausapin siya. Sa huli, napag-desisyunan kong 'wag na lang siyang pansinin, kaso narinig ko siyang tumawa at kinausap ang sarili niya.

Naghahanap siya ng libro ng BIOLOGY sa section ng LITERATURE -_________-

Kaya ayun, yung plano ko na i-ignore siya ay nasira. Tapos inasar ko pa siya kasi na-cute-an ako sa kanya -_- 

Hindi ko nga alam kung bakit ko nagawa yun eh. Ako kasi, tahimik lang, at ang tunay na ugali ko, pamilya ko lang ang nakakaalam Kaya nagulat talaga ako nung lumabas yung konting part ng tunay na AKO habang kaharap siya. 'Yan tuloy, nasigawan ako. Mabuti na lang, medyo tago yung lugar ng library na kinaroroonan namin. Kung hindi, lagot kami sa Librarian.

Kinuha ko na lang ang mga libro ko sa lamesa at naglakad na palabas ng Library. Babalik na ako sa room namin kahit may 45 minutes pa bago mag-time. At sa gym pa ang next class namin which is P.E. 

Habang naglalakad sa corridor, naririnig ko yung bulungan ng mga babae. Bakit pa ba tinawag na bulong kung naririnig ko naman 'diba? -__- bobo ng nagsusulat nito.

Kaya medyo ayaw ko din ng kalagayan ko ehh. Masyado akong sikat sa school kahit ayaw kong mapansin. Puro pag-aaral kasi ang nasa utak ko. Kahit nga mga kaklase ko, 'di ko na tinatandaan kung sino-sino sila, at wala na 'kong balak na alamin pa.

Nagulat ako pagpasok sa room dahil nakita ko yung babaeng sumigaw sa'kin kanina. Nandun siya sa pinakadulong upuan sa kaliwa sa last row, nakangalumbaba at inis na inis ang ekspresyon ng mukha. Pinigilan kong mapangiti. Lumapit ako sa kanya, 'di niya ko napansin.

Hinila ko yung isang upuang malapit sa kanya at umupo doon.

"Hi,"

<Christine's POV>

Mag-isa lang ako sa room at nagmumukmok sa upuan ko. Hindi ko makalimutan si Alvi--este yung mga sinabi niya. Leche flan. Lumalantod na naman ako =_=

"Hi," napalingon ako sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na naman SIYA. Ang lapit-lapit niya sa'kin tapos nakangisi na naman siya!

"A-anong...ano'ng ginagawa mo dito?" 

"Dito yung room ko." patay malisyang sagot niya.

"Tss. Alam ko noh! Ang ibig kong sabihin, wala pang klase diba? Bakit nandito ka?"

"Pake mo ba?" awww, he's soooo nice :')

"Tss. Bahala ka d'yan." umismid ako.

Ilang sandaling katahimikan.

...................................................................................................................................................................................

OKAY. AWKWARD.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko.

"Sa'n ka punta?" tanong ni Alvin.

Ayy, ano 'to? BAROK? San ka punta?

"Pake mo ba?" inirapan ko siya.

"Wait, sama 'ko." 

Pinanlakihan ko siya ng mata.

"At bakit ka sasama?"

"Bakit, bawal ba?"

"Oo, ba--"

PACKING TEYP NAMAN MAKA-PUPPY EYES 'TONG MOKONG NA 'TO. YAN TULOY---

Tumakbo ako ng mabilis na mabilis.

I'm In Love with my Bestfriend &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon