Chapter two *Flashback*

53 5 0
                                    

Zoe's Pov

Hayss. Ang aga ko nagising. Nakatingin lang ako sa kisame at inaalala ang mga pangyayari kahapon.

~~flashback~~

Naglakad lang ako ng nag lakad. Ang lalim ng iniisip ko. Sino kaya yung lalaking yun? Bat kilala nya ko? Sino ba sya? Kilala kaya sya ni mama? Bat may nakakatakot syang aura? At bakit may parang iba sakanya?

Andaming tanong na nasa isipan ko. Hindi ko namalayan na may kotseng huminto sa gilid ko.

*piiipiiiiip*

Kotse ni mama.

"Oh Princess? Bakit naglalakad ka? Nag cutting ka? Mamaya pa ang labas nyo ah?" Pinagbuksan nya ko ng pinto mula sa loob at sumakay nako.

Tulala lang ako. Nanginginig parin ang mga tuhod ko. Naramdaman ko namang tumingin sakin si mama.

"O anak? Bat ganyan itsura mo? May nangyari ba? Bat ang aga ng uwi nyo? Kaka malengke ko lang" di ko pinansin mga sinasabi nya. nakatingin lang ako sa bintana.

Lumingon ako sakanya at lumingon din sya. Nag seryoso ang mukha nya

"Anak may nangyari ba?" Seryosong saad nya.

"Auhm. M-ma a-ano kasi" nuutal ko sabi.

"Oh? Bat nauutal utal ka jan? Ano bang nangyari? Makikinig ako"

"Kasi kanina sa room. May gustong sumugod sakin. Pero pinagtanggol ulit ako ni Max. Hanggang sa si Max na ang pinag tulungan nila. Galit. Galit ako sakanila dahil sinaktan nila si Max. Kanina nag iisip ako ng pwedeng gawin para awatin sila. napatingin ako sa upuan para sana ibagsak yun at mag tigil sila. ta-tapos biglang lumutang sa ere yung upuan. Hindi ko alam kung bakit. Nagsilabasan mga kaklase ko kaya wala ng klase ngayon. At kanina din may sumusunod saking lalaki. Ansabi nya mag-iingat daw ako." mahabang kong pag kwe-kwento.

diko alam kung namalikmata lang ba ako o ano?. Nakita kong lumaki bigla ang mata ni mama. Sabay sumeryoso.

"Wag mo na silang intindihin anak. Hayaan mo na sila. Bukas na Bukas lilipat kana ng school" madiing sabi ni mama na ikinagulat ko.

"What? Ma. No! Ayokong lumipat ng school. Ayokong iwan sila Max ng dahil lang dun" pagmamatigas ko.

Di ko napansing nasa tapat ng gate na pala kami. Bumaba na kami ni mama. At pina bit bit nalang namin kay manang yung mga pinamalengke nya.

"No! Bukas na bukas lilipat ka na ng school. Ayusin mo na mga gamit mo. Mahaba pa ang araw 1pm palang. Kung gusto mo magpaalam ka muna sa mga kaibigan mo." Tinalikuran nya ko at dumaretso na sa kwarto nya.

Haaay ano pa nga ba? Wala naman akong magagawa. Umakyat nako sa kwarto ko at tinawagan si Max.

*Brrrtt. Brrrttt* ( dialing tone. Hehez sareh wala kong maisip na sound effect ey xD)

Maya maya pa ay sinagot nya na.

"Hello?

"Auhm. Max. San pwedeng gumala ngayon?" simpleng tanong ko sakanya.

"What? Zoe? Ikaw ba yan? Sa pagkakaalam ko kase yung Zoe na kilala ko hindi marunong mag gala?" Sarcastic na sabi nya.

White Academy (The Legendary Golden Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon