Chapter three

45 4 2
                                    

Kaisha's Pov ( mama ni Zoe)

*sigh*

Sana tama ang desisyon ko. Alam kong maraming tanong na gumugulo sakanya kaya sya laging lutang.

Ililipat ko na sya sa mundo kung saan sya nararapat. Kung saan sya tunay na kabilang. Ang White Academy. Ang Alma mater ko. Gusto kong mamuhay kami ng normal. Ngunit mapait isipin na kahit kelan hinding hindi kami makaka wala sa dati naming pinanggalingan.

Ang mundo na puno ng mahika. Ang mundo kung saan magulo. Ang mundo na kung saan araw araw ay nasa bingit ka ng kamatayan.

Doon. Doon sya nararapat. At alam kong doon sya magiging ligtas. Ayaw ko man syang iwan pero para ito sa kapakanan nya. Kapakanan namin. Naming lahat. Lalo na ngayon na paniguradong nag hahanap na ang mga warui. Ang Warui ay ang aming Mortal na kalaban. Ang mundo ng mahika ay nahati sa dalawa. Ang mundo ng Kabutihan at kasamaan.

Ayoko munang sabihin sa kanya ang mga bagay na ito. Gusto kong sya mismo ang makaalam at tumuklas ng mga ito. Alam kong dadating ang panahon na marami na syang matututunan at makakaya nya na ang sarili nya. Hinding hindi ko hahayaang mapunta sa masama ang aking kaisa isang prinsesa. Ang aming prinsesa. Marahil ay pinaghahanap narin sya. Dahil ayon sa aklat ng propesiya. Tanging ang Prinsesa lamang ang makakapag ayos ng lahat. Maaring sya ang maka-ayos. Maaring sya din ang maka sira.

Tama kayo. Sya ang prinsesa. At ako ang reyna. Kaya ko pinapatago sakanya na buhay pa ako. Dahil alam kong lilipas ang panahon at lilitaw ang tunay na sya. Malalaman ng lahat. Kaya gagawin ko ang lahat para protektahan sya. Sya na lang ang meron ako. Tanging sya nalang.

itinigil ko na ang sasakyan at ginising sya.

Zoe's Pov

"Princess! Princess! Wake up!" Naramdaman kong may yumuyugyog sakin.

*yaaaawwwn*

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si mama palabas ng sasakyan. Tumngin naman ako sa labas.

O_o seriously? Nasa gubat kami? Bumaba ako ng sasakyan at sinundan si mama.

"Ma! Naliligaw ata tayo? Wala namang eskwelahan dito. Haler ma, gubat to" takang tanong ko.

"No! We're in the right place. Teka!" May hinahanap si mama sa may puno at mag pinindot doon. Yumanig ang buong paligid. At simula sa taas parang may bumubukas. Hanggang pababa. Yung parang shield? Ah basta yun. (hehez. Sensya na di ako magaling mag describe eyy xD)

Tumambad samin ang napaka laking gold na gate. O_O Wooaah. Ano to? Magic? May secret Place pala dito sa loob ng gubat?

Hinawakan ni mama ang kamay ko at hinila ako.

"Dito tayo dadaan. Daretso to sa principals office" dumaan kami sa may parang lagusan. Pag pasok namin. Ang dilim. Wala akong makita. Seriously? Pano si mama nakakakita dito? Huminto kami saglit. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Kung anong ginagawa nya dahil sa sobrang dilim. Maya maya pa ay napatakip ako ng mata sa sobrang liwanag. Pumasok kami at isang napakalaking kwarto ang kinaroroonan namin. *o* ang galing. May babaeng naka upo sa swivel chair. Siguro ito ang principal.
Inikot naman nya ang Upuan at nakangiting humarap samin.

"Long time no see Que~" hindi nya natuloy ang sasabihin nya. nanlaki ang mga mata ko ng biglang lumutang ang upuan nya na ikinagulat nya rin.

"Don't call me in that name Athena" ma-autoridad na sabi ni mama.

"woaaww Okay sorry na. Ibaba mo nako Kai" at unti unting bumaba ang upuan nya

Medyo naguguluhan parin ako sa mga nangyayari. Una yung Gate na biglang lumitaw kanina. Yung dinaanan namin. At ngayon ang paglutang ng upuan ng prinsipal na si mama ang may gawa?

White Academy (The Legendary Golden Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon