Chapter Seven

17 0 0
                                    

Kaichee's Pov

Napa sarap pala kami ni Xyrish sa pag gagala. Hapon na tuloy ako nakarating.

*sigh*

Hindi pa naman ako inaantok eh. punta nga muna ko ng library..

Habang naglalakad ako napaisip isip ako..

Sino kaya yung lalaking nag sabi na mag ingat daw ako nung nasa mortal world pa ko? Tsaka ba't parang kamukha ko sya? Tsaka kahit medyo kinakabahan at natatakot ako noon may nagsasabi parin na safe ako sakanya at parang magaan ang loob ko sakanya? Sino kaya sya? Warui ba sya o Mistyque? O normal na tao lang?

Pero hindi eh..

Feeling ko iba sya..

Parang hindi sya normal?

So ano sya? Abnormal?

hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng pinto ng library dahil sa mga nasa isip ko..

pumasok na ako at naglibot libot sa mga bookshelves.

Hanap..

Hanap..

Hanap..

May kukunin na sana akong libro ng biglang may nahulog na libro.

Napatalon naman ako sa gulat.

Kinuha ko iyon at tiningnan kung may tao ba sa kabilang shelf pero wala naman?

Pano kaya ito nahulog?

Tiningnan ko naman ang libro at parang medyo luma na ito. Binasa ko ko ang pamagat...

"White Royal Family"

umupo ako sa wala masyadong tao then nilapag ko na yung librong nakuha ko. Sobrang alikabok na nito. parang wala na talagang gumagamit.
nagtataka nga ako eh pano kaya to nahulog kanina? *sigh* hayaan na nga! nacu-curious din aki sa libro na to eh. parang may tumutulak sakin alamin to.

"King Zane Whitefillia- Power Replication
Queen Ishee Kaisha Whitefillia-Power Manipulator
Prince Aiko Whitefillia- Fire Mist
Princess------"

bakit fade yung sa princess? nakakapagtaka ha? parang binura yung pangalan nung princess?

So Prince pala si Aiko? kapangalan nya si Mommy ha? hmm...

*krruuuu*

Oppss! Pupunta nga muna ako ng cafeteria nagpaparamdam na tummy ko eh. diko trip yung niluto nilang pagkain kaya sa cafeteria nalang ako kakain.

---

Umorder na ko ng pagkain ko. Hindi namn ako gutom eh. Isang burger, Fries, Solo pizza Spaghetti and isang Large Ice tea.

humahanap nako ng pwesto dala ang tray ko.

Ayuuun!

papunta nako sa may gilid malapit sa entrance ng cafeteria. nilapag ko na at mag sisimula na sanang kumain ng...

"Sya! Sya yun girl. Yung malanding lumalapit sa S class"

Naramdaman kong tumapat sila sa table ko. pumikit ako ng mariin. ayoko ng gulo. pakshet naman oh! Hindi pa'ko kumakain eh! tsk! tsk!

itutuloy ko na sana ang pagkain ng..

*craaasshhh*

tunog ng natapon kong tray na puno ng pagkain. Bwisit! Ni hindi man lang ako nakakagat ni isa! Urrghh! Nanggigigil ako! Huminga lang ako ng malalim at kumalma.

White Academy (The Legendary Golden Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon