Infatuation.05

153K 4K 486
                                    

"Kakain na lang ang dami pang kutsara saka tinidor? Ayaw naman yata nilang magpakain niyan."

Nabuburyong na ako. Nakatingin lang ako sa personal trainer ko habang itinuturo niya sa akin ang ibat-ibang tawag sa mga spoons and forks. Ang lesson kasi naman ay eating etiquette. At parang tulad ko ay sumusuko na rin siya sa akin. Napapasimangot na ako. Ms. Lavinia sighed.

"I'm taking a break. Maiwan ka dito, hindi ka aalis hangga't hindi mo nadi-distinguish ang mga kutsara at tinidor na iyan." Tumayo siya at iniwan ako. I just made a face. Kaya siguro kokonti ang kilala kong mayaman na mataba, hindi na sila makakain dahil sa dami ng kutsara nila, grabe – ano bang kinalaman ng kutsara at tinidor na ito sa pagyaman ko?

I took one spoon at toyed with it. Ginawa kong airplane, sagwan at nang magsawa ako ay ibinaba ko na lang. Pumangalumbaba ako sa table. Naiinis na talaga ako, ang sungit-sungit niya. Noong isang araw, matapos niya akong tanungin tungkol sa mga librong pinabasa niya sa akin, ang sabi niya di pa rin daw siya satisfied. Grabe lang, parang mas mahirap pa siyang i-please kesa doon sa mga professors ko noong college. Nakakainis lang.

Napatuwid ako nang upo nang marinig kong biglang bumukas ang pinto ng library. Napangiwi ako, akala ko pa naman matatagalan ang bruha.

"Hey!"

Napanganga ako. Boses ni Lukas iyon. Agad ko siyang nilingon. He was walking towards me with that smile on his face. Kahit ayoko ay napangiti na rin ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit bigla na lang siyang bumait sa akin pero ganoon talaga, malamang sa malamang, nagagandahan na sa akin ito.

"Hay..." Daing ko. Kumunot ang noo niya at saka naupo sa silyang inuuokopa ni Ms. Minchin este ni Miss Lavinia pala.

"What's your lesson?" He asked me while still smiling. Natatamad akong magsalita, inginuso ko na lang ang mesa sa harapan ko, muli siyang ngumiti.

"Ah, the infamous dining etiquette." He said. "And I'm guessing you don't like it?" He asked in a very playful tone. Umiling ako. He winked at me. Napanganga naman ako. Bakit yata parang ang gwapo niya ngayon.

"Laway mo baka tumulo." Sabi niya sa akin. Isinara ko ang bibig ko kasi baka nga tumulo ang laway ko. Ang gwapo naman kasi ni Luke, iyong ka-gwapuhan niya ay iyong tipong nakakatulo talaga ng laway, minsan naiisip ko pa rin iyong sexy abs niya eight packs, para kasing ang sarap padaan ng kamay habang nakikipagtitigan ako sa kanya.

Napabuntong hininga ako.

"Hey, are you listening?" He asked me.

"Huh? Bakit nagsasalita ba iyong abs mo?" Wala sa loob na tanong ko. Tumaas ang kilay niya habang titig na titig din sa akin. He shook his head. Kinuha niya ang mga kutsara.

"My abs doesn't talk, so look at my lips." Parang nakaakit na sabi niya. Sa isip ko, sumisigaw ako ng "Ay! Bet ko iyan!"Dahan-dahan akong tumingin sa labi niya. I slowly bit my lower lip and then I sighed. Hindi ko alam, pero parang bet ko siya ngayon... Ngayon lang naman – kasi mabait na siya sa akin.

"This is the soup spoon," Tukoy niya sa medyo malaking kutsara. "You use it in soups or sa kahit na anong may sabaw, the other one is the dessert spoon..." Nagpatuloy siya sa pagsasalita at unti-unti ay naiintindihan ko ang sinasabi niya, nang matapos siyang magpaliwanag ay nakangiti na naman ako.

"Why are you smiling like that?" Tanong niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Umayos ako nang upo at saka tumitig sa kanya. Kinuha ko sa kanya ang dessert spoon at saka tiningnan iyon.

"Bakit nga mabait ka sa akin?" Tanong ko sa kanya. Nitong mga nakaraang linggo kasi ay lalo kong napapansin na bumabait na talaga siya sa akin. Pakiramdam ko kasi ay may mali sa nangyayari. Noong una niya akong makita, tinawag niya akong low life, kulang na lang ipakulam niya ako dahil gustong ibigay sa akin ng Lola niya ang lahat ng kayamanan nila pero matapos lang ang ilaw araw ay bumait na siya sa akin na parang walang nangyari, kataka-taka iyon para sa akin.

Infatuation (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon