Infatuation.10

149K 4K 762
                                    

Tinitingnan ko si Lukas, kasalukuyan niyang kausap si Nanay at sa buong pagkakataon na nag-uusap silang dalawa ay palagi lang siyang nakangiti. Mukhang natutuwa naman sa kanya si Nanay dahil ang tagal na nilang magka-usap. Hindi nga ako makapaniwala sa kinalabasan ng araw ko ngayon – hindi ko talaga maisip kung bakit ganoon ang pakikitungo sa akin ni Lukas ngayon. Today he was very different from the Lukas I met and live in the mansion with. Iyong Lukas sa mansion, rough, hard, mean pero iyong Lukas ngayon, he's sweet, he's soft and he's very easy to deal with – nawala ang pagiging dominante niya ngayong araw na ito at hindi ko alam kung anong version ni Lukas ang mas gusto ko.

Oo, gusto ko siya. Hindi ko na maitatanggi iyon ngayon. Hindi naman ako nakikipag-momol sa kanya dahil gusto ko lang ng experience, gusto ko siya at kahit nakakahiyang aminin, mas gusto ko siya kaysa kay Gene. I sighed. Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin kay Gene na iba na ang gusto ko – ginusto ko naman si Gene, gusto ko siyang maging boyfriend – he's responsible, sweet and caring – iyong tipong gentleman talaga pero iba ang dating ni Lukas sa akin. He makes my knees weak by just merely looking at me at kapag hinahalikan na niya ako, nawawala na lahat ng buto ko – feeling ko gusto ko na lang matunaw sa mga bisig niya – iyon ang epekto sa akin ni Lukas.

Nahigit ko ang aking hininga nang bigla siyang lumingon sa akin. Kumaway pa siya at saka ngumiti – I waved and smiled back, bigla na lang nagsirko ang puso ko. Hindi ko pa naman sigurado ang mga bagay sa pagitan naming pero alam kong gusto ko siya at marahil ay ganoon din siya sa akin. Hindi naman siguro niya gagawin ang mga ginagawa niya kung ayaw niya sa akin diba?

Maya-maya ay nakita kong tumayo na si Nanay at naiwan si Lukas sa may bangko sa tapat ng cottage naming, parang malalim ang iniisip niya. Wala akong mabakas na rekasyon sa mukha niya. Gusto ko sana siyang lapitan pero tinawag na rin ako ni Nanay para matulog, late na kasi. Bukas ko na lang siya tatanungin kung anong iniisip niya. Pagdating naming ni Nanay sa loob ng silid ay saka niya ako kinausap.

"Mabait si Lukas, Apollo. Boyfriend mo ba siya?"

Napatulala ako sa itinanong ni Nanay. I sat on the bed then I sighed.

"Wish ko lang, nay." Sabi ko sa kanya.

"Gusto mo siya?"

"Medyo." Sagot ko naman. Bigla akong napangiwi ng batukan ako ni Nanay. "Aray naman, Nay! Muntik nang matanggal iyong buhok ko!" Sigaw ko sa kanya. Umiling si Nanay at saka tumingin sa akin.

"Malaki ka na. Nasa edad ka na. Hindi medyo ang sagot sa tanong ko, oo o hindi lang."

"Di ako sure, Nay. Kapag kasi nagkagusto ako sa kanya, mawawalan ng bisa ang lahat ng pangarap ko." I sighed again. Bigla kong naalala ang kasunduan naming ng Doña – sa oras na magkagusto ako kay Lukas, mawawala ang chance ko para vsa kayamanan niya. Hindi naman talaga mahalaga sa akin ang pera pero gusto ko naman talagang maibigay kay Nanay at kay Alexis ang lahat ng gusto nila at ito na ang pagkakataon ko, hindi ko na palalagapasin ito. Pero paano si Lukas? I sighed again. Siguro kailangan ko na lang siyang kalimutan. Kunsabagay, mukhang wala naman kaming pag-asa. Ano ba naman ako kumpara sa mga babaeng nai-date na niya? Ipinilig ko ang aking ulo at saka yumakap kay Nanay.

"Matulog na lang tayo, Nay." Pag-iiba ko sa usapan.

"Bahala ka nga, Apollo." She said to me. Nakayakap ako kay Nanay habang nakahiga kami sa kama. Si Alexis, siyempre kasama na niya sa silid si JC kasi ng engage na sila at sigurado akong may immoral na naman silang ginagawa. Paulit-ulit akong nagbuntong hininga dahil naiisip ko si Lukas. Ano nga kaya ang magandang gawin sa nararamdaman kong ito para sa kanya? Kailangan ko na bang patayin ang nararamdaman ko sa kanya? Kung hahayaan ko kasi sigurado akong lalalim lang ito at sa huli ako din ang mahihirapan.

Infatuation (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon