Infatuation.15

139K 3.8K 166
                                    

"What do you think, Apollo?" 



Hindi ko namalayan na nakatayo na pala si Lola Adelina sa tabi ko. Nasa balcony kasi ako noon at nakangiting pinapanood si Lukas at si Sancho na naglalaro. Hindi ko talaga maintidihan kung bakit sa araw-araw na kasama ko si Lukas ay nagagawa niya pa rin akong surpresahin. I have seen different versions of him ever since Sancho came home. Noong isang araw ay nakilala ako ang nawawalang childhood ni Lukas, he spent all day building lego block with Sancho, they were laughing together. Sa bahay, apat na tao lang ang nilalapitan ni Sancho, si Lola, si Nay Lydia, ako at si Lukas. Sa ngayon, palaging si Lukas ang kasama nito. One time, si Lukas pa mismo ang nagpaligo dito. I could very well see how much he cares for him. 


"Ano po iyon, Lola?" Napakamot ako ng ulo. She smiled at me. 


"I had never seen my two grandsons like that." Sabi niya sa akin. Bumuntong hininga pa siya at saka tumayo sa tabi ko. Now, we were both looking at Luke and Sancho. "Lukas was very distant, he grew up na siya lang mag-isa habang si Sancho, he was pampered by his Mom and his Dad habang si Lukas nasa isang tabi. I had tried my best to reach out to him pero wala. At ngayon, I am happy, Apollo." Hinawakan niya ang kamay ko. "It is because of you that I am able to see my boys like this – kahit pa wala si Sancho sa sarili, I am hoping that one day, he'll come back to us."


"Mahal na mahal ninyo po sila." Komento niya. Lola Adelina smiled.


"Of course. Mas lalong masaya kung nandito si Adelaide but, anyways, she's now happy kung nasaan man siya ngayon. I'm sure she's smiling down at his two brothers." Madamdaming sabi niya. "Hindi ako nagkamali nang piliin kita." Muling sabi niya sa akin. Napalunok ako. Matagal ko nang gustong itanong kay Lola ang bagay na iyon. Hinarap ko siya, I have to get this over and done with.

 

"Lola, b-buhay pa ba ang deal natin?" I asked her. She smiled even more. 


"May pinirmahan kang kontrata, although mahahati lang iyon, sa'yo at kay Sancho." Sabi nito. She gave me a knowing smile. "Siya nga pala, nakausap ko si Vinny. Apat na sessions na lang pala kayo at tapos ka na sa kanya and from what I heard she was really seeing a great development. After ng four sessions, magpa-party ako para ipakilala ka sa madla at para na rin i-celebrate ang pagbabalik ni Sancho." 


Hindi ako nakakibo, ipapakilala niya ako sa madla? Bakit? Kinabahan ako. Ang dami kong iniisip. Ang sinabi sa akin ni Lola noon, ang nakalagay sa kontrata, si Lukas, at ang nararamdaman ko para sa kanya. I sighed. Mahal ko si Lukas – mula nang araw na na-realize kong mahal ko siya – alam kong invalid na ang kontrata. I looked at lola.


"Null and void na po ang contract natin, Lola Adelina." Sabi ko sa kanya. Nagpakawala ako ng mahabang hininga at saka muling tumingin sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. I gave her a smile. I need to tell her that I am in love with Lukas at kahit hindi ko na makuha ang gusto niyang ibigay sa akin, okay lang, sa ngayon kasi mas mahalaga sa akin ang nararamdaman ko at si Lukas. 


"What do you mean, Apollo?" Tila naguguluhang tanong niya. Tinapat ko siya, kailangan ko nang sabihin talaga ang totoo.


"Mahal ko po si Lukas, Lola Adelina." Sabi ko sa kanya. Nakita kong tumaas ang kilay niya, hinihintay ko nang sigawan niya ako o kaya man sampalin, hinhintay ko siyang sabihin na hindi ako nararapat para sa apo niya, pero wala akong narinig. 


"Pag-isipan mo, Apollo, si Lukas o ang kayamanang maari kong ibigay sa'yo." She smiled knowingly. "Ngayong nandito si Sancho, mas lalong lumiit ang tsansa na mapunta kay Lukas ang lahat nang ito, Sancho is the first born, he is the Sole heir, may mamanahin si Lukas pero hindi kasing laki ng mapupunta kay Sancho. Kaya kong ibigay sa'yo ang kalahati ng mapupunta kay Sancho, pag-isipan mong mabuti." 


Infatuation (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon