Infatuation.21

151K 3.6K 132
                                    

"Uy, may hinahanap si Apollo."

Ngiti lang ang isinagot ko nang marinig kong tinudyo ako ng kasamahan ko. Marahil ay napansin niya na kanina pa ako lingon nang lingon. Tama naman kasi siya, nagtataka ako kung bakit wala akong roses ngayon. Nasanay na yata ako na sa tuwing aakyat ako sa nurse's station ay may sasalubong sa aking mga rosas. Pinanindigan kasi ni Lukas iyong sinabi niyang liligawan niya ako hanggang sa kayak o na ulit siyang mahalin.

Napabuntong-hininga ako, mahal ko naman kasi siya. Hindi naman ako impokrita, hindi madaling mawala ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya, gusto ko pa rin siyang makasama at nami-miss ko siya pero hindi ko pa rin kasi basta kayang tanggapin ang ginawa niya sa akin noon. Gusto ko siyang makitang nahihirapan, masama na kung masama pero iyon ang gusto kong mangyari. Isa pa, sa tingin ko, masyadong mabilis ang nangyari sa amin noon ni Lukas, moment ko na ito ngayon.

"Wala yata iyong boyfriend mo diyan." Sabi pa ng kasama ko. Tiningnan ko siya.

"W-wala? Discharged na?" Tanong ko. Nakadama ako ng lungkot. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin.

"Hindi na siguro nagpaalam kasi dinededma mo lang naman." Sabi pa ng lalaking intern na kasama naming. Hindi ako kumibo. Tahimik akong naupo sa silya at inasikaso ang chart. Inilabas ko rin ang cellphone ko, panaka-naka kong tinitingnan iyon, dati kasi kahit hindi ko naman siya pinapansin, nagte-text siya. Pero lumipas ang isang buong araw, walang paramdam si Lukas, nakadama ako ng pag-aalala, inis, takot at lungkot. Dahil sa biglaan niyang pagkawala, buong araw akong wala sa sarili, muntik ko pa nang ma-injection-an ng pampatulog iyong kapwa ko nurse.

Gusto kong maiyak, pero hindi ko ginagawa, baka may makakita pa sa akin, isipin na nababaliw na ako. Nainis tuloy lalo ako kay Lukas, ni hindi pa siya nakakaranas ng sobrang hirap, sumuko na agad siya, ni wala pa nga sa kalingkingan ng naramdaman ko iyong nararamdaman niya, ayaw na niya. Siguro hindi talaga niya ako mahal!

"Apollo, butas na iyang chart mo." Bati sa akin ni Ate Medy – iyong head Nurse namin. Nginitian ko siya at saka inayos ang hawak ko. Pumasok sa loob ng counter at saka nanguha ng bagong chart na bubutasin at ballpen na sasayangin.

"Anong oras ang out mo?" Tanong niya sa akin. Tumingin ako sa relo ko.

"Ten pm po. Medyo maaga ako this week." Nginitian ko siya. Thrity minutes na lang ay out ko na. Uuwi ako sa bahay at tahimik na isusumpa si Lukas Consunji.

Dumating ang oras ng out ko. Pilit ang ngiting ibinigay ko sa mga kasamahan ko habang papalabas ako ng ospital. Inis na inis pa rin ako. Naiinis ako kay Lukas, ang bilis niyang sumuko, ang kapal-kapal ng mukha niyang magbitaw ng mga salitang hindi naman pala niya kayang panindigan. Nagngingitngit ang kalooban ko, naiinis na naiiyak na nagagalit na naaawa ako sa sarili ko. Umasa na naman ako sa wala, nabigo na naman ako.

"I hate that man!" I cursed beneath my breath. Nagpatuloy ako sa paglakad, saglit akong napahinto nang makita ko ang isang itim na van na huminto sa harapan ko. May dalawang lalaking may bonet na lumabas mula roon. Malalaki ang katawan nila. Napalunok ako, sa akin sila papunta. I started walking away pero bago pa man ako makalayo ay hinabol na nila ako at naabutan. Dinala nila ako na parang saka ng bigas, hindi na ako nakasigaw dahil may itinakip sila sa bibig ko. Pinasok nila ako sa van. Tatlo sila. Iyon sia driver. Naka-bonet din siya. Tiningnan ko ang dalawa sa tabi ko.

"Sino kayo? Pakawalan ninyo ako!" Sigaw ko. Hindi sila kumibo. "Kidnap for ransom ba ito? Wala akong pera, mahirap lang ako, walang bubong ang bahay namin!" Bahala na kung anong lumabas sa bibig ko, kailangan kong makatakas dito, pero paano ko gagawin iyon? Umaandar ang sasakyan, tinali nila ang kamay at paa ko at dahil na rin siguro sa kadaldalan ko ay binusalan nila ang bibig ko. Hindi pa rin ako tumigil, palag ako nang palag, bigl ay may ipinaamoy sa akin ang isang lalaki at iyon ang naging dahilan ng pagkahilo ko, ayaw kong ipikit ang mga mata ko, pero kusang bumabagsak ang mga iyon. Kusang pumipikit, pero ayoko pa rin, naiinis ako sa sarili ko, pilit kong nilalabanan ang kung anumang ipinaamoy nila sa akin. Sa huli, hindi ko rin kinaya, kusang pumikit ang mga mata ko at bago ako tuluyang makatulog ay parang narinig ko ang isang lalaking may kausap sa telepono...

Infatuation (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon