Infatuation.13

122K 3.8K 345
                                    

Kinakabahan ako. Hindi ko talaga inaasahan ang nakita ko sa larawang ibinigay sa akin ni Sheena. Hindi ako mapakali. Alam kong kailangan kong sabihin kay Lola ang lahat pero ayoko pa, hindi pa hangga't hindi pa ako sigurado. Sa Sabado ko pa malalaman ang lahat, pero kung sakali nga na si Baby Boy sa mental institute at si Sancho na kuya ni Lukas ay iisa – anong mangyayari? Ibig bang sabihin wala nang mana si Lukas? I sighed. Hindi ko iniisip ang sarili ko – unang-una kasi – hindi talaga ako interesado sa yaman ng mga Consunji – kung meron man akong interes, si Lukas iyon.

"Sheet! Ang landi ko talaga!" Napapadyak pa ako. I was walking back and forth sa may edge ng hagdan ng mansion. Napapalunok pa ako. Kinakabahan talaga ako sa tuwing naiisip ko na may pag-asa pang makita ulit ni Lola ang apo niyang inaakala niyang patay na. I smiled. Matutuwa si Lola, pero bago ko sabihin sa kanila, kailangan ko munang makasigurado. Hindi na yata ako makakapaghintay hanggang sa Sabado, tatlong araw pa iyon. Naisip kong pumunta na ngayon. Matter of life and death naman ito. Maganda kung magkakaalaman na.

Patakbong bumaba ako ng hagdan. Kinapa ko muna ang bulsa ko para masigurong may dala akong pera pan-taxi nang makapa kong meron ay sumige ako. Lumabas ako ng mansyon, hindi na ako nagpaalam, babalik rin naman ako kaagad. Pumara ako ng taxi at sinabi kung saan ako pupunta. After thirty minutes, inihinto ng taxi driver ang sasakyan sa tapat ng Mental Institute. Tumakbo ako, nakilala ako ng guard kaya nakapasok ako agad. Umakyat ako sa itaas, naroon pa rin ang silid ni Baby Boy, sana, nandoon pa si Baby Boy, kailan ko siyang makita nang malinis at maayos. Inilabas ko ang larawan sa bulsa ko. Kailangan kong makita na ganito nga ang hitsura niya.

"Apol!"

Napahinto ako sa paglakad nang marinig ko ang boses ng dati kong kasamahan. Si Maggie. Nginitian ko siya at lumapit naman siya sa akin.

"Mags, si Baby Boy?" Tanong ko agad sa kanya. Ni hindi ko siya nakamusta. Kailangan niya itong makita.

"Nandoon pa rin. Ganoon pa rin siya, tulala, minsan kung anu-anong sinasabi." Hinatak ako ni Maggie patungo sa silid ni Baby Boy. "Noong isang araw may tinatawag siyang Adelaide, paulit-ulit iyon. Kahapon naman tumatakbo siya, nakikipaghabulan daw siya sa kapatid niyang lalaki."

I gasped. Adelaide ang pangalan ng bunsong kapatid ni Lukas at kung sakali man, baka si Lukas ang sinasabi nitong kahabulan nito. Pumasok kami ni Maggie sa loob. Nakadama ako ng kaba, mas kinakabahan pa ako ngayon kaysa noong first night naming ni Lukas.

Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng kama at nakatingin sa malayo. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Mabalbas si Baby boy, pero malinis siya. Hindi lang talaga sila nise-shave dahil bawal ang pointy things sa loob ng mga silid nila.

"Shaver..." Sabi ko kay Maggie.

"Gillete? Meron pero diba---"

"Basta, Mags!" Sigaw ko sa kanya.

"Easy, ito oh, may dala ako." Binigay niya iyon sa akin. Lumapit ako kay Baby Boy. Nginitian ko siya nang tumingin siya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang pagtataka. Kahit tahimik siya ay nakikita ko naman ang emosyon sa mga mata niya.

"Hi, Baby Boy, kilala mo pa ako?" Tanong ko sa kanya sabay hawak sa baba niya. "Huwag kang gagalaw, may titingnan lang si Apol. Alam mo iyong song natin diba? Apple, apple, a a a..."

Ngumiti siya. Sinenyasan ko si Maggie, lumapit siya sa akin at tinulungan akong i-shave si Baby Boy. Nanginginig ang mga kamay ko. I am seconds away from revealing a great mystery: The mystery of what happened to Sancho Consunji. Tumalikod ako.

"Apol, umaano ka diyan?" Tanong sa akin ni Maggie.

"T-tawagin mo na lang ako kapag tapos na. Gusto kong ma-surprise." Sabi ko sa kanya. Tumingin sa akin si Maggie.

Infatuation (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon