Chapter 4

93 6 0
                                    

                        Chapter 4

Tin's Pov

"Sino kasama mo? Bakit ngayon ka lang gabi na?" Salubong sa akin agad ni daddy at mommy tahimik lang ako lumapit sa kanila.

"Niyaya lang kasi ako nila Kevs at Roxanne?" Pagsisinungaling ko sa parent ko.

"Bakit hindi mo kasama si Gary?"

"Dad mga kaibigan kasama ko atsaka pumayag naman si Gary,"  sabi ko sa kanila.

"Bakit ba kasi  kailangan sunduin ako ni Gary? Hindi na ako bata."  Reklamo ko sa kanila.

"Dapat lang para magkakilala kayo." Hindi na lang ako nagsalita. Napatingin na lang ako kay mommy. Alam ko kahit ayaw ni mommy wala siya magawa lagi si daddy nasusunod  tahimik lang niyakap ako ni mommy.

"Pagod na ako, papahinga po muna ako."  Paalam ko sa kanila. Agad ako pumasok sa kuwarto ko. Hindi ko na alam gagawin ko problema ko sa buhay kay daddy kay john hindi ko na alam nalilito  na ako. Ano dapat kung gawin. Buwisit talaga buhay 'to. Bakit ganyan  daddy ako. Hindi ba puwede ako pipili ng gusto ko? Hindi dahil sa kasunduhan paano naman feeling ko? Kaibigan lang turing ko kay Gary  'yon lang 'yon. pagdadabog ko ng  bigla-bigla na lang pumasok sa kuwarto ko si Angel. Napatingin ako sa kanxya seryoso

"Hay! Sis  ano problem mo?"  Tawang-tawa pa siya kahit alam naman niya. Ang sarap din batukan kapatid ko. Ang lakas makatrip kapatid ko ba 'to! Sinimangutan ko lang siya.

Anong ginagawa mo sa kuwarto ko?" mataray ko sabi sa kan'ya. Kahit kailan kasi 'to hindi magawa kumatok basta na lang papasok sa kuwarto ko.

"Papaturo sana ako sayo eh! Hindi ko alam 'to! Badtrip ka ngayon ha." Umupo pa  sa tabi ko.

"Hindi ba halata!"  Pilosopo ko sabi sa kan'ya. Magtatanong pa 'to. Alam na naman niya eh.

"Ano ba 'yan. Lagi na lang kayo nag-aaway ni daddy?"

"Ano pa nga ba?" sabi ko sa kan'ya. Tinawanan niya ako.

"Hirap ng lovelife noh ate!" Binatukan ko na lang siya.

"Umalis ka nga rito!" Panira ka rin.

"Papaturo nga ako sa'yo." Nakasimangot siya nakaharap sa'kin.

"Ano ba 'yan!" sabi ko sa kan'ya.

"Math lang naman eh, ang hirap kasi." Sabay bigay niya habang pacute pa siya.

"Kay Roxanne ko 'to papagawa. Asa ka pa sa akin." Bigla nagseryoso si Angel napaharap sa akin. 'Yong tingin niya. Kakainis minsan hindi ko malaman sa isip ng sister ko. 'Yong tipong seryoso o bubwisitin ka lang niya pero aminin ko man mas matanda siya mag isip sa akin. Napatingin ako sa kanya bigla ng magseryoso siya.

"Ate. totoo ba ipapakasal ka kay Kuya Gary? Paano na si kuya John?"  Hindi ako nagsalita sa sinabi niya.

"Tinotoo pala talaga ni daddy."

"Anong kasal sinasabi mo! Hindi ako magpapakasal sa kan'ya,"  sabi ko sa kan'ya.

"Pero ano 'yon! Narinig ko
nag uusa ?" Umupo si Angel kinausap ako.

"Ate ipaglaban mo si kuyajohn mahal na mahal niyo isa't-isa. Sabihin mo kasi kila dad na mayaman na mayaman si Kuya Johnm. Mayaman pa nga sa atin. Alam mo ba ate nong isang Araw may bago naman restaurant sila inopen nakita ko siya don." Napaseryoso ako nakatingin kay Angel.

"Niyaya pa nga ako ng makita niya ako kasama ko mga kaibigan ko. Ang bait-bait pala ng parent ni Kuya John tapos 'yong ate at kuya niya ang bait din sa kin."  Napatingin ako sa kan'ya.

"Nakilala muna sila?"

"Ha?" Takang napatingin si Angel sa akin.

"'Wag mo sabihin ate! Hindi mo pa sila  nakikilala sila." Tinawanan lang ako ng kapatid ko.

"Nahihiya ako sa kanila kaya hindi ako sumasama kay John. Lagi busy parent niya 'yong k
Kuya niya lang nakita ko," sabi ko sa kan'ya.

"Gagi talo pa pala kita ate!"

"Ano sabi sa'yo?"

"Pinakilala lang niya ako sa kapatid niya. Alam mo na proud siya sabihin kapatid niya  girlfriend ko.

"Talaga sinabi niya 'yon." Nagulat ako ginawa ni John 'yon.

"Oo, sweet nga niya? Bakit ate bawal ba ipaalam relasyon niyo." Nakakunot mukha ni Angel napaharap sa akin.

"Hindi naman," sabi ko sa kan'ya.

"Alam mo ba ate! Natuwa naman sila ng makilala nila ako tapos nagulat ako ng  kilala nila daddy natin kasi tinanong nila ako. Ang daldal nong mommy ni John. Alam mo ba parang si John lang kamukhang-kamukha niya tapos sa kan'ya nagmana ang daldal niya din. Sabi pa nga ate! schoolmate raw ni daddy 'yong Mommy ni Kuya John. Alam nga nila 'yong business ni Daddy." Napaseryoso ako napaharap kay Angel. Napaisip tuloy ako paano nila nalaman business ng daddy ko. Pinaimbestiga ba nila daddy ko?

"Alam mo ate! Magugulat 'yan si daddy kapag nakilala niya parent ni Kuya John akalain mo isa sa pinakasikat na businessman at kilala sa buong bansa. Dami nga nagpapicture sa kanila. Kainggit nga at suwerte mo ate Kapag naging kayo. Ikaw na rin hahawak ng negosyo nila tulad ng restaurant, mall at hotel meron pa nga eh resort sa cebu." Napakunot noo lang ako tiningnan siya.

"Hindi nga nakikialam si John sa negosyo nila. Minsan pumupunta siya para kumustahin bussiness nila. Paano mo nalaman? Ang dami dami mo alam tungkol sa kanila stalker ka ba nila?" sabi ko  kay Angel. Kanina pa ako nagtataka ang dami niya alam sa buhay ni John.Ako nga girlfriend niya alam ko lang mayaman siya may restaurant pag -aari pero 'yong iba hindi ko alam .

"Nagwowork kasi 'yong kapatid ng kaklase ko do'n na kuwento lang sa akin ngkaklase ko. Ang bait talaga nila. Si kuya John lang medyo may pagkakenkoy pero boto ako talaga ako ate sa kan'ya para sa'yo. Sige na ate pahinga ka na bukas ko na lang 'yan kukunin sa'yo. Sweetdream ate ." Nginitian ko lang siya.

"Sige na bye na." Mag-isa na lang ako napaisip ako  sa sinabi ng sister ko. Hindi ako masyado nakatulog hanggang hindi ko namalayan na umaga na pala Hay! Naku may pasok na naman. Bumangon ako.
Mag-iingay na naman si Angel. Ito bagay pinakaayaw niya ang malate siya sa school kahit hindi pa ako tapos magsuklay hihilahin na niya ako papasok. Napahiling na lang ako. Inayos ko na at hinanda ko gamit ko. Minsan makakalimutin ako. Lumabas na ako sa kuwarto para pumasok na.

------------------------------------------------------

Ultimate Barkada Series
Series# 3-Funny
John and Tin

Ultimate Barkada Series-Series#3- Funny(John and Tin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon