Chapter 20

27 2 0
                                    

Chapter 20


John's Pov

"Tangina hindi ko maisip na tutulungan niyo kami ni
Tin." Nilapitan ko sila  Niyakap. Ang mga loko-loko ko mga kaibigan pinagtawanan lang ako.

"Ano ka ba kahit kenkoy ka mahal ka pa rin namin."

"Ang sama mo Cherry,"  sabi ko sa kan'ya.

"Bakit hindi ba totoo." Pagtataray ni Sarah sa'kin. Kahit kaiu
lan isa 'to panira rin e. Magkaibigan nga sila.

"John kinakabahan ako." Napatingin sa akin si Tin.

"Kakabahan ka pa ngayon kung kailan asawa mo na siya ate." Sabay tawa ni Angel sa ate niya. Loka-loka rin minsan si Angel pinagloloko kapatid niya.

"Tama ka ate mo talaga duwag kahit kailan."

"Kuya may tiwala ako sa'yo sana hindi mo siya lolokohin." Napatingin ako kay Angel parang matanda kung magsalita talo pa ate niy. Akala mo siya panganay.

"Opo! Maam angel," sabi ko.

"Papunta ata rito parent ni John." Tinuro ni angel na palapit sa amin parent ko. Pabulong na nga lang narinig ko pa.

"Ang ganda ng house nila." Natawa ako sa ingay ni Angel.

"Ano gagawin ko?" Tanong ni tin sa kapatid niya. Mukha kinakabahan. Natawa na lang ako kay Tin mahina talaga loob niya hindi tulad ni Angel palaban. Nagkita naman sila ng parent ko hanggang ngayon nahihiya pa rin siya.

"Kapit ka lang ganda sa akin.  Hindi naman mangngangain ang parent ko."

"Hindi ko kasi alam sasabihin ko at nahihiya ako."

"Ok relax lang." Nakalapit na nga parent ko. Ramdam ko panginginig ni Tin. Pinisil ko kamay niya para kumalma siya.

"Hello!" Bati ni mommy sa amin.

"Hello po.," mahina sabi ni Tin.

"Lagi ka kinikuwento ng anak ko welcome sa family namin.

"Salamat po."

"Kinakabahan daw siya Mommy."  Siniko ako ni Tin.

"Binuko mo pa ako," pabulong niya sabi sa akin.

"Aray! Tama na nga sakit no'n."

"Ikaw kasi."

"Kayong dalawa parang wala kayong kasama makapagharutan wagas. Mommy oh!" sabi ni Angel mommy nila.

"Si ganda kasi."

"Tama na nga 'yan magsipasok na kayo at makapagsimula tayo kumain at maicelebrate  natin ang newly wed. Natatawa ako sainyo dalawa gano'n na gano'n kami di ba mommy?"

"Naalala mo pa pala daddy." Napatingin ako sa parent ko sobrang kinilig si daddy  talo pa si mommy kung makakilig sila sa isa't-isa.

"Wow mommy, daddy tawagan nila."  Biglang sigaw ni Emz Napatingin lang parent ko. Pasaway na Emz. Napagtripan parent ko.

"Ang sweet nga nila 'tol."  Sabay akbay ni George kay Emz.

"Loko kayong dalawa."  Binatukan sila Mike.

"Aray ko naman Mike," sigaw ni George natawa na lang ako.

"Ang gugulo niyo  may bisita pa naman," sabi ni Cherry pinagtanggol pa niya boyfriend niya.

"Biro lang  naman eh! Di ba tita, tito? Sino mga bisita?"  Tanong ni Emz.

"Sino pa ba? Ang kaklase ni Tin."  sabi ni mike sa kanila.

"Kilala ko naman sila di ba Kevs?"

"Ewan ko sa'yo George hindi ka namin kilala."

"Ang sama mo naman Kevs sige magkalimutan tayo. Hindi ko na kayo papakopyain sa mga assignment."

"Nagsalita ang  magaling," sigaw ni Roxanne.

"Isa ka pa riyan Roxanne binubuko niyo ko sa mga kaibigan ko."

"Lakas talaga hangin mo pare. Tara na nga Roxanne."  Napatingin lang ako sa kanila.

"Uuwi na ba kayo?" Sabay lapit ni Harold sa kanila. Nagpaalam na sila umalis na nga sila kami na lang dalawa naiwan ni Tin.

"Hindi ko akalain magagawa nila ito kasal natin. Kaya pala busy-busy mga mokong na 'yon sa tuwing pupunta ako lagi wala sila ito pala pinagkakabalahan nila."

"Oo nga eh, kasabwat pa nila family  mo."

"At sister mo rin Tin. Ang kinagulat ko parent mo Tin kasama nila sa plano."

"Hindi na ako magtataka sa kapatid ko kilala ko na 'yon. Baka nga siya pa gumawa nito plano na 'to? Pero ang hindi ko inaasahan parent ko. Hindi kasi pala salita si mommy. Lagi kasi siya sunod sunuran sa daddy ko. Alam mo ba masaya ako dahil sa wakas kasal na tayo."  Napayakap si Tin sa'kin.

"Oo nga! Basta ganda mahal na mahal kita lagi mo tatandaan. Alam mo naman ikaw lang babae minahal ko  at mamahalin ko habang buhay wala akong ibang hiniling kundi ikaw lang sa buhay ko. Alam mo ba mabait pa rin sa'tin si kupido dahil hindi niya tayo hinayaan na hindi magtagumpay. Ang sarap ng feeling ganda asawa na kita pero  kahit na hindi tayo magkasama ok na 'to atleast  hindi ka na mawawala sa buhay ko. Akin ka na forever ganda ."

"Ikaw din love you."

"Sige na hatid na kita sa inyo. 'Wag natin sayangin 'yong plano nila para sa atin. Sa ngayon kailangan natin magpanggap pero sa oras na nakatapos ka na Tin sa ayaw at sa gusto nila kukunin kita. Asawa na kita ,
ako na may karapatan sa'yo. Sa ngayon igalang natin desisyon ng parent mo. Siguro nga Tin pinoprotektahan ka na lang nila para naman sayo 'to? Hahayaan ko kagustuhan nila. Tama naman sila Tin kailangan makatapos ka muna. Ok na sa'kin Tin na kasal na tayo sa tulong nila. Ang mahalaga tanggap na nila tayo. Salamat ganda ilove you."

"Love you too." Umalis na kami hinatid ko na si Tin. Pagbalik ko sa amin. Hinanap ko agad parent ko niyakap ko agad sila. Tinawanan lang nila ako.

"Ang oa mo!" sabi ni  kuya Jeff.

"Oa na kung oa pero salamat sa lahat."

"Wag sa amin! Mga kaibigan mo lahat ng plano nito,"  sabi ni mommy sa'kin.

"Ngayon ano na plano mo?" Seryoso ako nakatingin kay daddy..

"Kung ano kahilingan ng parent ni Tin." Tumango lang sila sa sinabi ko.

"Oh siya! Matutulog na kami. Maaga pa kami bukas." Napatingin lang ako sa kanila. Pagkaalis nila sumunod na rin ako. Pumasok na ako sa kUwarto ko agad ko hinanap cp ko lahat sila tinawagan ko. Nagpasalamat lang ako sa ginawa nila. Kahit na pinagtatawanan nila ako  masyado raw ako oa. Pagkatapos ko kausapin sila. Naligo na ako tapos nagvideocall kay Tin kahit magkasama pa lang kami ilang oras gano'n ko siya namiss.

"Good night ganda!"

"Goodnight love you. Matulog na tayo," sabi ko sa kan'ya. Ngiti ako napapikit dahil ito ang araw na pinakamasaya dumating sa buhay ko hanggang sa nakatulog ako.

------------------------------------------------------

Ultimate Barkada Series
Series# 3-Funny
John and Tin


------------------------------------------------------

Ultimate Barkada Series
Series# 3-Funny
John and Tin

Ultimate Barkada Series-Series#3- Funny(John and Tin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon