Chapter 4

1 0 0
                                    


Nandito ako ngayon sa building ng agency kasi pinatawag ako ng aking new manager at gusto ko ring makita si Maxx. I'm done with him, gusto ko lang ng closure. That's all.

"Hey."

May lumapit sa akin at ang hinayupak pala. Grr. Ang bilis talaga masira mg mood ko kapag siya ang kasama ko. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi naman nangulit sa'kin ang hinayupak. I know pinatawag rin siya kasi nga love team kuno kami. Pumasok kami sa office, hindi yung pinasukan namin last time medyo maliit lang ito. Nakita namin si Frederic at si Maxx na nag uusap pero huminto sila ng nakitang pumasok kami. Si Frederic ay nakangiti sa'min si Maxx ay ang usual niyang 'walang-pakialam look.

"Umupo muna kayong dalawa."

Sabi niya at bumaling kay Maxx. Nag usap sila ng kunti. Nakita kong tumango si Maxx at umalis na. Tumikhim ako.

"Maxx can I talk to you after this?"

Sabi ko ng dumaan siya sa'min. Tinignan niya ang relo niya sabay umiling sa'kin.

"Sorry Marishka I'm busy."

Aalis na ulit siya kaya hinarap ko na at alam kong nagulat siya sa ginawa ko.

"No. I promise, madali lang to."

He loooked at me in the eyes tapos tumango.

"Ok. I'll wait in my car. Bilisan mo lang."

Sabi niya at umalis agad. Sinundan ko siya ng tingin then I sit beside Ysmael na kanina pa pala nakatingin sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay he just rolled his eyes at ibinaling ang tingin kay Mr.Frederic.

"May good news at bad news ako sa inyo. Anong gusto niyong unahin ko?"

Naninibago pa ako kay Mr.Frederic akala ko siya yung tipo na hindi palangiti pero heto siya ngayon nakangiting aso sa'min para bang kinikilig siyang makita kami.

"Good news." \ "Bad news"

Napatingin kami sa isa't-isa. Sabay pa kaming nagsalita. Tssss. Ako ang nag sabi ng good news siya naman sa bad. Tumawa lang si Frederic sa'min.

"Ok. Ang good news uunahin ko."

Tumingin ako kay Ysmael at nag smirk. HAHA! hindi niya nga lang ako pinansin pero deep inside I know! Papatay na yan!

"May bagong movie na gagawin at kayo ang bida if you'll accept the offer, May nag offer na kayo daw ang mag model sa isang brand ng damit at ilan pang mga offer ng mga advertisements para sa inyong dalawa."

Wow. So ano ang bad news?

"Ang bad news ay naimbitahan kayo sa isang talk show and I accepted their invitation without your approval, sorry about that kasi kung hindi baka magduda sila kung bakit ko ide-decline and mas mabuti yun dahil makikita na nila kayo sa wakas na magkasama. The problem is kailangan niyong maging sweet sa harap ng camera. Be professional guys, wag niyong sirain ang opportunity na to. And the talk show will be tomorrow morning kasi ii-air siya sa gabi."

I nod but I know it will be tough. Wala akong alam kay Ysmael noh. Tssss. Hindi pa nga ako tapos sa iniisip ko ng nagsalita agad si Frederic.

"And one more thing. Dapat palagi na kayong magkasama. Hihihi. Iiwan ko muna kayo ha? Pupuntahan ko muna ang mga nag offer sa inyo ng ad. Bye. "

Umalis na siya. Tumayo na rin ako para puntahan si Maxx. Shit! medyo matagal din kaming nag usap. Lakad takbo ang ginawa ko para maka puntang lobby at thank god nandun parin si Maxx dahil nakita ko ang pamilyar na car and I know it's his. Lumapit ako doon and I can now see Maxx leaning on his car. He looked at me I smile but he don't, mas lalong kumunot ang noo niya ng papalapit ako. He's still mad at me? Lumapit na ako sa kanya.

LIMITLESS(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon