"YEAR 2011"

9 0 0
                                    

kung hindi ako nagkakamali yan yung taon na una kong nakilala ang "JAMICH"  nagsimula ang pag hanga ko sakanila dahil isang shortfilm nila. "TEXT THE STORY OF BESTFRIEND."  Isang araw nasa harap ako ng computer nun, kauuwi ko lang galing ng school nung araw na iyon. At naghahanap ako ng mapaglilibangan ko hanggang sa napag-interesan ko mag YOUTUBE.

JAMICH'S SHORTFILMS/STORY sila palang ang nabubukod tanging LOVETEAM na sobrang; NAGPAIYAK, NAGPAKILIG at higit sa lahat ang NAGPASAYA sa akin. Sila lang ang nabubukod tanging loveteam na sobra kong hinangaan sobra kong minahal at higit sa lahat sobra kong sinuportahan.Sila palang ang loveteam na pinakamatagal kong hinangaan, sinuportahan at higit sa lahat minahal.

Hanggang sa, pagbukas ko ng youtube bumungad sakin yung SHORTFILM nila. so pinanuod ko na yun. A few mminutes after watching that shortfilm hindi ko talaga napigilan ang umiyak. At duon na nagsimula ang paghanga ko sakanila, naghanap pa ako ng iba pa nilang shortfilm hanggang sa hindi ko namamalayan unti unti ko na siyang inaabangan. lahat ng OFFICIAL ACCOUNTS/PAGE hinanap ko para UPDATED ako sakanila.

OFFICIAL ACCOUNTS/PAGE, lahat hinanap ko, lahat nilike ko, lahat finallow ko daig ko pa ang STALKER nung mga araw na iyon. Ultimo OFFICIAL CLAN sinalihan ko JAMICH LOVERS TEXTER CLAN para kahit offline ako makatanggap ako ng UPDATE about them and lahat talaga ginawa ko para lang maging UPDATED. Sa lahat ng accounts nila, active liker, sharer, at commentor ako para lang mapansin nila.

Maraming mallshow sila na hindi ko napuntahan, sobrang panghihinayang ko nun kasi parang pakiramdam ko kahit gaano ako ka ACTIVE sa mga accounts nila hindi parin nila ako napapansin. Yun bang napaghihinaan na ako ng loob kasi parang pakiramdam ko lahat na ginawa ko pero parang hindi WORTHY, parang wala akong makitang resulta kung effective yung mga efforts na ginagawa ko for them.

Habang tumatagal, mejo laylo ako, nag quit muna ako sa JLTC, hindi na ako gaano updated kasi maraming SCHOOL ACTIVITIES so that time nag focus muna ako sa STUDY ko. Mejo na busy ako nuon hanggang sa namalayan ko hindi na ako gaanong update sakanila, hindi ko na alam kung ano na nagyari sakanila. Wala na ako gaanong nababalitaan tungkol sakanila.

Lumipas ang ilang tao, nagpaka active ulit ako sa social para maging update na ulit ako sakanila. and that time dun ko nalamang my sakit na si kuya jam. nagpaka active liker, sharer at commentor ulit ako sa lahat ng official accounts nila. Nanunuod na ulit ako ng SHORTFILMS nila kasi bakante na ako eh wala na ako ginagawa kaya lahat ng oras na meron ako sakanila ko itinuon kasi gusto ko talaga maging update sakanila.

"More Efforts, Less Expectations. Waiting is very WORTHY!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon