Yeeaah its another year for everyone. my mga pangyayari nanaman sa buhay natin na hindi kailanman inaasahan. This year is "FULL OF PAIN" and "FULL OF CHALLENGES" for ate pao.
Napakaraming issues na ibinabato kay ate pao nun, i know im only a FAN of HER/THEM pero hindi ko na maitago yung totoong nararamdaman ko na sobrang APEKTADO ako sa nangyayari sakanya. Hindi ko alam kung bakit eh pero yun talaga yung nararamdaman ko.Siguro isa na yung dahilan na hindi lang talaga idol ang tingin ko sakanila nun kundi ATE AT KUYA na ang tingin ko sakanila kaya siguro ako apektado sa mga nangyayari sakanila.
Napakarami kong nababasa sa social na puro PANINIRA sakanila, yun bang BELOW THE BELT na. Yun bang hindi na makatao yung ginagawa nila. Sa mga oras na yon wala akong ibang ginawa kundi ang ipag dasal sila. Habang tumatagal parang palala na ng palala yung issues, at ang dami na nilang "BASHERS" napakaraming taong mapanghusga nung panahon na iyon. Kaya't lagi ko nalang talaga sila ipinagdadasal nun.
MARCH 4, 2015
Nasa school ako nun, PE SUBJECT namin, so nasa court kami ng kaibigan masaya kami nung araw na iyon. hanggang sa kinausap ako ng isa kong classmate sabay sabi;
Siya: ui bee ? nabalitaan mo na ba ? patay na raw si kuya jam ?
Ako: hahahaha nagpapatawa ka ba ? huweee wag ako be :P huling update ni ate pao, nakakapagsulat na siya. it means gumagaling na siya :P
Siya: hala , ayaw maniwala tingnan mo magbukas ka ng fb para maniwala ka.
Ako: suss nooo way hindi mangyayari yun ( my pinaglalaban ako )"
Pag-uwi na pag - uwi ko ng bahay agad ako nagbukas ng facebook nun and hindi ko inaasahan na bumungad sa akin yung "#RIPJAM" lahat halos ng nakikita ko sa newsfeed ko my ganyan. That time ayuko pa maniwala at halo halo ang nararamdaman ko ( oo na FAN LANG ako.. pero hindi ko mapigilan eh ) Ano magagawa ko ? eh sa iyon ang totoong nararamdaman ko itatago ko pa ba ?
After the news about him, hindi ako makatulog ng maayos nun kasi pinagdadasal ko si ate pao, iniisip ko siya nung mga araw na iyo. Pinagdadasal ko kahit isang araw lang bigyan naman ako ng isang pagkakataon na makita si kuya jam. Ilang beses ko hiniling yun paulit ulit lang. Hanggang sa sinagot ng diyos ang panalangin ko dahil nabalitaan ko na magkakaroon ng "PUBLIC VIEWING"
MARCH 7, 2015
One of the very UNEXPECTED and MEMORABLE DAY for me. Sobra sobra ang pasasalamat ko sa panginoon kasi sinagot niya yung pinaka matagal ko ng hiling sakanya. Nanghihinayang man ako kasi kung kailan wala na siya dun ko siya nakita napakaraming panahon pero walang pagkakataon. Pero ok lang mas nangingibabaw yung saya na nararamdaman ko kasi binigyan ako ng pagkakataon na makita siya.
Jam's PUBLIC VIEWING DAY. :) Bago kami pumasok sa loob lumapit muna kami sa mama ni kuya jam para lang i abot muna yung picture frame na ginawa namin.
A few months later ...
After ng pagkawala ni kuya jam duon naman sumabog at bumaha ng issue about ate pao. Well walang bago APEKTADO parin ako ( oo na nga FAN LANG nga ako xD ). Pero pinagdadasal ko nalang lagi na sana maging ok na ang lahat. Napakaraming Pagsubok ang pinagdaanan ni ate pa. Napakaraming "BASHERS" na walang ginawa kundi ang manira kahit hindi naman nila kilala ng lubusan si ate pao.
One day sa sobrang hindi na talaga kinaya ng loob ko my isa akong basher na sinagot talaga. Wala eh hindi ko na kasi talaga kinaya, sobra na ang paninira nila napakaraming masasakit na salita na sinasabi nila kay ate pao. Kaya yun hindi ko na napigilan sinagot sagot ko na pero in a nice way naman. I tried to explain the situation to them but it's not working pero ok lang ang mahalaga ginawa ko yung makakaya ko to PROTECT PRINCESS PAO.
BINABASA MO ANG
"More Efforts, Less Expectations. Waiting is very WORTHY!"
De TodoThe true to life story of being a fangirl. :) I hope this story give you a lot of inspiration :)