Tumatawang parang bata si Dhenny Rose or Dhenny nalang daw habang nakikinig sa kwento namin ni Leo, kung bakit kami andito sa penthouse at kung bakit suot ni Leo ang tuxedo ng kuya nya.
At itong magaling kong kaibigan suot parin yung tux, kinareer na nya yung damit.
"Hoy Leonardo! Magpalit ka na nga dun." Sita ko sakanya.
"Oo nga no. Tsk, bagay na bagay kasi sa akin oh, mukha akong nag level up!"
Ang kapal din ng mukha ng onyok na 'to.
"Medyo 5 inches thicker and mukha mo ah." Inis kong sabi sa kanya.
Bigla nanamang tumawa si Dhenny, saka muling nagsalita. "No! Actually, hindi pa kayo totally saved from here."
Ay tokis din 'to. Akala ko okay na ah.
Hindi kami umimik ni Leo na nahuli kong titig na titig kay Dhenny, parehong naghihintay sa susunod nyang sasabihin.
"I need you two to come with me at the party."
"Party? Anong party?" Si Leo.
"You see... there's a sort of celebration my brother will be hosting later this night." Lumingon ito sa wall clock. It's 6:45. "Later at 8."
"And?" Dugtong ni Leo.
"And you two are coming with me as my guests." Sagot nito sa kanya.
"I don't get it, why? Why with us?" Tanong ni Leo.
Sige, sila nalang mag usap.
"Because you owe me?" Sarkastikong sagot nito sa kanya.
May halong pag aalala ang tingin na binigay sa akin ni Leo. "I still don't get it, why do you need us to play dress-up and go with you there?"
"I don't get why YOU would play dress-up with your guest's clothes, not to mention that you are supposedly working." Nilapit ni Dhenny ang mukha nya kay Leo, as in, malapit na malapit.
Hindi ito nakasagot agad pero nilabanan nya ito sa titigan. "Dun mo ba kami gustong ipahiya?"
"Whoa, I'm not that heartless, that idea didn't even cross my mind." Bumalik ito sa pagkakaupo sa kama.
Nagkatinginan kami ni Leo. Itong Leong 'to eh, hindi ko alam kung tumitingin sa akin dahil nagugulat sa mga sinasabi ni Dhenny o dahil hindi nya magets ang mga nangyayari.
"To be honest, kanina nung nakita ko kayo, I thought you two are my brother's friends, not until I saw you Nica holding that vacuum cleaner and Leo wearing that tuxedo."
That's a lie. I know that you already know me dahil nagkasalubong tayo nung isang araw.
Tumatawa ito habang nagsasalita, kaya nakitawa narin kami ni Leo. Okay narin 'to kesa naman masesante o makulong kami diba.
"You guys look too beautiful to be a housekeeper."
"I don't trust you." Seryosong sabi ni Leo.
Halos lumuwa ang eyesballs ko sa narinig. Bakit? Bakit nya sinabi yun?! Kami ang may atraso! Ano ba Leo!
"I-I didn't expect that from a person who is wearing someone else's clothes without permission." Sabi ni Dhenny, bakas sa mukha nito ang bahagyang pagkagulat.
"Look, I know, and I admit it's my fault. Okay? Aminado naman ako. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit kelangan mo pa kaming isama dun? Why does this offer sounds like it's too good to be true?" Sagot ni Leo dito.
BINABASA MO ANG
My Millionaire Ex-Boyfriend
RomanceThere are people that are bound to meet each other... Again. Nica the girl who used to have it all, and her ex boyfriend who is now, well, more than you expected- handsome, smart, and filthy rich. Their worlds will collide with each other for the se...