FLASHBACK>
Isang magarbong mansyon ang natatakpan ng malalaking mga puno. Nakapaligid din dito ang maraming magagarbong sasakyan at may iilang tauhan ang naglilinis sa mga ito. Isang binatilyo ang lumabas mula sa pulang 1967 Ford Mustang. Napakunot ang noo nito nang makita ang taong nakaabang sa pinto ng mansyon na para bang kanina pa sya hinihintay.
"Where have you been?" Walang emosyon nitong tanong.
Hindi sumagot ang binatilyo at dirediretsong naglakad palapit sa pinto. Tumigil ito at hinarap ang ama.
"I've been out with my friends-" Hindi nito natapos ang sinasabi nang dumapo ang palad nito sa pisngi nya, kasunod nito ang sakit at para syang nabingi sa kaliwang tenga.
"I've been considerate to you Louie! Simula nang dumating tayo dito sa Pinas hindi ka na nagtino! You know you can't drive at your age for god's sake! Friends? Who are your friends with that personality of yours?!" Madiin na sabi ng ama nito, kitang kita ang tinitimping galit ng mga matang nakatitig sa kanya na para bang hinuhugot ang buong pagkatao nya.
Hinawakan ni Louie ang kaliwang pisngi na para bang hindi makapaniwalang napag buhatan sya ng kamay ng sariling ama. "You're surprised? Really?" sarkastiko nitong sagot.
"Go upstairs and say sorry to your mother and sister. They are worried sick." Utos nito bago tumalikod at pumasok sa mansyon.
"She's your lover's daughter, not my sister. And she's not my mom." Bulong ni Louie sa sarili.
--
Pumasok si Louie sa loob ng kwarto nya at hindi pinansin ang batang babae na papalapit sa kanya.
"... Hi kuya-"
"STAY AWAY!"
Mangiyak ngiyak na tumakbong papalayo ang batang babae na pumasok sa kwarto ni Louie, mag iisang buwan na ng dumating silang mag ama dito sa Pillipinas. Asar nyang sinara ang pinto nang biglang may kumatok dito.
"Louie... it's me." Sumandal si Louie sa pinto nang marinig ang boses, hindi nya alam kung pag bubuksan nya ba ito o itataboy tulad ng ginawa nya sa batang babae kanina. She sounded just like her...
"What do you want?" Pabulong nyang tanong.
"Gusto lang kitang makausap... Louie, ayokong ganito ang pamilya natin, kaya sana pakinggan mo ako." Sagot ng babae sa kabilang parte ng pinto. Napakamahinahon ng boses nito na para bang boses ng anghel.
"You know why I can't do that. You know why I don't like it here, you know why I don't want to see you or any of you.."
"Louie, anak..-"
"DON'T CALL ME YOUR SON! Tita, I can't still believe you betrayed me like this..."
Hinablot ni Louie ang bag sa ibabaw ng kama at saka binuksan ang pinto, dali dali syang lumabas ng kwarto nang hindi tinitingnan ang babaeng nasa harap, sumunod ito sakanya pero hindi nya ito pinapansin hanggang makalabas nya sya ng bahay. Sa isang malaking malaking mansiom sa isang kilalang subdivision sila nakatira, bahay ito ng daddy at mommy na pinatayo nila nung hindi pa sya pinapanganak. Nabibisita lang nila ito dati tuwing nagbabakasyon sila dito sa Pilipinas.
Isang malakas ng busina ang narinig nya sa may likuran. "Get in the car Louie." Sabi ng daddy nya nang binuksan ang bintana ng passenger's seat. Hindi sana sya sasakay nang makita nya ang batang babae na ngayo'y nakaupo sa front seat. Bumaba naman ito at lumipat sa backseat ng sasakyan.
"Louie, I told you to wait for us .. You and Dhenny is in the same school."
"I know. And I'm not even going there."
BINABASA MO ANG
My Millionaire Ex-Boyfriend
RomantikThere are people that are bound to meet each other... Again. Nica the girl who used to have it all, and her ex boyfriend who is now, well, more than you expected- handsome, smart, and filthy rich. Their worlds will collide with each other for the se...