14.A new test

3.2K 64 0
                                    


Isang tawag ang natanggap ko kanina galing kay Rey, medyo malabo yung sinabi nya kasi choppy yung line, basta ang rinig ko "go to the conference room at 6pm". Kaya eto ako ngayon natatarantang patakbo sa conference room, kahit kelan talaga perwisyo sa akin yung lalaking yun. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na si Rey talaga sya. I mean, he's really handsome. Nagparetoke kaya sya? Hila hila ko pa 'tong vacuum cleaner papuntang conference room. Nakakainis bakit kasi bigla akong pinapatawag ng ganito.

Binuksan ko ang pinto ng conference room at laking gulat ko nang makita ang mga taong nakaupo doon, naka on ang projector na parang may pinaguusapan silang importanteng bagay, at syempre dahil biglaan ang pag pasok ko, biglang nalipat ang tingin nila sa akin.

Uh. Awkward.

"Gentlemen meet my personal assistant Miss Sanchez."Pakilala sa akin ni Rey.

Muntik ko ng malunok ang nginunguya kong chewing gum. Ano daw? Personal Assistant?

Lahat sila nakatingin sa akin, yung iba tipid na ngumiti, yung iba naman tumango, yung iba nakatingin sa suot ko at sa dala kong vacuum cleaner.

"Please take a sit Miss Sanchez."

Sumunod naman ako sa utos nito, sa upuan pinakamalapit sa tabi nya ako umupo.

"Anong kalokohan nanaman 'to?" Bulong ko sakanya. Pero syempre hindi nya ako sinagot, as usual.

Tinitingnan ko yung lalaking nakatayo sa harap na nag eexplain nung mga draft na nakaproject, pamilyar sya sa akin pero kahit gaano pa sya ka pamilyar wala talaga akong maintindihan sa mga pinagsasabi nya. Halos masiraan ako ng bait nang matapos ang meeting na yon. Wala akong naintindihan! Kanina ko pa gustong lumabas o kaya magwala sa loob.

"It is nice meeting you again Danine." Bati ng lalaki.

Danine? Huh.

"Di kita kilala. At Nica ang pangalan ko." Matipid kong sagot. Ngumiti syang nakakaloko saka lumapit sa akin na parang lalapain ako ng buhay.

Lord ayoko sa lalaking 'to!

"Don't you remember this face Danine?" Naaamoy ko ang hininga nyang amoy mint sa sobrang lapit nya sa akin.

MGA NUNO! TULUNGAN NYO-

Di ko na natuloy ang sinasabi ko nang marinig ang napaka dominanteng boses ni Rey.

"Back off. You're scaring her." Sabi nito.

"Chill Louie, hindi nya kasi ako maalala, tinutulungan ko lang syang maalala ako."

Masamang tiningnan nito ang lalaki saka lumingon sa akin, at hinila ako palabas ng conference room na halos pakaladkad, lahat ng empleyado napapatingin sa amin. Nakakahiya. Para akong batang hila hila ng nanay nya! No, not even mama did this to me!

"Hoy! Ano ba bitiwan mo nga ako, marunong akong mag lakad!" Parang bigla naman syang natauhan sa sinabi ko at binitiwan nya ako. Tahimik lang kaming naglalakad patungong office nya.

Pag pasok namin ay may kinuha syang brown envelop galing sa drawer ng napakalaki nyang mesa. Ang daming nakakalat na papel sa ibabaw nito, may malaking hour glass at mga picture frames, isang half body picture nya, isang portrait nila ni Dhenny at isang picture ng babae. Agad naman akong umupo sa may dulo ng sofa.

"Your contract." Nabaling ang tingin ko sa envelop na hawak nya.

"Ano 'to prinopromote mo ako? O sinisisante, dalawa lang yan eh." Sabi ko nang tanggapin ang envelop na inabot nya.

"I'm promoting you of course. You'll be a personal assistant." Malamig nelitong sagot at hindi man lang ngumiti sa joke ko.

My Millionaire Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon