Special Chapter XO
Coz y'know, Leo is my favorite *evil laugh*
----"Ano ba yan Leonardo! Ang arte naman!" Tinambayan nanaman ng kasungitan itong kaibigan kong ubod ng ganda.
"Ayoko nga sabi! Hindi naman maganda ang boses ko eh! Slight lang! Hindi ba pwedeng pogi nalang?"
Isang malaking simangot ang ginanti sa akin nito.
"Sigeeeee naaaa pogi please? Dyan lang naman sa kanto yung singing contest eh!" Pilit nito.
"Tsk, kulit naman. Ulitin ko pa? A.Y.O.K.O."
"Ay nako! Consolation prize lang naman eh! Di ko naman inaasahang manalo ka! Five hundred din yun!" Nakasimangot pa rin nitong sabi.
"Oo na! Sige na! Sasali na!"
"Aww yiz! Ang bait mo talaga pinakapogi kong bestfriend sa mundo!" Tumatalon pa ito na parang nanalo sa Lotto.
At ayun na ngaaaa, wala na akong nagawa.
"LEOOOOOOOO!!!" Tili ni Ivy, kaibigan dito ni Nica sa kanila. Dirediretso syang niyakap ako. Malaking mama si Ivy! Kaya halos mabuhat nya ako. "ANG POGI POGI MO TALAGA! MAHAL KITA!"
"Psh, wag mong guluhin yan Ivy! Baka di tayo mag runner up sa singing contest na 'to." Pag awat ni Nica sa kaibigan.
"ANONG RUNNER UP?! MANANALO YAN!"
Itong magaling na kaibigan ko mga readers, wala talagang tiwala sa akin. Hindi ba pwedeng hope for the best?
"Tsk, wag ka masyadong umasa masasaktan lang tayo."
"Wow, nakakadagdag confidence, napaka supportive mo 'talaga."
Nag simula nang mag hiyawan ang audience. Isang maliit na singing contest sa barangay ang sinalihan namin, THE VOICE BRGY. MAYUGYOG. Pangalan pa lang ang baho na.
"Ready na ba kayo gerrlsss? Siguradong malalaglag ang ovaries nyo sa susunod na kontestan!" Malandin anunsyo ng emcee na sya namang naging dahilan ng mga hiyaw at palakpak.
LEOOOOOO! HOOOO!!! ANAKAN MO AKO!
LEOOO I LOVE YOU LEOOOO!
MY GAD! LEOOO GALINGAN MOOO IDOL!
Isang malaking ngiti ang pinangsalubong ko paglabas ng backstage.
OH MY GOD! LEEEEEEEOOOOOOO! *DEMONIC SHRIEK HERE*
"Hello po, magandang gabi!" Kaway ko sa kanila.
"Bago tayo magsimula! Kausapin muna kita pogi ah!" Sabi ng emcee na parang kakainin ako ng buhay.
Isa lang ang gusto kong mangyari ngayon, matapos na ang gabing 'to, at makuha na naming ang five hundred!
"Alam ko, at alam nyo na gusto nyo ring malaman 'to. Hihihi. Leo, may girlfriend ka na ba?" Abot noo ang ngiti ng emcee na nakatingin sa buong pagkatao ko.
KYAAAAAHHHHH!!! OMG OMG!
"Wala po. Single." Nakangiti kong sagot.
"Narinig nyo yon gerrrllsss???"
Halos magwala sa ingay ang mga nanunuod sa amin ngayon.
ENEBEEE LEEEOOO. ANAKAN MO NA AKOOO! KYAAAAHHH.
"So sino yung nakita kong kasama mo sa backstage pogi?" Usisa ng emcee.
"Ah yung malaking mama? Si Ivy-"
Biglang nagtawanan ang mga nanunuod. Bakit? Totoo namang si Ivy sya. Anong nakakatawa don?
"Aha aha ahaha, and joker mo talaga! Yer so fani! I layk it." Natatawang sagot ng emcee. "Yung magandang babae syempre."
Sigurado akong maraming nakakakilala kay Nica dito, maliban sa maganda sya eh pistahan ng chismis ang nanay nya kapag nalalasing.
"Isang importanteng babae sa buhay ko."
KYAAAAAHHH!!! ANG SWEET MO LEO! SA AKIN KA NALANG!
LEOOOO! DI KAYO NI NICA! AKO NALANG PLZ, AKO NALANG ULET!
"Shh. Silencio! Wag na nating patagalin natin 'to pakinggan na natin sya! Ladies and gentleman, Leo Nardo!"
What the-! Hindi Nardo ang apelyido ko. Hiananap ng paningin ko si Nica sa audience, at Oo andun nga sya, halos maiyak sa kakatawa!
HOOO LEOOO! AKO ANG FUTURE WIFE MO JESSA NARDO!
"HAHAHAHAHAHHAHAHAHA." Umibabaw ang halakhak ni Nica at lahat napatingin sa kanya. "S-Sorry." Mahina nyang sabi na di parin naaalis ang ngiti.
Nagplay na ang kakantahin ko. Billionaire by Travie Mccoy, Bruno Mars.
🎶I wanna be a billionaire so fricking bad
🎶Buy all of the things I never had🎶
🎶Uh, I wanna be on the cover of Forbes magazine🎶
🎶Smiling next to Oprah and the Queen🎶
Naging malikot ako sa stage habang kumakanta, enjoy na enjoy naman ang mga nanunuod at maya't mayang sumasabay sa kanta. Hindi ko na namalayan kung paano natapos ang kanta sa sobrang aliw.
"Grabe ang galing galing mo Leo!" Masayang salubong sa akin ni Ivy.
"Thank you!" Inabot ko ang sobreng napanalunan kay Nica. "Oh ayan, masaya ka na? Consolation prize nga hahaha, at plus 500 for crowd's favorite prize."
Isang malaking ngiti ang nasa maganda nyang mukha. "Tara! May pang handa na tayo sa birthday mo!"
Nabigla ako sa sinabi nito, hindi ko pa birthday.
"Hindi ko pa birthday."
"Alam ko, bakit? Sa mismong birthday lang pwede mag celebrate?!" Mataray na tanong nito.
"Abnoy." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Ka." Ganti nya
"RIN."
"Pareho lang kayo, isang shunga at isang pafabols. Hays, bagay kayo." Singit ni Ivy.
Nauwi sa tawanan ang usapan namin at umuwi para maghanda dahil hindi ko birthday.
-----
Author's noteIsa po ako sa mga kyaaaahh girls ni Leo. ;)
-----
Please check multimedia for the song version. Ü ©DKFerrer
BINABASA MO ANG
My Millionaire Ex-Boyfriend
RomanceThere are people that are bound to meet each other... Again. Nica the girl who used to have it all, and her ex boyfriend who is now, well, more than you expected- handsome, smart, and filthy rich. Their worlds will collide with each other for the se...