CHAPTER 36 - KLEINZ

96.2K 3.6K 80
                                    

CHAPTER 36 - KLEINZ

~Flashback~

Matapos kong matingnan ang mga litratong nakalagay sa bulletin board ay agad akong tumungo rito sa CCTV Operator Room.

Kasalukuyan akong nandito sa pintuan at nag iisip kung pano ako makakapasok.... Isang bantay at dalawang tao ang nasa loob.

Tsk! Sarado kasi tong pintuan kaya hindi ako makapasok eh!

*Ting! *

I have an idea!

Sinipa ko ng malakas ang pintuan na nakapag bigay pansin sa nagbabantay...

Kaya sya tumayo at binuksan ang pintuan...

Pagkabukas na pagkabukas nya ng pintuan ay agad kong tinoss ang coin na hawak ko papunta sa kabilang direksyon, yung salungat sakin.

Agad naman syang napatingin sa dakong iyon ng marinig nya ang nagawang tunog ng paglapag ng hinagis kong coin.

"S-sino yan? " tanong nya.

Bago pa sya lumingon sa direksyon ko ay agad ko ng hinampas ang batok nito na nakapag tumba sa kanya.

Matapos nun ay agad naman akong pumasok sa loob at sinipa ang isang taong nakatutok sa Monitor ng CCTV.

Agad naman iyong napahiga sa sahig.

Luh? T-tulog na kaagad yun?

"S-sino ka? " tanong ng isa pang natitira.

Hehe...may panyo kasing nakatakip sa mukha ko... Yung bandang ilong at bunganga lang.

"Sabihin mo sa kanila at sa sarili mo, na wag na wag nyong ipapaalam kahit kanino na may pumasok dito.... Kundi... Babalik ako... At haharapin nyo ako.

Mr. Bully meets Ms. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon