CHAPTER 42 - The Black Agency

101K 3.3K 97
                                    

CHAPTER 42 - The Black Agency

*Zap's POV*

Ehehehehe.. Ang ganda ng reaksyon mo kumag!! Hahahaha bravo!

Well... Eto na toh! Ang simula ng pagiging guardian ko at simula ng pagpasok ko sa buhay ni kumag.. Bwahahahahaha..

Dala ko ngayon ang bagahe ko.. Mga damit at personal na gamit lang ang laman nyan.

*sigh* Sa kasamaang palad kakailanganin ko daw pala lumipat sa bahay nito ni kumag sabi ni lolo. Para daw mas mabantayan at mas ma manmanan ko sya ng 24/7.

Sa ayaw ko man o gusto,.. Ito ang napili kong desisyon, kaya.. Ito na rin ang paninindigan ko. Just go with the flow na lang sa story ng buhay ko.. May tiwala naman ako kay god at kay tadhana.

"Uhh.. Zap neng... You can go inside.. Nasa upstairs ang magiging kwarto mo.. Katapat ng kwarto ni Zhen. Sige na at magpahinga ka muna.. At bukas na bukas simulan mo na ang trabaho mo.. At nga pala napagusapan na rin natin ang sweldo mo hindi ba? Kaya malinaw na ang lahat. Ipaliwanag mo na lang sa anak ko iha. Oh Sige.. .Zhen ...anak,..at Zap .. May pupuntahan pa akong trabaho.. Bye. "

Ahhh... Mabait naman pala sya kay kumag eh! Eh anyare? Ba't lumaking ganyan yan si kumag?!? Ay ewan!

Baka iba ang nanay nyan!

Pano.... Sa kinaganda ba naman ng ugali ng nanay nya sya namang ikinapangit ng ugali nya!

Sabagay mga kumag nga naman hirap intindihin.

"Just go.. Ba't kailangan mo pang magpaalam sa kin? " kumag.

Mukha namang nalungkot si tita glen sa inasal nya..

O_O

Grave! Nalurkey ako dun!

Mukhang obligasyon ko rin yatang hanapin ang manners ni kumag ah..

Bakas ang lungkot sa mga mata ni tita glen..

Ahah!

"Ah.. B-bye!! Ingat po kayo ^__^ kumain po kayo sa tamang oras, at wag nyo pong aabusuhin ang sarili nyo.. B-bye hihihi"

Masayang sambit ko sakanya..

Yan din kasi ang palagi kong sinasabi kay lolo sa tuwing aalis sya para pumunta sa trabaho nya para sa Lian'ze Company.. Na itinayo ni papa.

Sa tuwing umaalis kasi si lolo gusto ko masaya sya.. Na para bang sa pag uwi nya may sasalubong sakanya at sa pag alis nya naman may may pa papaalala ng kung ano ano sakanya.

"Hahahaha salamat Zap.. Oo gagawin Ko yun! Oo nga pala anak.. May pagkain dyan sa ref niluto ko kanina.. Kumain ka ha? " tita glen.

Mr. Bully meets Ms. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon