SIDE STORY # 1 - J's Farewell

37.9K 639 4
                                    

SIDE STORY # 1 - J's Farewell

*Jhay's POV*

Magkahawak kami ng kamay ni J habang naglalakad sa tabi ng dagat.

J ang tawagan namin dahil parehong J ang ang first letter ng pangalan namin hihihhih..

Tumigil kami sa kubo at doon umupo.

"Sorry J... Aalish na ako..." jade

"Mamimiss kita J! Kaso mawawalan na ko ng kaibigan... Kapag... Umalis ka... " ako.

"Wag kang mag alala! Babalik naman ako pagkatapos kong mag aral sa states, taposh.. Babalik na ulet ako dito.. Tapos magkikita na ulit tayongiting ngiti na sabi ni jade

Kinuha ko ang bracelet na pinagawa ko at ibinili para sakanya.

May nagtitinda kasi ng bracelet na tag sasampu sa tyanggian eh wala kasi kaming pera ni nanay, mahirap lang kasi kami, di katulad nila jade na shuper yaman!

Ang bracelet na itinitinda dun ay pwede pa lang palagyan ng pangalan.. Kaya pinalagyan ko ito ng JJ na pangalan.

kasi.. ' Jade and Jhay' kaya naging JJ

Hihihihi...

Para may pangremembrance ako sa pag alis ni J.. Ibibigay ko toh shakanya hihihi...

Isinuot ko na sa kanya ang bracelet at natuwa naman siya roon, isinuot niya rin ang sa akin, diba parang couple bracelet!!! ^__^

"Nagustuhan mo ba? Binigay ko yan sayo para may remembrance ka sakin... " masayang sabi ko.

"Oo! Nagustuhan ko toh! Kaya itatago ko toh! Pramis! Tapos paglaki natin ipapakita ko to sayo... At magpapakasal tayo! " J.

"Oo! Pramis yan ah? "

Atsaka kami nag pinky promise

"Baby Jade, halika na! Mommy will get mad kapag hindi ka kaagad nakauwi ng maaga" sigaw ng baby sitter ni J

"Nang! Wait lang po!!" 


"Babye J "  sabi ni jade habang nakayakap sa akin

"Babye J!!! Yung promise natin wag mo ibibreak ha"

"Oo naman" 

Sumakay na si J sa maganda nilang sasakyan, sumilip pa nga ito sa bintana 

Nagwave ako atsaka ngumiti, bye bye..

------

" Jhay hindi ba't sinabihan na kita na huwag na huwag ka na ulit makikipaglaro sa anak ng kaaway ni mama"

" eh mama aalis na daw sila jade mamaya, ayoko pong umalis siya nang hindi po ako nakakapagbabye"

" ERMITAAA!!! NASAAN ANG ITINAGO KO RITONG PERA PAMBILI NG SIGARILYO HA?!?"

"Hay naku huminahon ka nga muna Beltran! Magkano ba iyon?"

"BENTE PESOS! NAKAIPIT YUN SA MGA DAMITAN KO"

"P-pa, a-ako po yung kumuha nung bente niyo, sasabihin ko po sana sa inyo kaya lang umalis kaagad kayo ng m-maaga"

Iyon ang ipinambili ko ng bracelet namin ni Jade, dahil wala namang ibinibigay sa akin si nanay.

" IKAW NA BATA KA!!!!" 

Pinigilan siya ni mama na saktan ako kaya tumakbo na kaagad ako ng kwarto at isinara ang pinto, doon ako nagii-iyak habang pinapakinggan ang mga usapan nila.

"HINDI AKO NAGKULANG SA PAGBILIN SA IYO NA MAGIGING PABIGAT LANG SA ATIN ANG BATANG IYAN! HINDI MO NAMAN ANAK YAN EH!"

"BELTRAN TAMA NA! ANAK NATIN SIYA, PWEDE BA BELTRAN HINDI SIYA PABIGAT KUNG TUTUUSIN IKAW NGA ANG PABIGAT DITO! IMBIS NA MAGHANAP NG TRABAHO HALA AT PURO KA SUGAL AT BISYO BUTI PA NGA IYANG ANAK KO TINUTULUNGAN AKO SA PAGBEBENTA SA PALENGKE"

" AH PABIGAT AKO.. SIGE!! MAGSAMA KAYONG DALAWA!!! MABUTI PA ANG LUMAYAS SA IMPYERNONG BAHAY NA TOH!!"

"lUMAYAS KA! IKAW LANG DIN NAMAN ANG DEMONYO DITO! NAGSISISI AKO NA PINAKASALAN KO ANG TULAD MONG HAYOP!!" 

" TARANT*DO!" 

Naririnig ko na naman na sinasaktan ni Papa si mama kaya wala akong magawa kundi ang umiyak na lang ng umiyak.

M-mama... 


Mr. Bully meets Ms. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon