CHAPTER 64 - ABBY'S VICTORY

93.5K 3.1K 1K
                                    

CHAPTER 64 - ABBY'S VICTORY

Pagkatapos na pagkatapos kong makapagdonate ay agad akong tumayo at iniayos ang sarili habang nakahawak sa parte ng kinuhanan ng dugo.

"ahh.. Ma'am.. Hindi pa po kayo pwedeng-"

"opo! Lalapitan ko lang yung pasyente. " pagputol ko sa sasabihin ng babaeng kumuha sa dugo ko.

Matapos syang tumango ay tumungo na ko sa tabi ni Maam Glen at umupo sa tabi nito.

"Sorry po Maam kung.... kung hindi ko po kayo naligtas mula sa mga kalaban, pero.. gaya po nung deal natin. Patuloy ko pa rin pong inililigtas at binabantayan ang anak nyo. Hindi ko man kayo naligtas nung mga oras na iyon, pero babawi po ako. Babantayan ko po ang anak nyo, ililigtas ko po sya, wag po kayong mag alala,gaya rin ng misyon ko. kailangan kong panatilihin ang kaligtasan nya, kaya maam glen sana---"

"Zap!" Napatuon ang atensyon ko sa pintuan ng marinig ko ang malakas na pagtawag ni yoona

"Oh..

Muli akong tumayo at lumapit sakanila.

bakit? "tanong ko sakanya.

"Zap.. may problema eh..si john kahapon pang wala, hindi na rin naman sya matawagan. Ang black agency naman, muli na namang may ginagawang masama, pero ang pagkakaalam ko ay si Hartz lang ang pakay nila dun. Pero mukhang sisimulan na nila ang plano.. ang pagbablack mail nila sa papa ni Zhen. kasalukuyan na silang nasa Hartz Academy Zap!" chard.

"haisht!.. tsk! ...

kayo na bahala kay maam glen ha.. alis lang ako." sambit ko.

Atsaka tumingin sa relo at naglakad palabas ng room dito sa hospital.

"Ma'am! Magpahinga po muna kayo, maaari pong mak----" sambit ng babaeng kumuha ng dugo ko kanina pero dahil sa mabilis kong paglalakad ay hindi ko na narinig ang mga sunod nya pang sasabihin.

" haisht. malalate na ko." sambit ko atsaka tumakbo para agad makarating sa elevator at makarating na sa school.

"Bakit kasi pumasok pa yun eh!"

---------------

Mr. Bully meets Ms. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon