CHAPTER 70 - Kiss Kiss Kiss

63K 2K 834
                                    

CHAPTER 70 - Kiss Kiss Kiss

*Zap's POV*

"WHO TOLD YOU TO TOUCH MY THINGS?!?!?!"   malakas na sigaw nya sakin atsaka biglang hinablot ang hawak kong Black Book na pagmamay ari nya.

"Sungit! Parang tiningnan ko lang naman! " sagot ko habang naglalakad papalabas ng kwarto.

"Where are you going?" tumigil ako sa paglalakad at muling humarap sakanya nang marinig ko syang nagsalita.

" Get me a glass of water! " sunod nyang sabi atsaka muling nahiga.

Aba at kailan pa ako naging yaya nitong kumag na toh?

Wala na akong nagawa kundi ang bumaba na lang at magtungo sa kusina para kuhanan sya ng maiinom. 

Pero habang kumukuha ako ng tubig sa ref ay muling pumasok sa isip ko ang drawing na nakita ko kanina. Sigurado akong ako ang babaeng naka drawing na yun! Pero bakit? Bakit nya naman ako idadrawing?

"Aaaaaaaaaaa!!" 

Mabilis kong kinuha sa ref ang isang pitchel at nagsalin sa isang baso atsaka ako dali daling tumakbo papunta sa kuwarto ni kumag nang marinig ko ang sigaw na yun.

"Bakit?!?" tanong ko ng marating ko na ang kwarto niya.

Pero puro mga pilas lang ng mga mukha ni Samantha na idinrawing nya ang sumalubong sakin, punit punit ito at ang ang iba ay naka crumpled na .

Agad kong pinulot ang mga yun at iniligay sa isang tabi.

Tiningnan ko si Kumag, nakahiga ito habang nakatakip sa tainga nya ang isang unan. Alam kong gising sya ngayon.

Kasalanan mo kasi Zap eh! Pinakita mo pa yung mga drawing na yun! tsk tsk! Lalo mo lang tuloy  pinaalala sakanya  yung tungkol kay Sam !

Dahan dahan akong lumapit sa kamang kinahihigaan ni kumag at kinalabit sya.

"uhmm.. y-yung tubig mo. "  mahinang sabi ko at maingat na inilapag ang tubig na pinakuha nya.

" uhmm.. ano.. sor-----"

"GET OUT!!" 

Hindi ko na natapos pa ang mga sunod kong sasabihin ng bigla syang sumigaw.

*sigh*

Padabog kong sinara ang pinto at naglakad palabas.

Bumaba na lang ako at dumiretso sa kusina para ipagtimpla ng kape ang sarili ko.

At matapos ko iyong inumin ay napagdesisyunan ko na lang na dumiretso na sa kuwarto ko para makapagpahinga na mula sa pag aalaga sa topaking kumag na yun.

Napatigil ako sa paglalakad nang madaanan ko ang kuwarto ni kumag.

Hindi na nga nagpasalamat, nanigaw pa!  

Psh! Pasalamat ka may dinadamdam ka ngayon!

Speaking of dinadamdam, diba nilalagnat ang kumag na yun? 

(iling iling) Nevermind. Get out daw eh.

Pero.. Zap! Intindihin mo na lang yung tao, kagagaling nya lang sa heart break at nilalagnat pa, masyadong mabigat ang mga dinadala nya ngayon! And remember, he's your client kaya responsibilidad mo parin sya.

At isa pa, ako ang nagpalala sa nararamdaman nyang yun dahil sa pagiging pakielamera ko. 

kaya..   No choice. 

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kuwarto nya para silipin sya sa loob. 

I thought natutulog na sya, pero sa ngayon nakaupo sya sa window sill, habang tahimik na nagdadrawing sa black book nya. Nakapatay din ang ilaw at tila liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing nyang ilaw.

Mr. Bully meets Ms. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon