Chapter 1: CONDITIONS

7.9K 106 5
                                    

  Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.  

Since andaming naghahanap ng story ni Ran-ran, I decided to post it here. :P Pero kung atat po kayong magbasa ng story na ito visit my blogspot. kathangisipnichii.blogspot.com po. Happy reading!

--------------------------------------------------------------


NAKANGISING lumalakad siya patungo sa opisina ng boss niya. Eto na ang araw na pinakahihintay ni Vega! Excited na siya at hindi mapakali. Promotion na niya! Actually ay hindi pa talaga siya mapropromote. Ipinatawag lang siya para sabihin ang kondisyon or pagsubok para maging editor-in-chief siya. Kinatok niya ang pinto ng opisina ng boss niya.

"Good Morning, Sir Rod! Andito na ako," sabi ni Vega na nakangiting naghihintay para pahintulutan siyang makapasok sa loob ng opisina ng bossing niya.

"Go ahead, Vega. Bukas ang pintuan." Sabi ng baritonong boses ng boss niya. Napaka-swabe ng boses ng bossing niya. Ang tsismis ay DJ ito sa isang kilalang radio network, pero kung siya ang tatanungin ay bagay naman ito sa bossing niya. Gwapo pa ito.

Nakangiti siyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Naandoon din pala ang isa sa mga 'participant' ng promotion na si Arjellyn Remulla, ang kanilang editorial assistant. Nawala tuloy ang magandang ngiti ni Vega sa labi.

"Pinatawag niyo daw ako, Sir?" Seryosong tanong niya.

"I talked to the President about the promotion and my resignation. He agreed but in one condition."

"Condition?" Nagkasabay pa silang magsalita ni Arjellyn. Ang isa sa mga magagaling din na journalist ng Bachelors Magazine.

"Yes. Sabi ng Presidente ay dapat makakuha kayo ng article tungkol sa mga Bachelor na magpapakilig sa ating mga female reader for the month of February. Nag-agree na rin ako. I moved my leave on the first Saturday of February. Yun lang ang sasabihin ko sa inyo kaya ko kayo ipinatawag. I know both of you will give a very promising articles. Good luck for both of you." Napakaagang pag-preprepare ang pwede nilang gawin. It's only November lang kasi at mas makokondisyon sila para mas mapaganda pa ang gagawin nilang article.

Napatungo na lang silang dalawa ni Arjellyn at lumabas na nang opisina. Nagkatinginan sila ng babae at nagkangisian. Hindi sila magkalaban or anything. Super close nga sila ng babae e.

"Goodluck, Mars!" nakangiting sabi ni Vega sa kaibigan.

"Ikaw din, Mars!" sabi nito at nagyakapan pa sila. Halatang excited na sa gagawing mga article. Napunta siya dito dahil mahilig talaga siyang magsulat since nung highschool pa siya. Naimpluwensiyahan kasi siya ni Ate Donnie niya. Lumakad na sila sa magkabilang direksyon.

Habang naglalakad ay nag-isip na siya ng mga pwedeng ilagay sa article niya sa month of February. Napakaimportante sa kanya ang makuha ang promotion, she've done everything and gave up everything para lang marating ang puwesto na ito dahil nakapangako na siya sa taong napakahalaga nang role sa buhay niya. Ang Mentor niyang si Miss Janine Apostol, isang journalist na nag-alaga sa kanya nang maulila siya. Mentor ito ng pinsan niyang si Donnie pero naging mentor na rin niya ito nang palakihin siya nito na parang isang anak.

Naglalakad sila ng pinsang si Donnie sa kabuuan ng village nila. Pinahawak siya nito ng camera at sinabi na picturan ang sa alam niyang papatok para sa project nito sa mentor. Hindi naman nalalayo ang edad nila, limang taon lang ang pagitan nila at super close rin siya dito dahil eto lang naman talaga ang kilala niyang pinsan.

"Ayun, Mae! Picturan mo yun!"Sabi nito at kinakalabit pa siya. Walang certain subject ang hinahanap ni Mama Janine na project para kay Ate Donnie niya. Basta magbigay ito ng isang topic at i-check daw ito ni Mama Janine.

JESTER Series 6: Randolph's Take Me With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon