ILANG oras na siyang naghihintay sa labas ng condo unit ni Ran. Gusto mang tumawag ni Vega kay Elliot ay hindi na niya itinuloy, tama na ang naitulong nito sa kanya. Naibigay na nito ang private number ni Ran at ang address ng Condo nito. Natapos ang trabaho niya ng 5pm at kumain muna siya bago siya dumiretso sa tapat ng condo ni Ran. Hindi niya akalaing ngayon lang uuwi ang lalake. Mukha itong pagod pero naroroon pa rin ang stern look nito. Nakita niyang nalagyan ng pagkagulat ang gwapong mukha ng hinihintay niya.
Well at least di niya pa ako nakakalimutan diba? Gusto niyang mapangiti sa iniisip pero hindi siya dapat mapangiti. Binabaan siya nito ng telepono kanina at ini-off pa nito ang cellphone niya.
Hindi nagtagal ang pagkagulat sa mukha ng lalake at nagsimulang lumakad ulit, palapit sa kanya. Nakita niyang iniignore lang siya ng lalake at lagpas sa kanya ang tingin nito. Ran is trying to ignore her big time. Hindi iyon maaari!
Malapit na ito sa kanya alam na alam niyang lalagpasan siya nito. Iniharang na kaagad niya ang sarili niya sa dadaanan nito. Kahit magmukha na naman siyang stalker nito or kahit mukha na siyang papampam sa lalake. She needed to get his yes!
"Hep, hep, hep! Dyan ka lang! I know na nakita mo na ako kanina pa but you really tried to ignore me."
"Who are you?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. Malamig din ang tono na ginamit nito. Kung si Eduardo ang magpapakita sa kanya ng ganyang attitude ay magagalit siya pero kapag si Ran ang nagtaas ng kilay sa kanya ay mas gumagwapo ito sa paningin niya. Masokista ba ako?
"Who are you ka dyan. Si Vega to. Etong mukhang ito ba madaling kalimutan? Super ka naman." Kunwari ay nagtatampong turan niya dito pero mukhang wala lang naman ito sa lalake. Napakalamig pa rin kasi ng expresyon nito sa kanya.
"It's not just your face... I don't even know anyone with the name Vega, so if you'll excuse me, I wanted to rest right now and in peace." Naiirita nang turan nito sa kanya.
"Gusto mo nang mamatay?" Kunwari ay gulat na tanong niya pero nakakalokong ngiti ang naka-plaster na yata sa labi niya.
"Ha.ha.ha. Funny. So, if you'll excuse me. I don't wanna waste my time talking to strangers."
"Stranger ka naman diyan. Nasasaktan na talaga ako sa iyo, Ran-ran ha." Ran-ran ang palayaw na ibinigay niya sa lalake noon nung nag-aaral a sila nung highschool. Mukha namang nagulat ito pero napatiim-bagang ito matapos magulat. Tinignan siya nito ng masama.
"The only person that called me 'Ran-ran' died 12 years ago. So please, stop calling me that name. We are not even that close."
"Pinatay mo naman kaagad ako sa buhay mo, Ran-ran. Wag ganon, marami pa akong pangarap at isa sa mga iyon ay makuha ang matamis mong oo para sa interview ko. Matagal pa naman iyon kaya makakapag-isip ka pa."
"First of all, Stop calling me 'Ran-ran'. We are not close and I don't know you. Call me, Mr. Archuetta instead." Napabuntong hininga siya. Matigas na talaga ang lalake. Mas maganda kung sasang-ayon na lang muna siya dito.
"Fine. Mr. Archuetta then."
"Good. Second, you don't need to waste mine and you're time..." Napangiti siya. Mukhang sasang-ayon na agad ang lalake sa kanya. Hindi talaga siya matitiis ng lalake. Lumiwanag tuloy ang expression niya.
"...because I won't give you any interview. As you say, you still have plenty of time before this article. I suggest, you go and find another victim that has a lot of time. My brods and I, don't have time like yours. I hope that it's all clear now. Have a nice day, Miss." Sabi nito sa kanya na ikinagulat niya. Iyon yata ang hinihintay nang lalake at lumagpas na sa kanya.
BINABASA MO ANG
JESTER Series 6: Randolph's Take Me With You
RomanceRandolph's trust was broken twice by two females very important to his heart. At pareho pa ang propesyon ng dalawa: Column Writer. Since then ay inayawan na niya ang lahat ng may kinalaman sa dalawang babae. Ran hated reporters since then at pinahih...