BUMALIK na sila sa condo unit ni Ran-ran once na nalibot na nila ang lugar nito sa tagaytay at nang mameet niya ang kwela at palabirong tatay ni Ran-ran. Nakakagulat nga at magkaibang magkaiba ang tatlong generation nang Archuetta or more like ang tatay ni Ran-ran ang naiiba sa Archuetta Generation. Nalaman niyang ang tatay nito ang nagpapatakbo nang branch ng kompanya nang lolo nito sa Tagaytay at ang matandang lalake pa rin ang nagpapatakbo sa Main office sa Maynila at pinipilit si Mr. Ricky Jeffrey Archuetta na pumunta nang maynila at pamahalaan ang kanilang kompanya pero matigas ang ulo nang papa ni Ran-ran at hinihintay pa rin ang pagdating nang Mama ni Ran-ran. Napagod siya sa byahe kaya di niya napigilang matulog. Ginising lang siya nang lalake nang makarating na sila sa condo nito.
"Andito na pala tayo..." Sabi niya at pupungas-pungas na tumingin sa labas nang bintana.
"Yes... Naghihilik ka pala." Nakangising banat nang lalake sa kanya.
Napamulagat siya dito at iningusan. "Hindi ako naghihilik no."
"At paano mo nalaman?"
"Basta! Hindi ako naghihilik."
"O sige hindi na pero nairecord ko naman e. You wanna hear?" Nakakalokong ngiti ang naka-plaster sa mga labi nito at inilabas sa bulsa ang cellphone.
"Waaaaaaaaa! Bakit mo ni-record? Burahin mo yan!" Sabi niya at lumapit dito para agawin ang cellphone nito pero inilalayo lang nang lalake ang cellphone nito. Nang nailabas na ni Ran-ran ang hinanakit sa Nanay nito ay nag-iba na ang ngiti at parang mas naging approachable na rin ito sa paningin niya. His features soften too, hindi na yung parang mananakmal siya everytime na tumitingin sa kanya.
"Nope. I'll make it as my ringtone. Ang cute mo palang matulog. Naka-nganga. You wanna see the pictures?"
"Pictures?! Hala! Ang dami non ah! May S e! Burahin mo yan. Akin na ang phone mo!" Sabi niya dito at pulang-pula na ang mukha niya sa pagkapahiya. Mapapatay niya si Ran-ran kapag nalaman niyang meron ngang record ang pagtulog niya na nakanganga at naghihilik. Itinago nito ang cellphone sa likuran at hinahabol pa rin niya ang kamay nitong may hawak niyon gamit ang kamay niya. Inilusot niya ang dalawang kamay niya sa gilid nito at hinuhuli ang kamay nito. Natatawa ito dahil di niya mahuli-huli ang kamay nito.
Napasimangot siya at pinanlisikan ito nang tingin. "Akin na yan. Ran-ran... Nakakaasar ka naman e." Sabi niya dito pero ang kamay ay hindi pa rin natigil sa paghabol sa kamay nito.
"Buburahin mo kapag ibinigay ko ang mga kuha ko sa iyo e. So I won't give it to you." Narinig niyang binuksan na nito ang pintuan nito at mabilis itong umibis palabas nang sasakyan.
"Ran-ran naman e!" Naaasar na sabi niya at sinundan na ang lalake. Para silang batang paslit na naghahabulan hanggang sa mapunta sila sa tapat nang condo nito. Nakakatuwang isipin na meron siyang power para mapasaya ang binata.
"Malagyan nga nang password ang folders nang mga picture mo." Sabi nito at mabilis nitong kinalikot ang cellphone. Naasar na tumayo na lang siyasa harapan nito.
"Aalis na nga ako. Babalik na lang ako bukas. Pinag-tritripan mo na ako nito, Ran-ran e."
"Sige tawagan na lang kita." Sabi naman ng lalake sa kanya ang ngumisi. "Or more like tawagan mo ako para marinig ko ang hilik mo naringtone ko."
"Ewan ko sa iyo! Di na kita tatawagan sa phone ko!" Sabi niya sabay kapa sa bulsa niya. Naalala niyang nakapatay nga pala iyon pero nagulat siya nang wala ito sa bulsa niya kaya naman nagmamadali niyang hinalungkat ang bag nya pero wala doon. "Nasan na nga pala ang phone ko?"
BINABASA MO ANG
JESTER Series 6: Randolph's Take Me With You
RomansRandolph's trust was broken twice by two females very important to his heart. At pareho pa ang propesyon ng dalawa: Column Writer. Since then ay inayawan na niya ang lahat ng may kinalaman sa dalawang babae. Ran hated reporters since then at pinahih...