FINALE: HAPPIEST DAY

3.7K 92 10
                                    


5 Years Later...

"Isaac Anak, wag ka nang lumapit sa dagat at baka mabasa ka na naman. Kapapalit mo lang ng damit." Sigaw na tawag ni Vega sa halos limang taong gulang na anak niya. It's been five years since namuhay sila sa Pagudpud, Ilocos Norte. Doon siya dumiretso nang mag-alsa balutan siya at magpasyang iwanan ang lahat para makapagsimula. Pinalitan niya agad ang sim card niya matapos niyang sagutin ang tawag ni Edna.

"Maaa! May starfish! Picture-picture!" Sabi pa nito sa kanya at kinawayan siya. Tamang-tama lang ang lugar na ito para sa kanya. Walang nakakakilala sa kanya sa Pagudpud, Ilocos Norte kaya mas safe siya dito. She even made herself be called Mae instead of Vega. Nakakuha siya ng mauupahan sa Barangay Burayoc, Pagudpud, Ilocos Norte kung saan ay isang tricycle lang ang distance sa Saud Beach.

Lumapit na siya sa anak at tinignan ang starfish na sinasabi nito. Pinulot na ni Isaac ang starfish at nakangiting nag-pose na na hawak ang starfish. Hinawakan niya ang kamerang nakasabit sa leeg niya at pinicturan ang anak niya. "Ai! Ang gwapo talaga ng anak ko. Manang-mana sa ama."

"Si Daddy? Kelan po ba siya uuwi galing sa ibang bansa? Picture lang ang nakikita ko sa kanya e. " Napatahimik siya saglit at umupo sa harapan nito para magkatinginan sila ng anak sa mata.

"Naikwento ko naman sa iyo ang tungkol sa ama mo diba? May picture ka rin na nakikita. Hindi pa kasi makakarating si Daddy mo dito. Pero wag kang mag-alala anak kasi malapit na kayong magkita." Pagsisinungaling niya sa anak, hindi naman kasi niya alam kung magkikita pa nga ba sila ni Ran-ran at mapakilala ang anak nila. Habang lumalaki kasi ito ay lalong nagiging pala-tanong ang anak.

Hindi naman talaga niya balak na magpabuntis sa lalake e, ang balak lang niya ay ang maka-kolekta pa ng mga magagandang memories bago siya umalis and one of those memories ay ang gabing naging isa sila. Nalaman na lang niyang buntis siya ng magpa-check up siya dahil sa maaga niyang sukahan portion.

"Pero ni di ko nga po naririnig pa ang boses niya. Sobrang busy ba niya talaga na wala siyang time tumawag sa akin?" Malungkot na tugon ng batang lalake sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at iginaya na papaalis sa dagat. Magtatanghali na kasi at masakit na sa balat ang araw. Napabuntong hininga siya. Paano nga ba tatawag si Ran-ran sa kanya kung ni number niya ay pinalitan niya at wala siyang kinontak ni isa sa mga taong malalapit sa kanya?

"Boses ba ang gusto mo? Sige ipaparinig ko sa iyo ang boses niya. Don't worry dahil sa tamang panahon ay tatawagan ka at kakausapin ka ng ama mo." Wala naman talaga sa plano niya ang hindi ipakilala sa lalakeng minamahal ang anak nilang si Isaac ang ikinatatakot niya lang ay baka hindi ito matanggap ng lalake or more like baka isipin nitong hindi nito anak si Isaac kahit na nga ba magkamukhang-magkamukha ito specially yung batang picture na nakita niya sa condo nito. "Let's go na. Ipagluluto kita ng omelette."

"Wow! Nagutom ako bigla, Mommy. Let's go!" Sabi nito at ito na ang humila sa kanya papaalis sa Saud Beach.

"Manang Mae!" Tawag sa kanya ng dalagang nagtratrabaho sa isang modelling agency sa Pagudpud. "May good news ako sa iyo, Manang. May darating kasing mga taong galing sa Maynila mamayang gabi. Mag-photoshoot daw sila dito bukas sa Saud Beach. Ang yaman siguro dahil buong beach ng Saud Beach pinarentahan kailangan kasi ng Photographer."

"Hindi ba dapat ang mga taga-Maynila ang magdadala ng photographer?"

"Ay naku, Manag Mae, Nagkasakit yata ang photographer nila at siyempre si Baranggay Kapitan ay nagpapalapad yata ng papel para sa porsyento ayun at inirecommenda ka. Ipinakita pa nga ang mga kuha mong naidisplay sa isa sa mga resort sa Saud. Sabi nung nagrenta ng Saud Beach ay aprubado ka na."

JESTER Series 6: Randolph's Take Me With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon