CHAPTER 7: SLAVERY

2.3K 53 6
                                    

"YUP, ako nga." Sabi nito na natawa pa. "Kagulat-gulat bang tumawag ako sa iyo?"

"Medyo po, Sir."

"Wag mo na akong tawaging Sir. Nabalitaan kong nakabakasyon ka para sa paghahanda sa 'Promotional Article'. So right now ay hindi mo na ako Boss. I am here as not so close friend."

Natawa siya sa sinabi nitong 'not-so-close-friend'. For two months na naging busy siya at nagpupuyat, Si Sir Tan ang nag-eentertain sa kanya at naghihintay sa kanya hanggang sa makauwi siya. Ito na rin ang nagdadala nang mga pagkain kapag nalilipasan siya nang kain. Naging super close na kasi sila nito, hindi niya nga akalain na sobrang bait talaga ni Sir Tan. Gusto niya nga minsang isipin na nagpapalipad-hangin ito sa kanya pero super naman ang kapal nang face niya kapag nagkaganoon nga. Si Edna kasi e, kung anu-anong pinapasok sa isipan ko. Ang echozerang froglet talaga na iyon. Super intrigera.

"So kung hindi Boss ang itatawag ko sa iyo e ano? Wait isip lang ako..." sabi niya pa habang nakatingin sa kisame at tina-tap ang baba niya habang nag-iisip. "Tan-tan! Ayan, pwede ka nang maging close friend ko. Nabinyagan na kita nang nickname e, Tan-tan." Nakangising wika niya sa binata sa kabilang linya.

"What are you doing?!" Dumadagundong ang boses ni Ran-ran. Napalingon agad siya at nakita niyang nakasimangot ito at masama ang tingin sa kanya.

"Sino yan? Ok ka lang ba Vega?" Nag-aalalang tanong ni Tan-tan sa kabilang linya.

"Oo, Tan-tan. Tawagan na lang kita once na matapos ang ginagawa ko. Sige bye na muna." Nagmamadaling pinindot niya ang end call button.

"Are you deaf? What are you doing? Aren't you supposed to be working? Why are you using your phone?" Malamig na turan ni Ran-ran sa kanya.

"Sorry, Boss. Kasi si Tan-tan e.. I mean si Sir Nathaniel po, tumawag to congratulate me. Hindi na po mauulit."

"I don't care who call you and why did he call but I don't want to hear or see you flirting while you're working under me. I might as well confiscate your phone while you're still working. Give it to me." Inilahad nito ang kamay. Gusto niyang batuhin ito nang cellphone dahil na rin sa sinabi nito na nakikipag-flirt siya. Never siyang natawag na flirt nang mga tao dahil hindi siya flirt at never niyang gagawin iyon. Pero tama naman ito na kapag nagtratrabaho ay hindi dapat naiistorbo sa ginagawa. Magkabaliktad ang pagiging writer bilang pagiging alila.

"Tuod ka ba?" Nakakalokong nginitian siya nito at nilapitan. Lumapit ito nang sobrang lapit na feeling niya ay bubunguin siya pero huminto ito nang isang dangkal na lang ang distansya nila. Napatingala tuloy siya dahil nga nakaupo siya habang kinukuskos ang inidoro at ito naman ay nakapamulsa nang naka-yuko sa kanya.

"Hindi. Nagulat lang ako. This is my private property, Boss. I-silent ko na lang ito para di ko na malaman na may nagtext or tumawag but I cannot give it to you."

"Bakit may say ka ba sa rules dito? I am your boss at ang pagkakaalam ko, Alila kita. Ang mga alila, wala dapat say sa lahat at gagawin lahat ang iniuutos ko."

Napatayo siya bigla. Iniinis talaga siya nang mokong na ito. Ang sarap kaltusan at sipain sa kung saan. "Pero may human rights ako! Wala kang karapatan na kunin sa akin yun."

"Wala nga. Fine. Lumabas ka na dito and don't expect me to even give you one word for the interview. Goodluck on finding a new subject at this time." Nakangisi pa ring sabi nito. Dahil nga isang dangkal lang ang pagitan nila ay sobrang lapit na nila sa isa't-isa nang tumayo siya dahil di man lang ito gumalaw at lumayo.

Napabuntong hininga siya. Inilahad niya ang cellphone at kinuha ang kamay nitong nakapamulsa pa rin at inilgay ang cellphone sa palad nang lalake. "I can find a new interviewee without any hassle at this time, Boss, pero kapag lumabas ako dito ay meaning na nag-give up na ako at wala sa bokabularyo ko ang mag-give up. I will take your challenges head on!"

JESTER Series 6: Randolph's Take Me With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon