Chapter 5: REUNION

2.7K 74 6
                                    


MARARAMDAMAN niya ang wagas na pagmamahalan sa loob nang simbahan kung saan ginaganap ang wedding of the year. Magandang i-feature ito pero masasakal siya ni James kung i-feature niya ito nang walang pahintulot. Gusto nang lalake na maging solemn at private ang kasal na nakuha naman nang dalawa, ang mga magbabarkada ay present lahat. Gwapo pa rin at talaga masarap nakawan nang tingin ang mga ito. Alam niyang halos lahat nang kadalagahan sa kasal ay nakatutok sa mga 'single' pang JESTER. It's a very nice thought na kakilala niya ang mga ito ang it all thanks to her bestfriend Ara.

Matapos ang kasal ay kinawayan niya ang mga kaibigan. Nakita naman kaagad siya ni Ran ngunit inignore siya nito at umarteng di siya nito nakita buti na lang talaga at napatingin din sa gawi niya si Theo at kumaway! Ngising-ngisi itong siniko si Randolph pero inignora lang nito ang kaibigan.

"Vega!" Masayang bati ni Theo sa kanya at open arms pang lumakad ito sa kanya. Ang haba nang hair ko ha. Naku sure ako na pinapatay na ako sa isip nang mga kababaihang tinatarget ang binata. Nakulong siya nito sa matipunong dibdib nito at hinalikan siya nito sa pisngi. Gumanti naman siya nang yakap dito at nakipag-beso na. Doon na nagsilapitan ang apat na lalakeng di pa naalis nang simbahan. Pinauna na nito sila Ezekiel at James sa reception.

"Buti at nakarating ka. James told me na wala siyang natatanggap na response mo sa invitation." Sabi naman ni Elliot na yumakap at nakipagbeso din sa kanya. Kung hindi pa siya sanay sa kagwapuhan ng mga ito ay malamang na nahimatay na siya dahil sa severe nosebleeding. Ikaw kaya ang paggitnaan ng naggwagwapuhang lalake, ano ang mangyayari sa iyo?

"Sa bahay kasi namin sa Batangas ang huling address na alam niyo sa akin e. Kakauwi ko kagabi." Sabi niya at gumanti nang yakap sa kaibigang si Elliot. Doon naman lumakad palapit sa kanya si Sean at nakipagbeso at yakapan din sa kanya.

"Aren't you exhausted? You came all the way here from Batangas right?"

"It's fine. I wanna see all of yous anyways. Nagulat nga ako na magpapakasal na si James. His wife sure is a looker, ang ganda ganda niya." Sabi niya dito na natatawa.

"She's beautiful inside and out not like someone I know." Ang banat naman nang nananahimik na si Ran. Nakatingin ito nang masama sa kanya at ni hindi man lang ito gumalaw para yakapin at besohan siya.

"Well, I am sure it's not Vega because look at her..." Sabi ulit ni Theo at hinawakan ang kamay niya at itinaas ito. Theo made her turn around like a ballerina except that she's not tiptoeing.

"Model-like height, Kulay-kapeng ang buhok at mahaba at striaght pa, makinis ang balat, mahaba ang pilik-mata, ang nunal niya sa ibaba nang kaliwang mata niya, matangos ang ilong, at higit sa lahat ay kissable ang lips." Namumula na siya kahit nga ba si Theo ang nagsasabi nang mga words na iyon ay kay Randolph siya nakatingin. Nang kunin kasi ni Theo ang kamay at iikot siya sa harap nang tatlo ay nakatingin na sa kanya si Ran pero di niya alam kung ano ang nararamdaman nito or iniisip nito habang nakatitig sa kanya.

Titig palang nanghihina na ang tuhod ko, buti na lang at nakaalalay sa akin si Theo kundi kanina pa ako nakalupasay sa sahig nang simbahan. Nang sinasabi kasi ni Theo isa-isa ang mga parte nang buong katawan niya at pinupuri nito ay isa-isa ring tinitignan ito ni Ran. Mula sa height, buhok, mata, pilikmata at nunal niya sa kaliwang mata, ilong at pababa sa labi niya. Nakita niyang gumalaw ang adams apple ni Ran-ran nang mapatingin ito sa labi niya. Naalala ang insidenteng nangyari two months ago dahil doon ay pulang pula din siya.

"And she's blushing as I complement her. You're cute. I like your type."

"Sige... Bolahin mo pa ako, Theo, baka maniwala na ako sa iyo niyan."

JESTER Series 6: Randolph's Take Me With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon