1.Silya

1 0 0
                                    

Teka...langhap muna.
Halika rito't mukhang pagod kana.
May inilaan ako ritong isang nakakakumportableng silya.
Ngunit teka...
Teka lang...
Teka..
'Wag ka sa aking tumabi.
Dahil alam kong hindi ako ang nais mong makasama.

Sige hinga dahil mukhang pagod na pagod ka.
Ikwento mo sa akin ang nais mong ilabas na pahina.
Pahina ng buhay mo na iba ang kasama
Dahil alam ko...
Na sa agos ng luha mong mala karagata'y inalay mo sa kanya.
Ang sakit at pag-asang akala mo'y may patutunguhan pa.
Alam ko...
Na hindi ako ang pundasyon ng iyong tawa.
Dahil nasanay kang sya ang nagbibigay sayo sigla.
Na sa bawat bukang liwayway nasa isip mo'y siya.
Maski sa panaginip mo'y palaging siya ang bida
Di kita pinupuna
Pero sana'y sapat na na masabi kong nasasaktan ako
kahit 'di dapat talaga.

Patawad dahil naging makasarili ako.
Patawarin mo ako dahil gusto kong ako ang dahilan ng pag ngiti mo.
Dahil ninais kong manakit ng taong dumurog dyan sa puso mo.
Inakalang masusukliang buo ang inialay na pag-ibig sayo.
Ngunit teka... nakalimutan ko.
Patawad nadala ako.

Ngayong nakaupo kana...
Sige magpahinga ka.
Dahil alam kong nakakapagod magmahal ng taong 'di ka manlang ninais.
Na mahirap matulog ng may hinagpis.
Nandito ako.
Aalalayan kita ngunit di aasang
ang dati'y maibabalik pa't tutulungan kita.

Tutulungan kitang bumangon gaya ng pagbangong ginawa ko dahil sayo.
Hakbang na ginawa noong nasaktan dahil sayo'y ututuro ko.
Hindi dahil sa naaawa ngunit narito ako.
Ituring mong silya na sasalo sayo.
Sasalo sa isang ikaw na ayaw ng mahulog dahil nasaktan na.
Ngunit iyo'y mali dahil puso't isip mo parin ang magdidikta.

Sige hinga...teka...nais mo ba ng maiinom na tubig?
Tubig na kahit papaano'y papawi ng hingal dahil sa iyong pag-iyak.
Pag-iyak na kay tagal mong tinago dahil pawang di ka tiyak.
Di mo tiyak na siya pala'y sasaktan ka.
Di mo alam na nagkamali ka sa pagpili sa kanya.
Parang may naiwan ka.

Ngunit sana.
Sa silyang ngayo'y iyong kinauupuan.
Maramdaman mo ang kaginhaawang ninais mong makamtan.
Maktam kasama ang taong akala mo'y tama.
Tamang mamahilan ka't di kapababayaa't iiwan.

Narito ako...
Narito ako...
Muli...
Narito ako...
Wag nang balikan ang nilapasan mong sakit
Dahil narito na akong muli...
Maghihintay at sisiguraduhing papawiin ang naramdaman mong pighati
Ngunit sana sa pagkakataong ito'y pagbigyan mong muli.

Dito Ko Na Idinaan, Ayos Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon