2. Sa Unang Panghuli

1 0 0
                                    

Nananahimik ngunit nais ng bumasag ng pinggan.
Galit ata'y nararamdaman dahil nga ba nasaktan?
Ngunit nang hawak na ang babasagi'y bakit ka pumasok sa isipan?
Sa unang beses na sinabi ng pusong huli kanang pag-aalayan ngunit sana 'wag ganon.

'Wag ganon.
Ayaw kong sayo lang umikot ang mundo ko.
Ayaw kong kalimutan ang lahat ng dahil sayo.
Kung may nais man kalimuta'y yun ang pag-ibig ko.
Na inipon sa alkansyang tinawag kong "Para Sayo" at hindi ito...

Hindi ito.
Hindi ito ang katapusan ng pagpapanggap ko.
Na pawang malakas ngunit tinodo ang paghina dahil sinaktan mo.
Ayaw kong ibuhos lahat ng hinanakit dahil iniwan mo
Dahil pangako, hindi ko ibabase sayo ang bukas na sisilayan ko pero totoo...

Totoong inibig ka...
Totoo...
Totoong pinangarap ka...
Totoo...
Di makatulog dahil iniisip ka...
At ngayo'y totoo...
Na sa aki'y wala ka na o wala naman talaga kasi sa simula pa?

Umiba man ang simoy ng hangi'y hihinga ako.
Umaasang makasisilay sa umaga't wala nang damdamin para sayo.
Pinggang ito'y di ko na idadamay sa galit ko.
Dahil itinaga na sa bato't isinumpa na ng puso't isip ko
Na iyon na ang unang panghuli na iibig pa sayo.

Iwan mo ako.
Saktan mo ako.
Wala nang pake sa gagawin mo.
Lumpuhin mo man uli ako,
Wala na't kayang-kaya kong tumayong muli dahil ang lakas ko'y di na inalay para sayo.
Dahil ngayo'y wala kana sa pagbase ko sa bawat kulay sa iko't ng mundo.

Dito Ko Na Idinaan, Ayos Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon