Itong pawis kong ito, di uubra sayo.
Itong pagod na nadarama ko, walang-wala sayo.
Pagod nga'y tila 'di nyo na kilala't alintana.
Papaano nga naman mapapagod sa pagmamahal ang isang ina?Naaalala ko kapag para tayong sinigang na sandamakmak ang asin.
Hindi tayo magkasundo sa bagay na nais mo para sa akin.
Yung away natin na iyak ako ng iyak dahil sayo.
Yun pala'y triple ang sakit na nadarama mo.Hindi ko maipaliwanag kung papaano mo nagagawa
Ang maghanap ng bagay na para sa ami'y nawawala.
Minsan pa'y kung kami ang humalughog ay buong bahay na,
Ngunit bakit ikaw, tila isang lingon lang ay nahahanap mo na?Naaalala mo pa ba nung minsan nakagat ko pa?
Nakagat ko ang tsupon sanhi ng pagkabutas kaya dapat bumili ka.
Medyo inis ka dahil paulit-ulit nalang
Ngunit mahal mo ako kaya kahit ganoo'y ayos lang.Naalala mo pa ba noong ako'y nakapagtapos na?
Nakapagtapos sa kindergarten kaya nangibabaw ang iyong saya.
Yung saya na syang ipinaubaya mo kay Papa dahil baka huli na nya,
Baka huli na nyang pagngiti iyon dahil sa pagsabit sa akin ng medalya.Siguro nga,
Kahit anong hingi namin ng tawad at bigay bayad ay kulang na kulang na kulang pa.
Kulang ang lahat nang iyon para suklian ka.
Kahit siguro buhay ko'y wala pa sa kalahati ng pagmamahal mo.
Pagmamahal na kahit hindi pa ako nakakasilay sa mundong ito, sa akin ay ipinadama mo.Madalas man kaming pasaway ngunit kapag ikaw na ang umiyak, iba sa amin ang epekto.
Manghihina na lahat at lungkot ay lalamunin na yata ang katawan namin dito.
Ayoko sanang makita kang nahihirapan ngunit alam ko,
Alam kong magmimistulan kang isang superhero na haharapin lahat ng nakaatang sayo.Sa pagpapasaway namin sayo'y sana kami'y iyong patawarin.
Patawarin mo kung madalas ang pagkukulang namin.
Ngunit sa isang banda'y salamat sa lahat ng turo mo.
Salamat dahil kahit nahihirapan na'y lagi kang nandyan sa tabi namin,oo dito.Mama, Mommy, Inay, Ma, Nanay at kung ano pa.
Mga salitang nakalapat na sa ngalan nyo't pinaninindigan pa.
Maraming salamat sa lahat-lahat at sa iyong aruga.
Tuldok sa dulo ng tulang ito'y walang silbi dahil ang pagmamahal mo sa ami'y ang hangganan ay wala.
BINABASA MO ANG
Dito Ko Na Idinaan, Ayos Lang Ba?
RandomPuro 'to tula. Feel free to read. Gusto ko lang mag-express ng thoughts at baka may makarelate kayo sa kaemehan ko at P.S : WALA AKONG KASALUKUYANG PINAGDARAANANG HEARTBREAK