Uugatin na yata ang aking balat sa kahihintay sa inyo.
Mukha lang wala akong pake ngunit kayo'y nasa isip ko.
Mahipan man ng hangin ang mata'y di ko kailan man ikukurap
Dahil ayokong palapampasin ang pagkakataong minsa'y mailap.Sa isang iglap, pakikitungo ko sa inyo'y unti-unting naiba.
Dati'y iba ang turing ngunit ngayo'y ate na, "bestfriend" pa.
Ako'y suka't kayo'y asin na kung sa putahe'y madalas nagtatalo.
Ngunit kahit ganoo'y palagi kayong nariyan para sa isang ako.Iba ang ihip ng hangin kapag kayo ang kasama.
Tapang ko'y nanahimik dahil sa ati'y mas marunong ay kayong dalawa.
Pagtulong nyo sa pagsugpo ng aking kaduwaga'y aking dama.
Mga turo nyo'y ipamamahagi't dadalhin kahit nasan pa.Binigyan nyong muli ng tinta ang panulat kong minsa'y nablangko na.
Tinulungan nyo akong diligan ang tatag kong halos nawalan ng pag-asa.
Kaya kahit anong gawin ko'y di sasakto't kulang pa.
Kaya pasasalamat sa inyo'y kahit sa simpleng paraa'y sana kayo'y mapasaya.Sa inyo, salamat ng todo-todong- todo.
Kulang lahat ng salitang ito dahil ang totoo,
Kung 'di kayo dumating sa isang ako,
Libro ng aking buhay ay mananatiling may yugtong blangko.-------------------------------------------
Thank you Kulot, Magbanuero,
at sa Inyo po Panginoong Hesukristo at Diyos naming Amang makapangyarihan sa lahat. 💜
BINABASA MO ANG
Dito Ko Na Idinaan, Ayos Lang Ba?
RandomPuro 'to tula. Feel free to read. Gusto ko lang mag-express ng thoughts at baka may makarelate kayo sa kaemehan ko at P.S : WALA AKONG KASALUKUYANG PINAGDARAANANG HEARTBREAK