Imamali ka kahit sa punto'y ikaw ang tama.
Ipagpipilitan mo ang bagay na ayos lang kahit masaktan ka.
Sasabihing hindi pa kumpleto kahit sa totoo lang ay sumusobra na.
Tapos sisisihin mo pa ang buhay na sa tingin mo'y pinaiikot ka.Paulit-ulit kang pinapayuhan ngunit tila panahon ang datingan.
Ang mga aral kasi na binibigay sayo'y mabilis mong kinakalimutan.
Nasasayang ang laway na inihandang para lang.
Para lang batukan ng karunungan ang isip at puso mong nagtatanga-tangahan.Bakit ka nga ba nagmamahal ng taong alam mong di ka matutunang mahalin?
Bakit para kang asong nakatanghod na nag-aabang ng pagkain?
Tapos iwiwika mong lahat ng minamahal mo'y iniiwan ka.
Minsan pa'y inilalapat mo sa kasabihan na binabanggit sa tuwing may tigyawat ka sa mukha.Isa lang naman ang sagot sa lahat ng katanungan mo.
"Wag kang tanga" , yan ang pilit ipinapasok ng buhay sa'yo.
Ano pangabang masasabi ng kaluluwa ng hiwaga sa isang tulad mo?
Wala na siguro dahil parang maski buhay ay suko na sa kahangalan mo.Akala mo tama bigla palang mali.
Akala mo masaya pero masasaktan ka lang sa huli.
Akala mo walang kwenta pero kailangan mo pala.
Yan ang hiwaga ng buhay na pinaiikot-ikot ka.
BINABASA MO ANG
Dito Ko Na Idinaan, Ayos Lang Ba?
AléatoirePuro 'to tula. Feel free to read. Gusto ko lang mag-express ng thoughts at baka may makarelate kayo sa kaemehan ko at P.S : WALA AKONG KASALUKUYANG PINAGDARAANANG HEARTBREAK