6. Walang Kaibahan

3 0 0
                                    

Ayokong isipin ang gabing malamig.
Gabing muling mababagabag dahil sa piping damdamin na pilit dinirinig.
Alam kong magkaiba't malaki ang diperensya,
Diperensya ng masakit sa salitang masaya.

Masayang isipi't makita na ngumingiti ka.
Masakit lang dahil yun ay dahil sa iba.
Masayang pakinggan ang mga himig na galing sayo.
Kaso masakit dahil iba ang ngalang binibigkas nito.

Bakit naman kasi ang larawang ginuguhit ng diwa't isip ko'y ikaw?
Bakit ang pisikal ko'y makasama ka lang, saya'y nangingibabaw?
Bakit ang kahangalan ng isip sa puso'y nagpapasaya?
Bakit kahit alam kong masakit, sayo'y sumisinta?

Lito ma'y walang paki,makita't mapasaya ka lang.
Kahit na tala mismo sa kalangita'y sa aking kahangalan ay humadlang.
Alam kong malaki ang pagkakaiba ng "masakit" sa "masaya".
Pero para saan pa't dahil naman sayo'y pareho lang ang nadarama.

Dito Ko Na Idinaan, Ayos Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon