*Nicky's pov*
Eeeeeeeeh sexytary na naman ako. –__–
Madalas ako na naman ang taga sulat sa board neto. Hayst. Dahil ito kay Sherlie eh!
Bagay lang na maging monitor itong Sherlie na to. Bagay talaga sa mga ganun ung maiingay na madadaldal na walang hinto ang bunganga. Bagay na bagay talaga sya dun! Haha
Hindi na naman nya tinantanan ngaun si Lee. Simula nung lunch hanggang makauwi. Di na naman kasi nakainom ng gamot nya yan eh XD
"Babe overnight ulit kami ni Nikcs sa bahay nyo ha! Remember every friday night! Party party! Yeah! Haha!" Sabi ni Sherlie habang nasayaw pa.
"Tumigil ka! Ayokong may asungot sa bahay namin ngaun! May atraso kapa sakin! Samin ni Nicky!!" –Lee
"Edi di pa naman kasi ngaun eh.mamayaang gabi pa naman un! Kaya wag ka mag alala haha! Dali na kasi! Basta pupunta kami dun mamaya! Kukuha lang kami ng damit tapos didiretso na kami ni Nicks sa inyo haha!" Pagpupumulit ni Sherlie.
"Para naman wala kayong bahay! Ano evacuation center ang bahay namin?" –Lee
"Haha grabe ka! Meron naman noh!! Oy diba malapit lang halos si Vincent sa inyo? Taga Nashville din sya diba?! May sasakyan pala sya oh! Makisabay kana lang haha tutal muse ka naman nya eh haha ayiiiee."
"HAHAHA! nakakatawa ka talaga alam mu un? Sige lang push mu pang maige yan at ipag kalandakan mu pa saking muse ako!! Sige! Sige lang!! Ang sarap sarap mu na talagang sapakin eh. Kaso hindi lang ako pumapatol sa mga may sirang gaya mo." Nanggagalaite nyang sabe kay Sherlie.
Tong dalawang to talaga oh. Hayst wala na kong magagawa. daig pa ang nakadroga ung isa eh. Lakas tama! XD
"Haha gaya mo pa ko kay Nicks!" –Sherlie
"Hoy ano at bakit pa ako nasali jan sa kalokohan mo ha?" –ako
"Wala! Haha joke lang! Hoy kinakawayan tayo ay este si Lee lang pala ni Vincent oh! Haha!"
"Ulul. Manahimik ka na nga jan bingging bingi na ko sa bunganga mu. Walang katahimikan! Kaninang kanina pa kaines! Hoy Nicky utang naloob! Wag na wag mong isasama yan sa bahay namin baka ipalapa ko yan dun sa bulldog dun sa kapitbahay namin!" –Lee
"Haha sino ba un? Di ko naman kilala un eh XD" –ako
"Sige Nicky! Genyan ka magsalita! Alam mo bang nakakahurts na kayo ng feelings! OUCH!! haha oh acting lang XD pang Famas naba?!" –Sherlie
"Anung Famas na pinagsasasabi mo jan?" –ako
"Fang hamfas pwedeng pwede!" –Lee.
~Ashlee's house~
Wow himala ata at ngaun lang sila dumating ni mommy at daddy ng maaga ngaun.
"Dad si mommy?"
"Andun sa garden may kasama."
"Ha? Sino po?"
"Lakad at puntahan mu na lang, kanina kapa nila hinahanap."
Naglakad ako sa garden namin ng makita ko na may kausap si mommy dun.
"Hi Lee! Did you miss me? Haha!"
Nakapamewang akong lumapit sa kanila. Nandun ako sa likod ng upuan ni mommy.
"Hindi! Anung ginagawa mu dito? Diba sabi ko wag kapumunta?"
"Oh tita oh inaaway ako ni Lee haha." –Sherlie
Ngumiti lang si mommy.
"Oh lumabas naba si Nicky sa banyo?"
"Po? Ah ewan ko. hindi ko po napansin." –ako