Magkatabe sa jeep si Lee at Nicky, si Sherlie naman katabi nya si Vincent.
"Mga beh akin na pamasahe nyo." Sabi ni Sherlie habang nakalahad ang kamay nya dun sa dalawa.
Iniabot na ng dalawa ang kanilang pamasahe.
"Vincent, aaaah give me your... your.. ano.. haha teka beh anu nga ba ulit english ng pamasahe? Haha!"
Natatawang nyang tanung sa dalawa.
"Fare!" Sagot ni Nicky habang tinatawanan nya si Sherlie.
"Eh diba katerno o kaparehas ung ibig sabihin nun?" Pagtataka nyang tanung.
"Tange! Pair naman un sinasabi mu e! Sabi ko FARE!! F - A - R - E !"
"Ay oo nga pala! Haha sorry sorry! Ah hey you..give me your fare."
"How much?"
"Too much ahahahah joke.. 7 pesos."
Tinignan nya lang si Sherlie at kinuha nya ang kanyang wallet at iniabot ni Vincent ang P1000 kay Sherlie sabay sabing
"Keep the change."
"Ano? Hahaha! Teka nga! beh may barya ka ba jan?" Tanung nya kay Nicky habang tumatawa
"Waley na.."
"Ikaw babe! May barya ka pa? Haha binibigyan kasi ako neto ng isang libo ba tapos sabi nyang keep the change! Yaman! Haha. Vincent, here here take it and put it back in your wallet."
Kumuha ng barya si Lee sa wallet nya.
"Sama pa ng loob hahah" –Sherlie.
Binato ni Nicky ng panyo si Sherlie at natapul ito sa mukha. At buti na lang yata hindi ito narinig ni Lee?
Nang makarating sila sa Kuya's (isa sa mga paburito nilang kainan), puno na ito. Pero pumasok pa din sila sa loob. Hinila ni Sherlie si Nicky sa tabi nya muntik na nga ding matalisod ito sa waiter na may dalang tray.
Wala na masyadong pwesto kaya kelangan nilang mahati sa dalawa. At nakitabi lang sila sa mga may space. Pero magkakatapat naman sila.
So ang magkatabi ay sina Sherlie at Nicky. Tapos magkatabi sila Lee at Lee hahahahahahah!
Nang makaoder na sila, ni isa sa mga ito ay wala man lang nagsasalita.
Nagkatinginan si Nicky at Sherlie. Mukhang may naiisip na naman kalokohan itong si Sherlie.
*Shelie's pov*
Haha! Kaya wala ng lalaking nakakalapit na dito kay Lee eh. Masyadong nakakatakot. Bigla bigla na lang nananapak. Amazona ang dating nakakatakot ligawan haha XD
Boy lover kasi eto ay este man hater pala sorry haha kasi nagsimula talaga to nung nangyari nga sa kanila ni Rence eh.
Ay oh ano nga pala? Nasabi naba o naikwento nya naba sa inyo kung ano ang nangyari sa sakanila ni Rence?
nakaw kung hindi pa wag nyo ng antayin kasi yan hindi talaga yan magkukwento! Mag oopen up lang yan kapag di na nya kaya! Sinasarili nya lang yan eh! Genyan nga yan! Di nag she-share XD
Ganto kasi yan. Pinagpustah–..
Hala! Patay! Muntik pa kong madulas haha! Muntik ko na masabe! Kasi naman kayo eh XD wuhah manisi ba daw!
Balik na nga lang tayo ung dun sa kanina.
Tapos un nga nagulat kami ni Nicky kanina. Kasi ba naman napaka bihira na gawin ni Lee ung mga ginawa nya kanina. Katulad nung un nga ung hinila nya si Vincent sa harap na madaming tao para lumabas ng school.
