Simula

5.6K 76 0
                                    


Simula

Stupid Moron

"Come on Alexandria, wag mo nang ipilit ang sarili mo kay Lander. Talagang in love pa rin yan kay Danica kahit hindi niya aminin." tumawa ako.

As if naman kasing magugustuhan talaga siya ni Lander. She's not the type that Lander likes. At malayong malayo siya kay Danica. Ganda palang taob na, talino pa kaya?

"Basta, nainlove na nga ako 'diba?" tinaas niya ang kilay niya.

"Edi nainlove ka lang, sa tingin mo maiibabalik yan ni Lander sa'yo? Hinalikan mo na't umamin ka sa nararamdaman mo pero wala pa rin 'diba? Wag mo nang saktan yang sarili mo!" umirap ako at ininom ang vodka na hawak ko.

Ito naman kasi sobra kung mangarap. I mean, kaibigan ko siya pero Montenegro kami and she doesn't fit in our family. Milyon milyon ang pera namin, sila? May kaya lang.

Si Danica talaga ang babagay kay Lander kahit na sinaktan niya ang pinsan ko. She's damn rich as we are, unlike Xandria.

"Basta, I'll seduce him kung kinakailangan," ngumisi siyang bigla.

Tumawa ako.

"Tatapatin na kita, ha? Kaibigan kita pero kailangan mo 'tong malaman. Ang babagay lang sa aming mga Montenegero ay mayayamin rin katulad namin. Kaya kung kinakailangan ay lumalayo kami sa mga mahihirap, it's not that I'm saying that your too poor my friend, but I think you don't have millions para lang maging parte ka ng buhay ni Lander,"

Nag-aalab sa galit ang kanyang mga mata. I don't care, she has to know the truth. I'm not going to say sorry.

"Kala ko ba kaibigan kita, pero yun naman pala e ganyan ka makatingin sa akin" umirap pa siya.

Tinignan ko siya, "I am your friend, Xandria, your father is just a foreigner kaya kayo naging mayaman ng kaunti," ngumisi ako "A true friend is true, I like you, but it seems like you are trying so hard to fit in with us when you don't have to because we accept who you are. At sinasabi ko lang sa'yo ang totoo"

Tumayo siya "Ang matapobre mo!" sigaw niya at umalis.

Ako pa talaga ang naging masama. Well, kung tinuring niya talaga akong kaibigan at hindi lang ginamit para makalapit kay Lander, we'll be friends again and if not then plastic siya. I was a true friend.

Tumayo ako para pumunta sa table nila Ivan at Lander. Naglakad ako nang bigla akong nabuhusan ng isang waiter. Fuck!

Tumingin ako sa kanya, "What the heck? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo?"

Gulat na gulat siya. He's goodlooking but.... he's stupid. Stupid moron!

"Ma'am kayo po ang nakasagi sa paa ko..." wow, so confident.

Kilala niya ba kung sino ako? I'm the daughter of this bar's owner. In short, I have control in this club. Sobrang tanga naman nito kung sagutin ako.

"Ako pa talaga ang may kasalanan ha?" sigaw ko kaya naka-agaw ako ng pansin.

"Ma'am, sorry pero kayo po talaga yung nak-"

"You are fired!" sigaw ko at naglakad para pumunta kay Dennis, manager ng bar na ito.

How dare him to do that to me. I'm Irish Montenegro for God's sake. Kalabanin mo na ang kahit sinong Montengero, wag lang ako.

"Gusto kong tanggalin niyo siya sa trabaho or you'll be fired as well," ani ko at umirap.

What a stupid moron.

What If? (Montenegro Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon