Kabanata 16

1.7K 41 0
                                    


Kabanata 16

Unfair

"Irish, halika na, mahuhuli ka na sa flight natin!" sigaw ni daddy mula sa labas ng aking kwarto.

"Yes dad, just give me two minutes!" sigaw ko rin.

Nandito kami ngayon sa Manila. May bahay kami dito kaya dito muna kami tumira ng tatlong araw para hintayin ang flight namin papuntang California.

Ngayon na iyon. Aalis na ako papuntang America para doon ipagpatuloy ang pag-aaral.

Ihahatid ako ni daddy at siya rin ang magaasikaso ng enrollment ko sa UCLA. Masaya ako dahil gusto niya iyong gawin.

Titira ako sa bahay ng lolo at lola ko sa mother's side. Wala ng tao sa bahay na iyon kaya ako lang mag-isa ang titira.

Tinawagan ko si Quentin at sinabi ko na mag-aaral na ako doon. Masaya siya sa naging balita ko.

Sa mga nakaraang araw ay wala lang akong ginawa kung hindi magkulong sa aking kwarto.

Naghihintay ako ng text o kaya tawag niya pero walang dumating. Nakita ko ngang naidelete na number niya dito sa aking cellphone. Maybe I deleted when I was drunk that day.

Bago kami pumunta dito sa Manila ay ilang araw akong maglasing. Gabi-gabi akong nahihilo dahil sa alak pero hindi pa rin natatanggal ang sakit sa aking puso.

Maraming nakaalam na umalis siya. Marami ding nagsabi na ginamit niya ako. Kung ginamit niya ako, at hindi minahal ay wala na akong magagawa kung hindi kalimutan nalang siya.

Maraming nakidamay sa akin kaya nagpapasalamat ako sa kanila. They helped me to forget but everything was just permanent in my heart.

Galit si Ivan dahil sa ginawa sa akin ni Xavier, and I don't care kung mabugbog man siya kung magpakita ulit siya sa aking pinsan.

Minahal ko siya at ibinigay ang lahat ngunit sa huli ay sinaktan niya lang ako. Wala akong ginawa kung hindi gustuhin na sunugin nalang siya sa aking isipan.

Pagkatapos kong lagyan ng perfume ang aking katawan ay agad akong lumabas. Nakatayo na si daddy sa sala at nang nakita ako ay naglakad na palabas ng bahay.

Sinundan ko siya at sumakay na sa sasakyan. Pagdating namin sa airport ay agad kaming nag check-in.

Hindi ko dinala lahat ng gamit ko dahil sinabi ko kay daddy na bibili nalang ako doon. Ayaw ko ring isuot ang mga iyon danil pinapaalala lang nila sa akin si Xavier.

Kung paano niya tignan lahat ng mga damit na isinusuot ko. Kung paano niya sabihin na sobrang maiksi at ayaw niyang isuot ko kaya sa huli ay nagpapalit ako ng damit.

"All passengers of Flight A1907 please proceed now to gate 3, the gate will close in 15 minutes.."

Agad kaming tumayo ni daddy. Naglakad na kami papunta sa eroplano. Nang makasakay kami ay pinagmasdan ko ulit ang Pilipinas. Sa tingin ko ay matagal ulit bago ako makabalik.

Pagkatapos ng labing limang oras ay nakarating na rin kami sa LAX. Susunduin kami ng kamag-anak ni mommy.

Medyo malamig na ang panahon ngayon dito kasi Fall ang season sa panahong ito. Agad kong sinuot ang aking bomber jacket.

Pagkatapos namin kunin ni daddy ang mga bagahe namin ay agad kaming lumabas ng airport.

Ang tito ko ang sumundo sa akin. Agad naman akong sumakay sa loob ng sasakyan. Sa harap naman si daddy.

"It's been a long time since you visited, huh?" tawa ni tito.

"Alam mo naman Andrei, busy ako sa negosyo..." sagot ni daddy.

What If? (Montenegro Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon