Kabanata 3Landi
Nilabas ko ang aking cellphone para tignan nalang ang aking mga accounts kaysa makipag-usap dito sa walang kwentang lalaki.
Bawal ba siyang tignan? Ano sa tingin niya? Gusto ko siya? Nagwagwapuhan ako, ganun? Ang assuming mo naman!
Gwapo nga ang sama naman ng ugali, bwisit!
At matapos ang labing limang minutong byahe ay nakarating na rin kami sa eskwelahan. At dahil unang araw ng pasukan ngayon ay sobrang rami ng tao.
Agad akong bumaba ng walang pasintabi sa kanya. Bahala siya diyan!
Narinig kong tumunog ang kanyang pintuan simbolo ng pagbaba niya. Pinatunog na rin niya yun.
"Irish, kailangan kong malaman ang schedule mo...." aniya.
Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakakunot ang kanyang noo. Bakit niya kailangan ng schedule ko? Yung dati ko ngang driver wala eh, tapos siya meron?
"Schedule for what?" tinaas ko ang kilay ko.
Ngumisi siya, "Para malaman ko kung nasan ka lagi..."
Tumawa ako nang bahagya "Ano ka? Boyfriend ko?" umirap ako.
"Bakit naman na punta diyan sa usapan na 'yan? Kailangan kong malaman ang schedule mo dahil iyon ang utos ng daddy mo! At wag ka ng magkunwari, nagwagwapuhan ka naman sa akin, 'diba?" ngumisi siya.
Ang kapal din naman pala ng mukha nitong isang 'to! Kala mo mabait kung nandyan si daddy, puro naman pala hangin!
Oo, nagwagwapuhan ako sa kanya, but hell, I won't tell that to him! Baka mas lalo lang lumaki ang ulo niya at isiping crush ko siya, dahil hindi naman.
Kung magkakagusto ako sa lalaki, ay yung mayaman, matalino, gwapo at sumasabay sa trip ko. Unlike him, talino at mukha lang naman ang ipagmamalaki niya.
"Ikaw, gwapo? Kaya naman pala parating mahangin dito sa Pilipinas, maraming nagkalat na mga mayabang na tao!" umirap ako.
"Just drop the shit, give me your damn schedule!" aniya at may pagkairita sa kanyang boses.
"Kahit anong sabihin mo, I will not give my schedule to you kahit anong gawin mo sa akin ngayon," sagot ko.
"Paano kung hahalikan kita ngayon, hindi mo pa rin ba ibibigay?" tinaas niya ang kanyang kilay.
Halik? He will kiss me? Really, magagawa mo iyon?
"Hindi mo yun magagawa dahil una sa lahat bawal mo yung gaw-"
Hinawakan niya ang batok ko at inilapit niya ang aking mukha sa kanya upang magdampi ang aming mga labi. And he did, he kissed me! Shit.
Mga apat na segundo lang naman siguro ang tinagal ng smack na iyon. But damn, I felt electricity run through my body.
Agad ko siyang tinulak, at ngumisi naman siya sa akin.
Damn! Ang lambot ng kanyang labi, at hindi pa dry. Why do I feel that I want to kiss him again? Shit.
"Bakit mo yun ginawa?!" napalakas ang boses ko.
"Hindi mo pa rin ba ibibigay yung schedule mo? Baka gusto mo pa ng isa-"
"Okay!" ani ko "Ibibigay ko na! Just make it sure na pag uwian na ay agad na akong uuwi, and I don't give a damn kung hindi pa tapos ang klase mo!"
Kinuha ko ang aking bag muka sa aking likod at kinalkal ang isang kopya ng schedule ko. Nang nahanap ko na ay inilahad ko at agaran niya rin kinuha.
BINABASA MO ANG
What If? (Montenegro Series)
Ficção GeralWhat if? They say two different worlds can't collide together? Like you and her. She is rich, you're not! Will you still pursue? Will you still try? Xavier and Irish had a very strong connection with each other, but they know, the both of them stand...