Wakas

3.8K 87 6
                                    



Wakas

"Xavier, wag kang mag-alala, magiging mabuti ang panganganak ni Irish. Chill ka lang.." humagalpak ng tawa ang pinsin ni Irish na si Ivan.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko maiwasan mag-alala lalo na kung yung asawa ko ay nasa loob na ng kwarto.

Tatawagin nalang daw ako mamaya kung lalabas na ang bata. I can't wait to see my firs born son.

Nagsimula akong magtrabaho kay Tito Lucas. May scholarship na ako simula noon ngunit ang sabi niya lang ay dapat magtrabaho muna ako sa bar nila buong summer.

Sinunod ko iyon. May magiging bagong trabaho naman daw ako pagkatapos ng bakasyon na mas makakatulong sa aking pag-aaral.

Gabi-gabi akong nasa club at parati kong nakikita ang babaeng napakaganda. Hindi ko pa kailanman sika na-servan ng mga kasama niya kaya wala akong ideya kung anong pangalan niya.

May girlfriend ako ngunit bawat tingin ko lang sa babae ay parang nangangaliwa na ako. Fuck! Hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag kay Leslie.

Ang mga mata niya ay nakakalunod. Matangos ang kanyang ilong. Maputi. Maganda. Matangkad rin katulad ko. At higit sa mapupula ang kanyang labi, ang sarap halikan.

Sa sobrang kakatitig ko sa kanya ay bigla siyang napatingin sa akin kaya agad rin akong nag-iwas ng tingin. Alam ko namang wala akong pag-asa sa kanya kaya dapat tignan ko nalang siya 'diba?

"Pare, anong pangalan ng babaeng parati mong naseservahan?" tanong ko kay Larry.

Kumunot nag kanyang noo "Siya si Irish Montenegro, anak ni sir Lucas, ganda 'diba?" nakangisi niyang sagot.

Tangina! Anak pala siya ng boss ko at ng nagpapaaral sa akin. Fuck! I should nor be hitting on her! Damn!

Simula noon ay iniwasan ko na ang tumingin sa kanya. Ngunit sa hindi malamang dahilan napatid niya ako sa paa. Nabuhos lahat ng dala ko sa kanya. Shit!

Tumingin siya sa akin ng masama.

"What the heck? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo?"

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Ako na nga yung napatid siya pa ngayon ang galit Tangina, hindi ko alam na ganito pala siya.

"Ma'am kayo po ang nakasagi sa paa ko..." deretso kong sinabing nakatangin sa kanyang mga mata.

"Ako pa talaga ang may kasalanan ha?" sigaw niya.

Kahit gusto ko kita, Ms. Montenegro, ikaw pa rin ang may kasalanan kaya wag niyo po sana akong pahiyain dito.

"Ma'am, sorry pero kayo po talaga yung nak-"

"You are fired!" sigaw niya at naglakad palayo.

Hindi ako natakot doon dahil alam ko namang hanggang summer lang ako dito. Sa gabing iyon ay agad rin akong pinatawag ni tito Lucas.

Hindi ko alam kung tatanggalin niya ba ang scholarship ko dahil lang sa anak niya. Tangina, sana hindi ko nalang siya sinagot.

"I want you to be the new driver of my daughter..." ngisi sa akin ni tito.

Hindi ako makapaniwalang magiging drive niya ako. Parang panaginip lang na makasama siya araw-araw ngunit ngayon ay mangyayari na.

Nang magkita muli kami sa bahay nila ay nagulat siya sa naging balita. Halos matunaw pa nga ako dahil sa mga titig niya.

Pagkatapos ng ilang linggo ay bumalik ako sa bahay nila at nalaman ko ang tunay niyang ugali. She's spoiled and mad!

Pinaalis niya pa ako sa kainin at ininsulto pa ako. Kaya simula noon ay gusto ko siyang baguhin, gusto kong bumait siya dahil sa akin. Para sa akin.

What If? (Montenegro Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon