Bea's POV
Months passed. Unti unting bumalik yung friendship namin ni jho. Lagi kaming magkasama. In fact, lalo pa akong naging clingy sa kanya, everytime may practice todo asikaso dn ako or kung may pupuntahan sya, instant julalay ang peg ko.
Kung wla namang klase eh niyaya ko siyang pumunta sa bahay. Close na close nga sila ni mommy, and as well as kuya mark, nagclick sila agad kasi pareho naman sila ng hilig sa pag paint. Minsan naman kung may klase ako tapos free sya, dumederetso na lang sya sa bahay mag isa. Iniinvite kasi sya minsan ni mom or ni kuya. Masyado na talaga siyang naattach sa family ko and im very happy and overwhelmed about it.
Pero ilang gabi na rin akong hindi makatulog Ng maayos . Ewan ko ba, there's part in my mind na nagsasabi na parang may kulang. Na hindi ako kuntento sa kung anong meron kami ni jho.
Dont get me wrong, im happy whenever im with her. Pero parang may kulang talaga. Hindi ko lang mapoint out kung ano. Minsan naiinis narin ako sa sarili ko eh. Feeling ko minsan ang selfish kong tao.
May time kasi na niyaya siya ng batchmates nya na magdinner, then nung nagpaalam siya sakin i said no. Muntik na nga kaming mag away kasi sabi ko sasama na lang ako para bantayan siya. She said she can handle herself naman daw, but i insist kaya medyo nainis sakin tapos nag walk out. Napikon ko ata. Pero naging okay naman kami after nun, i said sorry to her and she said sorry too.
Tapos everytime na susunduin ko sya sa room nya lagi ko silang nakikita ni Marci na nagtatawanan. Sumasakit ang heart ko dahil dun and i dont know why.
Marci's our friend. Hes a varsity of AMBT and yea close sla ni kuya ko kaya parang close na din kami. Although mas close talaga sila ni jho because they're classmates. I consider him as a friend too. Siya kasi lagi ang kasama ni jho lalo na kung may paperworks silang ginagawa. I dont have the rights naman para pigilan sila so hinahayaan ko na lang din. Nagtetext naman si jho kung nasan sila eh. Good girl bebe jho ko!
Natigil ang pagmuni muni ko ng nagvibrate ang phone ko. Its Marci. Speaking of! Ano kayang kelangan nito at napatawag.
"Hello bei, san ka?busy ka ba? I just wanna ask you a favor sana kung okay lang?"
"Hi mars, im here sa lib. Nope im not busy, what is it ba?"
"Yes! Ano sana..kung okay lang magkita na lang tayo? Masyadong complicated eh, haha you know"
"Ang pabebe mo naman marci boy! Hahaha may complicated ka pang nalalaman pero sge dahil mukhang complicated nga txt mo na lang ako kung san at kelan" sabi ko habang tumatawa. Ang corny nya kasi eh Haha
"Thanks talaga bei, i owe you one! Ill text you na lang bye"
"Okie. Maliit na bagay haha bye" inend call na nya din.
Sakto namn pag end ko nung call nagpop out yung name ni jho.
From beh:
Beh tapos na class ko san ka na? Kita na lang tayo sa dorm ha. Kbye
To beh
Coming beh, missyou na po :-*
Hahaha.Nag ayos naman ako at naglakad padorm. Pagpasok ko sa loob nakita ko si maddie nakatulala. "Ano kayang problema nito?
Huy mads! Are you ok? You look pale, may sakit ka ba?" Lumapit naman ako sa kanya at akmang hahawakan yung noo nya pero nigla sya umiwas.
"Ah.. Okay lang ako bei" sabi nya at naghalf smile. "Kanina ka pa hinahanap ni jho andun sya sa taas sge puntahan mo na" bigla naman syang tumayo at akmang aalis.
"May problema ka ba?" Pigil na tanong ko sa kanya. Umiling naman sya.
"Eh tayo? May problema ba tayo?"
"Huh? Ano ka ba bei wala, pagod lang tlga ako" she said without looking at me.
"Sure ka?" Alanganing tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi mabasa kung anong iniisip nya eh or bka she's tired lang tlga
"Yup, sge akyat na ko. bye" hindi ko na rin sya pinilit at bka magalit.
"Sge maddie, you should take some med and rest" ngiting sabi ko sa kanya. Dumiretso naman ako sa kusina at uminom kasi im really thirst na talaga.
Pag akyat ko eh dumiretso naman ako sa room nla jho.
"Beh?" Katok ko sa pinto nila. Maya maya ay bumukas ito and niluwa sya.
Ewan ko ba parang biglang nagslow mo ang lahat. The moment she open the door, i feel like it's the first time i saw her. Nalove at first sight ata ako beh! She's an angel. Ang ganda kasi ng hair do nya ngayon messy na nakabun hahaha ah basta, she's pretty talaga.
Bigla naman ako bumalik sa normal nung isnap nya yung finger nya sakin.
"Uy beh ok ka lang? Tulaley ka dyan?"
"Ha? Ah eh. Wla ano.. Ganda mo eh" oopps.wrong move ata bea! Kumunot yung noo eh. Naglakad naman sya sa paharap sa salamin at bigla natawa.
"hahaha. Trip moko beh ha. Anong maganda sa magulo ang buhok?." Sabay upo sa bed nya and pick up her phone.
Tumabi naman ako sa kanya at humiga sa lap nya. Magisa lang sya ngayon wla kasi pongs na roommate nya.
"Believe me when i say your beautiful, because i really do"
Bigla naman siyang namula sa sinabi ko. Pretty jhoana haha.
"Bola pa more.. Di mo na ko madadan sa mga galawang deleon mo noh Haha" bigla naman nyang tinabon yung unan sa mukha ko
"Your blushing beh, hahaha. Tsaka ang dami ko na kayang napakilig and napainlove, at sure akong isa ka nadun. Na fall ka na nga siguro eh". Sabi ko habang pilit na tinatanggal yung unan.
"Luh.. Kapal! Alam mo beh siguro nung nag paulan ng kayabangan sinalo mo lahat, ang hangin mo eh" natatawang sabi naman nya.
Tumayo naman ako at umayos ng upo. Bale magkatapat na kami at magkaharap.
"What if ako yung nafall? Will you catch me? Seryosong tanong ko sa kanya.
Mukha namang nagulat sya sa tanong ko kaya binawi ko na lang agad. Hindi pa yata ako ready sa magiging sagot nya.
"Joke lng beh! Hahaha you should've seen your face jho ang epic. Hahaha"
Isang malutong na hampas naman ang nakuha ko mula sa kanya.
"Alam mo kahit kailan ang bully mo!" Seryosong sabi nya sabay higa. I cant see her face thats why i dont know kung nakasimangot ba sya or ano.
Tumabi naman ako sa kanya at binack hug sya. " uy sorry na beh. Akala ko kasi your up for a joke eh"
"Pfffftt.. Hahaha, sorry beh dko napigilan :) Hahaha " biglang tawa nya. Hindi talaga sa marunong magtago ng tawa nya whahaha.
Bigla naman kumunot yung noo. Pinagtripan nya din pala ako wew, grabe talaga si beh!
"Grabe ka beh kinabahan ako dun, lika nga dito tulog na lang tayow! Inaantok nako eh" hinigpitan ko naman yung yakap ko sa kanya at pumikit.
"Pano nga ba kung nahulog na talaga sayo? Handa ka bang saluhin ako?" Sabi nya nang Mahina pero enough na para marinig ko.
Hindi ko muna sya sinagot kasi di ko rin alam ang isasagot eh
"Dont worry, mahulog ka man sakin, ill make sure na sakto sa kamay ko ang bagsak mo and kung kung talagang mahal na nga kita sana andun ka rin para saluhin ako. "
No response naman sya. Nakatulog na ata. I decided na matulog na lang dn. Im sure na masarap ang tulog ko nito. Hindi ko na muna iisipin yung nangyari ngayon siguro. Just me and jho okay nako. As long as masaya kami. Okay na.