Jho
Days passed. Ang daming nangyari sa loob ng dalawang buwan. Sa sobrang dami ay hindi ko namalayan na parang ang bilis pala. Ika nga time is faster when your enjoying but is slower when your waiting.
Actually, kanina pa nga ako naghihintay kay bea dito sa gym eh. She said i should be here before the training starts, may sasabihin daw sya.
Pumayag naman ako because namimiss ko na siya. Ilang linggo na rin kaming hindi nakakapagbond dahil masyadong hectic yung sched nya. Nakakapagtampo na nga eh, wla na syang time sakin pero minsan naaabutan kong kasama yung ibang teammates namin from galaan.
She was chosen as one of the ambassadors of FitNright kasi, and she's currently having their commercial shootings together with ate gretchen. Ehemm.. Proud beh here!✌
And yun na nga, sa mga oras na wala si bea, most of the time eh si marci yung kasama ko.
Ewan ko nga ba, everytime na wala akong kasama bigla na lang susulpot si marci para samahan ako, ang timing nga! hulog ng langit nga eh. Well, mas okay na din yun kesa maging loner, dba??
Tapos everytime na magkikita kami lagi syang may dalang favorite food ko! Either fries, pizza or chocolates. Hahaha ang creepy nga kasi one time tinanong ko sya kung bkit nya alam mga favorites ko he said "intuition" daw! Ay wow tom riddle is that you?? xD
Infairness ang saya niyang kasama eventhough minsan ang corny ng jokes nya. Nakakatuwa lang talaga kasi lagi siyang nandyan kung malungkot ako and namimiss si bea (my happy pill).
Im also aware of his feelings towards me, im not manhid naman eh, he'll not make those kinds of efforts kung wla lang. But every time na nasesense ko na parang gusto nya iopen up yung topic na ganun, inuunahan ko na lang syang ibahin yung topic.
I dont know, im not yet ready pa siguro and i dont wanna hurt his feelings naman. Masyadong kumplikado ang life ni marci, i know kaya nga he's really thankful everytime binibigyan ko sya ng piece of advice about how to handle life! Echosera haha life Adviser nya daw ako! GANERN.
Speaking of, nakita ko si bea sa may pinto ng gym. She's carrying a bouqet of flowers! O-em-Gi magpopropose na ba sya? Pakshet jho di ka pa ready! Ang haggard ng fes mo beh! ANUNA.
Habang papalapit sya ay napansin ko naman yung mga mata nya, halatang walang tulog kawawa naman beh ko..may kakaiba dn sa mukha nya ngayon parang..parang ang lungkot.
"Beh ahm.. F-for you" inabot naman nya sakin yung flowers
"Thank you, bat pala ang tagal mo? You said before training! Yan na yung mga teammates natin oh." I act normal pero yung kilig ko eh parang sasabog na! FU talga beh! Yung puso ko nimurder mo na sa kilig!
Tinuro ko naman sila habang papasok, ang creepy lang kasi kasabay nila yung mga varsity ng basketball and when i say sabay eh literal na magkakapartner silang pumasok.
"Actually that was part of the plan jho, im sorry for making you wait" sabay kamot sa batok at naghalf smile. Ang cute mo beh pramis! Hihi
Pero parang may mali! Di lang ako sure kung ano..
Tumabi naman sya sakin at pinanood namin yung teammates ko and the AMBT na maglakad hanggang gitna ng court at huminto.
They are all smiling at us well except the seniors, why is that so??. 😕