Lumipas ang araw at ganon pa 'din ang set-up namin. Well sanay na ako 'don, ewan ko ba para'ng masasanay ka din talaga. Busy s'ya sa basketball n'ya at busy naman ako research work kaya 'di pa kami nagbobond ulit. Siguro babawi 'din ako sa kanya pagmatatapos ko ang mga requirements sa subjects ko. Meron 'din naman ako'ng pagkukulang sa kanya kaya pagmatapos talaga ang requirements, susuportahan ko s'ya sa pagbabasketball n'ya.
Nasa classroom kami ni Gwen at 'di pa dumating ang professor namin. "Hoy!?" sambit n'ya sa akin. Tiningnan ko s'ya at tinaasan ng kilay. "Ano?!" sabi ko at bumalik ako sa ginagawa ko. Nagsketch kasi ako ng Gown, gusto ko talaga magdesign ng mga damit. Gusto ko 'din kasi maging sikat na fashion designer. Pagmakagraduate na ako ng engineering, siguro mag-aaral ako ng fashion designing sa Paris.
"Ano ba ang ginagawa mo d'yan?!" tanong niya.
"Nagsketch ako ng Gown, wag ka'ng istorbo" Sita ko sa kanya.
"Luh. Sino ba ang ikakasal?" At tumingin s'ya sa gawa ko. "Hala. Ang gondo~" Sambit n'ya at kuminang pa talga ang mga mata n'ya. Well, 'di ko s'ya masisi talent ko talaga to.
I smiled. At nagpatuloy sa ginagawa ko. "Malapit na!" Sabi ko sa kanya. Gumawa ako ng fitted V-neck backless gown and adds curves on a straight figure. Gusto ko V-neck para makita talaga 'ung cleavage. Well, para sa mga flat-chested?! Hmn. Di ko yan field haha."
Matapos ko'ng magsketch ng Gown sakto dumating 'din ang class president namin. "Guys, 'di muna daw papasok si Maam Genovia kasi may appointment s'ya. At study daw about last topic in Integral Calculus, 'yon lang guys. Pwede na kayo umuwi." Nagsigawan ang mga classmates ko dahil sa balita. Well, ako? nagugutom na ako.
Lumabas na kami ni Gwen sa room. "Canteen muna tayo?"tanong ko.
Lumingon ako sa gawi n'ya pero iba ang tiningnan n'ya, lumingon 'din ako sa tiningnan n'ya at nakita ko si Clark may kausap na babae. Sumikip agad 'yong dibdib sa nakita ko, Pota kung makakapit pa talaga ang higad. Pero naisip ko baka kaklase lang n'ya na nagtanong sa mga assignment nila. "Oo ganun nga" sagot sa isip ko. Tatanungin ko nalang siguro s'ya mamaya.
"Tingnan mo 'yong boyfriend mo oh. May higad na kasama" sabi ni Gwen.
"Baka classmate lang n'ya yan. Tara na."
"Oh my gosh Jade, kung may ranko siguro ang manhid, Heneral ka na ngayon" bara n'ya. I rolled my eyes at her.
"Ano ka ba ang oa mo. Classmate lang talaga n'ya yan."
"Bahala ka. Basta pag-ikaw pinaiyak n'yan, ipapatay ko kay tatay" she said. Pulis kasi tatay n'yan haha. Kaya I love her eh, napakaprotective kasi.
"Grabe ka~ HAHA. I love you bestfriend, swerte ko talaga sayo" i winked at her.
"Tara na nga, nagugutom na ako" Sabi n'ya. At lumingon ako ulit sa boyfriend ko kaso wala na sila. San na kaya sila ngayon?
Nasa canteen na kami at si Gwen ang umorder, libre daw n'ya eh. HAHA bahala siya. Dahil sa pagmunimuni ko naisip ko naman 'yong kanina. I sighed naninikip agad 'yong dibdib ko. Tiningnan ko 'yong mga tao sa labas ng canteen may barkadang nagtatawanan, meron 'ding barkadang nag-aaral at meron 'ding magkarelasyon na nagsusubuan pa talaga. Magkalabuan 'ding kayo n'yan at pagkatapos maghihiwalay 'ding kayo. I cupped my face, umiiyak na pala ako, ang bitter ko na. I sobbed. Nawala ang pag-eemote ko ng may lumapit na babae.
"Uy fren, kanina pa kita pinanonood. Okay ka lang? Umiiyak ka kasi." at tinuro n'ya 'yong magkasintahan. "Parang may galit ka 'don sa magkarelasyon." Sabi pa niya.
Kanina lang pala ako umiiyak. Tiningnan ko 'yong babae na parang nagtatanong ko'ng bakit s'ya umepal. "Ay, sorry. Ako nga pala si Eliese hihi" she said. I smiled at her. Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa. Well, not bad maganda s'ya, makinis, tan skin at matangkad pero sorry nalang mas maganda ako sa kanya. HAHA. dapat lang!
BINABASA MO ANG
Turning Lust
General FictionEven the nicest people have their limits. "If all the lies I've heard, I LOVE YOU was my favorite" - Jade Zuison Read at your own risk. Genre : General Fiction