Malakas pa rin ang ulan nang lumabas kami ng ospital nina Gwen at Eliese. Nabalitaan ko kasi na na-ospital ang kapatid ko, napagtripan daw. Hindi naman 'yon basagulero eh, pero pinaimbestigahan na daw sa mga pulis. Bagaman hindi pa gabi kalat na ang dilim sa paligid. Kaninang madaling araw pa masama ang panahon.
Papasok pa lang ng kani-kanilang kotse sina Gwen at Eliese ay naanigan ko si Clark na papalapit sa akin. "Hi." ngiting sabi n'ya. Akalain mo, ang tagal na naming hindi nagkita kahit same school lang kami. "Hi." nginitian ko 'din s'ya.
"Sa kapatid mo pala." binigay 'yong dalang prutas n'ya.
"Salamat. Nag-abala ka pa."
"Okay na ba 'yong kapatid mo?"
"Ah, Oo. Pano mo pala nalaman?"
"Nabalitaan ko kay Gwen." Tiningnan ko'ng nandon pa ba sina Gwen pero wala na, umuwi na atah.
" 'Don muna tayo sa loob, ang lamig dito sa labas eh."
Pumasok kami at tiningnan ko 'yung nasa front desk. Nakatingin kasi 'yong mga babae na naghihigikhikan sa gawi namin o baka kay Clark lang pala. I just rolled my eyes, jeez. Head turner talaga to! Nasa room na kami ng kapatid ko at nakita ko si mama natutulog sa couch.
"Ma." paggising ko kay mama.
"Oh. Nak! Bakit?" tiningnan muna niya si Ashton.
"Umuwi ka muna Ma, para magpahinga. Ako nalang muna ang magbabantay kay Ashton."
"Sige, anak. Kukuha 'din ako ng gamit ng kapatid mo." tumango ako at ngumiti kay mama.
"Oy. May bisita ka pala?" tumingin si mama kay Clark.
"Magandang gabi ho tita."
"Magandang gabi 'din iho. And by the way drop the "ho" thing, para naman akong matanda n'yan eh."
"Ha-ha sorry po tita." tumingin si Clark sa akin at ngumiti. Then ngumiti 'din ako sa kanya.
"O-sige, ewan ko muna kayo lovebirds." tsk. Si Mama talaga.
"Sige Ma! Magpahinga ka ha!"
"Oo na, anak!"
Pagkatapos lumabas ni Mama. Tiningnan ko 'yung kapatid ko. Inayos ko ang kumot n'ya, ang awkward kasi eh. Walang nagsasalita sa amin. "Kamusta ka na pala Jade?" Nabigla ako ng 'di n'ya ako tinawag gamit ang endearment namin.
"Maayos lang naman. Ikaw?"
"Maayos lang 'din." Para nalang kaming casual na magkilala.
---
"San tayo ngayon Jade?" tanong ni Gwen. Kakatapos lang kasi ng klasi namin sa morning.
"Puntahan muna natin si Eliese, 'din magla-launch na tayo." sagot ko. Iba kasi ang klase ngayon ni eliese at 'di na din pwede magchange ng schedule. Papunta na kami kay Eliese. Nasa ibang palapag pa kasi ang room niya.
"Okay na ba'yung kapatid mo?" tanong ni Gwen.
"Hmn." tango ko sa kanya. Nagising na kasi siya kagabi at sinabi na 'din niya kung sino ang bumugbog sa kanya. Dahil daw yon sa babae. Kasi sabi daw ng nambugbog, nilandi daw ng kapatid ko 'yung girlfriend n'ya. Depensa naman ng kapatid ko na ang babae daw ang lumalapit sa kanya 'di daw nga niya pinapansin. Hahay ewan ko sa kanila, chick magnet kasi eh.
At pagkatapos 'din naming mag-usap ni Clark ay umalis na 'din ito. Nothing special happen.
"Parang wala ka sa mood ngayon?"
"Pumunta pala si Clark kagabi."
"Oh tapos?"
"Nang nag-usap kami parang casual lang. Nagulat nga din ako ng 'di n'ya ako tinawag gamit ang endearment namin."
BINABASA MO ANG
Turning Lust
قصص عامةEven the nicest people have their limits. "If all the lies I've heard, I LOVE YOU was my favorite" - Jade Zuison Read at your own risk. Genre : General Fiction