Chapter 23

1.6K 27 3
  • Dedicated kay C Nayen Ü Ako
                                    

Chapter 23

"Gail, ano bang meron today? Bakit nagpapatawag ng meeting si Sir Ron?"

Ipinahanda kasi sakin ni Sir Ron ang conference room kanina.  May darating daw kasing bisita.  At tingin ko eh importante yun.

"Hindi ko alam, Mae.  Hindi nya rin kasi nabanggit kung sino ang darating." Nahiya naman akong tanungin si Sir Ron tungkol dun.  Last Friday pa nya nasabi na may darating na bisita sa Lunes.  Kaya nga aligaga kaming lahat ngayon sa paghahanda, buti na lang at after lunch pa darating ang bisita.

"Gosh! Sino kaya yun?"

Napailing na lang ako.  Wala rin kasi akong idea kung sino yun.  Pabalik na kami ng GRC galing break time.  Dumiretso na ako sa office at inayos ko yung mga documents na ipinahanda ni Sir Ron.  Mga bandang 1:30 nang bumukas ang pinto ng office at pumasok ang boss ko.

"Gail, kindly bring the papers upstairs.  Dumating na ang mga bisita natin.  Pinasamahan ko na sila kay Mae sa itaas.  Andun na rin ang iba.  Sumunod ka na, okay?" Bilin sakin ni Sir Ron at lumabas na ito ng room.

Tumayo naman ako.  Magkasabay palang dumating si Sir Ron at ang mga bisita? Kinuha ko na ang mga documents at sumunod na dito paakyat ng third floor.  Habang lulan ng elevator eh iniisip ko kung sino ang  mga bisita namin.  Hindi naman siguro mag-aabala si Sir Ron ng ganito kung hindi importante ang sadya ng mga ito.  Pagbukas ng elevator eh tuluy-tuloy na akong naglakad papunta sa conference room.  Kumatok muna ako bago ito binuksan. 

Napatingin naman sila sa'kin.  Mabilis naman akong yumuko at pumasok, hindi ko na inikot ang paningin ko at humanap na ng mauupuan.

"Gail, dito ka na maupo sa tabi ko." Si Sir Ron yun.

Oo nga naman Gail Secretary ka kaya Dapat dun ka maupo sa tabi ng boss mo.

Parang gusto ko tuloy batukan ang sarili ko.  Nakakahiya talaga ako today.  Habang paupo eh napatingin naman ako sa lalaking katapat ko at parang gusto kong himatayin.  Napabilis tuloy ang pag-upo ko.  Nanlamig ako bigla.  Sana nga nilamon na lang ako ng kinauupuan ko.

Ano'ng ginagawa nya dito?

It's him.  Si Mike.

Hindi ko alam kung ano ang una kong mararamdaman para sa lalaking 'to.  Magkahalong emosyon ang nasa loob ko ngayon.  Tiningnan ko sya, at nagtataka ako dahil parang hindi nya ako kilala.  Tinititigan nya rin ako, parang pinag-aaralan nya ang mukha ko.  Pakiramdam ko nga kami lang dalawa ang nasa loob ng room.  Bumabalik lahat sakin ang memories namin ni Mike.  Pero habang tinitingnan ko sya, tila may iba. 

Bakit ganyan sya tumingin sakin?

Nagpapanggap ba sya na di nya ako kilala?

Sya pa talaga ang may lakas ng loob na ignorahin ako matapos ang lahat ng ginawa nya sa pamilya ko?

Pilit kong kinakalma ang sarili ko.  Nasa trabaho kami.  This is not the right time to entertain my personal crisis.

"So, let's start." Bumalik ang atensyon ko kay Sir Ron.  Madali kong inalis ang tingin ko kay Mike.  May iniabot ang isang lalaki, abugado ata base sa ayos nito, kay Sir Ron na papel at pinirmahan.  Tahimik lang kaming nagmamasid.  Pagkatapos nun ay tumayo ito at nagsalita.

"I would like you to meet Mr. Michael Jay De Silva.  The youngest CEO of DSGC.  From this day on, he is a co-owner of GRC." Mahabang sabi ni Sir Ron.  Tumayo naman si Mike at nakipagkamay dito.

"Thank you, Mr. Gonzales." Nakangiting sabi ni Mike dito at humarap sa amin.

"I hope I'm welcome in your small circle here." Nagngitian naman ang mga kasamahan ko maliban sakin.  Isa-isang nilapitan sila ni Mike.  Lumalakas naman ang kabog ng dibdib ko.  After three years, this is the first time that we see each other again.  At hindi ko inaasahang dito kami sa GRC magkikita.  And worse, bagong boss ko.  Indirectly maybe, but still, boss ko pa rin.

"Who are you?" Napatingin naman ako sa kanya.  Nasa harapan ko na pala sya.  Hindi ko akalaing magaling na artista pala itong si Mike.

"Oh, I mean, you really looked familiar.  Have we met before?" Tanong ulit nito.  Gusto ko syang sigawan pero hindi ko magawa. 

Ang kapal ng mukha mo! So ganun lang yun? Parang nagka-amnesia lang ang peg mo ngayon! How dare you, Mike!

Yan ang mga salitang gustong-gusto kong isigaw sa kanya, pero pinatatag ko ang sarili ko.  Ganitong trip pala ang gusto nya? Sige, sasakyan ko sya.

"No, Mr. De Silva.  I assure you, this is the first time that we met." Malamig na sagot ko sa kanya.

Magsasalita pa sana ito nang tawagin ito ni Sir Ron.  Nag-excuse naman ako at nagmamadali na akong umalis sa room na yun.  Nararamdaman ko pa ang pahabol na tingin sakin ni Mike.  I need to get away from him.  Dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumbatan sya.

Xtra-Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon