Chapter 60

1.5K 18 3
                                    

Chapter 60

“See you, babe.  Bye.” Ini-off na ni Mike ang cellphone nya.  Lihim syang napangiti.  Hindi nya akalain na magiging ganito lang pala kadali para makuha nya si Kyra ulit.  He never thought na mapapapayag nya ang dalaga sa gusto nya.  Alam nyang galing ito sa pag-iyak base sa boses nito.  Siguro nga, mahal talaga ni Kyra ang Red na yun.  Napakuyom sya.  

Sa loob ng tatlong taong nawala sa kanila, hindi nya akalain na magagawang magmahal ni Kyra ng iba.  Nangako ito sa kanya na sya lang ang mamahalin.  Masakit mang isipin pero hindi nya ito masisisi.  Sino bang mag-aakala na magtatagpo pa ang landas nilang dalawa matapos ang aksidente nya? Ni hindi nya nga ito nagawang alalahanin.  Pero kahit may amnesia sya dati, alam ng puso nya na may nagmamay-ari na dito.  At hindi nito kayang tumibok para sa iba.

*Phone Rings*

Tiningnan nya kung sino ang tumatawag.  Si Penelope.  He snorted.  Hindi pa rin talaga ito tumitigil sa paghingi ng sorry sa kanya.  It’s been a month after that wedding ceremony na hindi natuloy ay patuloy pa rin ito sa pagsuyo sa kanya.  Ilang beses na rin nya itong sinabihan na wala na silang dapat pang pag-usapan pero masyado pa rin itong makulit.  He rejected the call.  Marami na syang iniisip ngayon at ayaw na nyang dagdagan pa.

Maya-maya pa ay tumunog ulit ang phone nya.  Napailing na lang sya.  Hinayaan nya na lang na mag-ring yun hanggang sa magsawa na si Penelope.  He remembered the gift na natanggap nya nun sa office before his wedding.  Si Zac pala ang nagpadala nun.  Secretly telling him about everything.  Na alam nitong nakipagsabwatan si Penelope sa mommy nya.  And they really planned everything para mapakasal sya sa dalaga.  Alam nyang lihim na minamahal ni Zac si Penelope kaya nito yun ginawa.  Ayaw nitong matuloy ang kasal nila.  Kung binuksan nya sana ang ibinigay nito, hindi na sana sila aabot dun sa simbahan.  Pero nangyari na ang mga nangyari.  And he already thanked his friend.  Wish nya na lang na makatagpo ito ng ibang babae na mamahalin rin ito.  And as for him.  Tomorrow will be the continuation of his love story.  Ang love story nila ni Kyra.  Sapat na ang tatlong taong pagkakahiwalay nila.  And this time, he will make it sure na hindi na ito mawawala pa sa kanya.

The next day, masayang bumangon si Mike at naghanda na para sa lakad nya.  This is going to be the happiest day of his life.  Makakasama na nya ang babaeng pinakamamahal nya.  And he can’t wait to be with her for the rest of his life.

“Attorney, is everything ready?” Kausap nya si Atty. Brizuela.  Ito kasi ang inutusan nya para ihanda ang lahat ng mga kailangan para sa kasal nila ni Kyra.  Yes, tama ang nabasa nyo.  Magpapakasal na sila ni Kyra mamayang alas-10 ng umaga.  Napatingin sya sa wristwatch nya.  It’s only past eight in the morning.  In less than two hours, magiging Mrs. De Silva na si Kyra. 

Lumapad ang ngiti nya nung marinig nya ang sagot ng abogado sa kabilang linya.  Mabuti na lang talaga at may kaibigan itong judge.  Matapos ang usapan nila ni Kyra kahapon ay pinapunta nya dun si Atty. Brizuela para makuha ang lahat ng mga documents na kakailanganin para sa civil wedding nila.  Mas napapadali talaga ang lahat kapag may pera ka.  Hindi na kinuwestyon ng judge ang tungkol sa mga edad nila.  Si Yaya Rosa lang ang sinabihan nya tungkol sa kasal dahil gusto nyang masaksihan nito ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay nya.  She’s a part of his life since the day he was born.  Sinabi nya rito kung saan sila ikakasal at kung anong oras.  Ibinilin nya rin sa abogado na wag munang ipaalam sa mommy nya ang tungkol sa kasal.  He wanted to tell her personally at gusto nya kasama na nya ang asawa nya sa pagharap sa ina.

Nagpaalam na sya sa abogado at naghanda ng kumain.  He can’t help himself from smiling.  For the first time after the accident, ngayon lang sya nakaramdam ng ganito kasaya.  Kahit pa nga ba magpapakasal lang sa kanya si Kyra dahil kay Red.  He brushed away that thought.  Ayaw nya munang isipin ang tungkol dun.  What’s more important is si Kyra.  She’s going to be his wife today no matter what the circumstances are.  Selfish na kung selfish.  He is just getting back what he possessed before.  Saka na lang nya iisipin ang mangyayari pagkatapos ng araw na ‘to.

Xtra-Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon