Chapter 34

1.4K 17 0
                                    

Chapter 34

"Red! Kyra Gail!" Tawag samin ni Juliet pagpasok namin sa VST Records.  Sinalubong nya kami ni Red.  Lumapit sya sakin at nagbeso kami.

"Are you ready?" Tanong nya sakin.

"I think so." Nakangiti kong sagot sa kanya. 

"Julz, may nag-auaudition pa ba dun sa loob?" Tanong naman ni Red.

"Yeah, may two girls pa dun.  Nag-start na yung isa pag-alis ko kanina.  Malamang patapos na yun.  Let's go?" At nauna na itong naglakad, sumunod naman kami ni Red sa kanya.  Habang papunta sa recording booth, nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko.  This is going to be the first time that I'll join a search.  Matagal-tagal na rin nung huli akong kumanta sa harap ng ibang tao.

"Just relax, okay?" Sabi sakin ni Red nung mapansin nyang balisa ako.  Inabot nya ang isang kamay ko at hinawakan yun.  Hinayaan ko na lang din sya dahil kailangan ko rin ng moral support ngayon.

"Do you have any song in mind?" Alam kong pinapakalma nya lang ako kaya nya ako kinakausap.  Nag-isip ako ng maaari kong gamiting audition piece.  Marami akong alam na kanta pero isa dun ang nangibabaw.  Naisip ko si Mike at ang mga nangyari samin kanina sa GRC. 

"Yeah, i just thought about it right now."

"Care to tell me?"

"No, pakinggan mo na lang.  Oh, wait.  Are you watching?" Naalala kong itanong sa kanya. 

"Of course.  Why? Do you want me to leave?" Balik tanong nya sakin.  Parang nagdadalawang-isip na tuloy ako sa kakantahin ko.

"O-okay lang naman sakin."

Pagdating namin sa booth, may isang babaeng kumakanta sa loob.  Naririnig namin ang boses nya at napahanga ako sa kanya.  Ang ganda kasi ng boses.  Halatang sanay sa mga ganitong audition.  Not like me.  Parang pinanghinaan tuloy ako ng loob.  Napatingin sakin si Red at ngayon ko lang napansin na magkahawak pa rin pala ang kamay namin.  Naramdaman nya siguro na pinisil ko yun.

"You're better than her." He said, reassuring me.  Bigla tuloy akong na-conscious sa tingin nya sakin.  Bago pa kami makaagaw ng atensyon ng iba eh hinila ko na yung kamay kong hawak-hawak nya.  Napakunot naman ang noo ni Red, inginuso ko sa kanya ang iilang tao sa loob at alam kong naiintindihan nya ang ibig kong sabihin.

"Gail, you're next.  What is your song?" Tanong sakin ni Julz at sinabi ko sa kanya ang title ng kanta.  Lumapit sya sa isang lalaki at may sinabi rito.  Tumango naman ang lalaki at bumalik na samin si Juliet.

"Kyra Gail Hernandez." Maya-maya pa'y tawag sakin ng isang babae.  Lumapit ako sa kanya at pinapasok na nya ako sa loob ng booth.

This is it Gail! You can do it!

Isinuot ko na ang headset at humarap na sa mic.  Nakita kong nakatingin na sina Red at Juliet sakin.  Nginitian ako ni Red at nag-wink pa sakin ang loko.  I rolled my eyes at him. 

Habang naghihintay ng cue for me to start, naiisip ko kung bakit ito ginagawa ni Red.  He made this thing possible.  Parang genie ko lang sya na laging andyan para i-grant ang mga wishes ko.  He always made sure na okay kaming dalawa ni Trixia.  Gusto kong isipin na bumabawi lang ito sa pagkupkop ng pamilya ko sa kanya.  Pero kanina habang hawak nya ang kamay ko, iba ang naramdaman ko mula sa kanya.  At nung tiningnan nya ako, parang bigla akong napaso kaya nahila ko ang kamay ko.  Ayokong isipin na totoo ang mga nasabi na ni Mike sakin dati.  Mahalaga sakin si Red.  He was like a big brother to me that I never had.  At kapag naiisip ko na may iba syang nararamdaman para sakin, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dun.  Nahinto ang pag-iisip ko nung marinig ko ang boses ng isang lalaki mula sa headset telling me to get ready.  At nagsimula na akong kumanta.

We clawed, we chained our hearts in vain

We jumped, never asking why

We kissed, I fell under your spell

A love no one could deny

Don't you ever say I just walked away

I will always want you

I can't live a lie, running for my life

I will always want you

I came in like a wrecking ball

I never hit so hard in love

All I wanted was to break your walls

All you ever did was wreck me

Yeah, you wreck me

I put you high up in the sky

And now, you're not coming down

It slowly turned, you let me burn

And now, we're ashes on the ground

Matapos kong kumanta ay lumabas na agad ako ng booth.  I was cold.  Parang nanunuot sakin ang meaning ng kanta at nanlalamig ako.  Hindi ko sinalubong ang tingin ni Red paglabas ko.

"You were great, Gail! I never believed Red when he talked about your singing prowess before, but now I am your number 1 fan!" Masayang bati sakin ni Juliet.  Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya.  Hearing that from her,  natutuwa rin ako na na-impressed ko sya.

"Let's go." Maikling sabi naman ni Red at nauna na itong lumabas ng studio. Nagkatinginan kaming dalawa ni Juliet.  Napailing ito at sinabi sakin na tatawagan na lang ako if natanggap ako sa audition.  Nagpaalam na ako sa kanya at dali-daling sumunod kay Red.

Habang byahe pauwi ay wala kaming imikan.  Hindi ko alam kung bakit bigla syang naging tahimik.  Tinitingnan ko sya ngayon, pinipilit kong basahin ang nakabadya sa mukha nya pero wala akong makitang emosyon sa kanya.

"It's rude to stare, Kyra Gail." Nagulat pa'ko nang bigla syang magsalita.

"I thought hindi mo na ako kakausapin." Mataray kong sabi sa kanya.

"Sorry.  I'm just shocked after hearing your voice." Ano daw?

"May lagnat ka ba?" Pabiro kong sabi sa kanya at inilapat ko sa noo nya ang isang kamay ko.

"Stop that.  Nasa daan tayo." Mabilis ko namang inalis ang kamay ko.  Bakit ba ang sungit bigla ng isang 'to?

Hanggang sa makarating na kami ng bahay ay hindi na nagtagal si Red.  Bumaba lang ito saglit at nagpaalam kay Trixia na may gagawin pa ito at umalis na.  Ni hindi man lang nagpaalam sakin ang loko.  Ano ba kasing nangyari dun?

Buti na lang at madaldal itong kapatid ko at ipinakuwento sakin ang buong nangyari sa audition kaya hindi ko na masyadong inisip ang change of mood ni Red.  Hindi ko na rin binanggit kay Trixia ang pagkakakulong ko sa elevator kasama si Mike kanina.  Mahirap na baka abutin kami ng umaga sa pagkukuwentuhan, isa pa hindi ko pa alam kung ano ang magiging reaksyon ng kapatid ko kapag narinig nyang nagkita na ulit kami ni Mike.  Alam nya kasi ang ginawa ni Mike samin.  I can't afford to cross that line right now.  Sana nga eh may magandang patutunguhan ang audition ko kanina.

Xtra-Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon