Chapter 64

1.4K 21 0
  • Dedicated kay Reinna Slanteyes
                                    

Chapter 64

Habang nagbibihis, iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin.  Kanina, habang namamasyal sina Mike at Trixia, hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak.  Inalala ko ang lahat ng mga nangyari sa amin ni Mike mula nung una kaming magkakilala.  Lahat na ata ng emosyon ay naramdaman ko na dahil sa kanya.  But at the end of it all, one thing I realized, iisa pa rin talaga ang sinisigaw ng puso ko.  Hanggang ngayon, si Mike pa rin ang itinitibok nito.  At kahit di man sumang-ayon itong isip ko, mas nangingibabaw pa rin kung ano ang nararamdaman ko. 

Nung araw na nagpakasal ako sa kanya, alam kong papayag rin ako sa alok nya kung nabigyan kami ng ibang sitwasyon.  Dahil nga mahal ko pa rin sya.  At kahit ipinilit nya ang pagpapakasal namin, hindi ko pa rin pala talaga kayang tabunan ng galit ang pagmamahal ko sa kanya.  And I will still say yes.  Tanga na kung tanga pero wala eh, hindi sya nagawang limutin ng puso ko sa loob ng tatlong taon na nagkahiwalay kami.  And then, dumating si Red.  Ang kaibigan ko na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.  Pinilit ko naman talaga ang sarili ko na mahalin sya, pero bigo pa rin ako.  Mas nanaig sa akin ang pagmamahal ko sa kanya bilang isang kaibigan.  At kaya ko sya nagawang saktan dahil ayoko ng dagdagan pa ang sakit na idinulot ko sa kanya noon pa man.  Ako ang naging dahilan kung bakit sya nagawang ipatapon ni Mike sa Amerika noon.  Kaya mas ginusto ko rin na sa akin na lang sya magalit.  Because I was the one who caused him pain.  Ang hiling ko na lang ngayon eh mapatawad nya ako sa ginawa ko.  At sana eh matagpuan nya rin ang babaeng magmamahal sa kanya.

“Ate, baka naman makatulog na si Kuya Mike dun sa paghihintay sayo.” Humihikab na sabi sakin ni Trixia.  Nakahiga na ito sa kama matapos itong maglinis ng katawan.  Masyado palang naglakbay ang isip ko.  Napatingin ako sa relo, malapit ng mag-alas-siyete.

“Sigurado ka bang hindi ka na kakain?” Tanong ko sa kapatid ko. 

“Hindi na, ate.  Saka, gusto kong ibigay kay Kuya Mike ang moment na ‘to dahil ipinasyal nya ako kanina.” Lumapit ako sa kapatid ko at naupo sa gilid ng kama.

“Uhm…okay ka na ba talaga sa Kuya Mike mo?” Nag-aalangan kong tanong sa kanya.  Ngumiti naman si Trixia at kinuha ang kanang kamay ko at inilapat sa pisngi nya.

“Ate, kung saan ka masaya…dun ako.  Kaya umalis ka na at mag-dinner na kayo ng asawa mo.” Bahagya nya pa akong itinulak.  Napangiwi naman ako nung marinig ko ang salitang asawa mula sa kanya.

“Uuuy! Si ate, namumula oh.” Pang-aasar pa nito.

“Hindi kaya! Matulog ka na nga!” Mabilis na akong tumayo at lumabas na ng room habang rinig na rinig ko pa ang pagtawa ng kapatid ko.  Mukhang gusto ko atang pagsisihan ‘tong pinasok ko ah!

Akma na sana akong kakatok sa room ni Mike nang may isang lalaki na lumapit sakin at iniabot sa akin ang isang tangkay ng white rose at isang sulat.  Nagtataka man ay tinanggap ko yun at umalis rin agad ang lalaki.  I opened the letter and read it.

“Hello, babe.”

Next stop: Elevator

~MJ

I frowned.  Yan lang kasi nakasulat.  Ano bang trip ni Mike ngayon? Next stop, elevator daw.  Naglakad naman ako papuntang elevator at nakita ko yung isang girl dun na may hawak din na rose at sulat.  Nakangiti nyang ibinigay ang mga yun sakin at umalis na.  Napansin kong mga staff pala ng hotel ang mga inutusan nya dahil sa suot nilang uniform.  Still wondering kung anong nangyayari ay sumakay ako ng elevator.  Binuksan ko ulit ang sulat at binasa yun.

“The second rose, for having dinner with me.”

Next stop: Ground Floor

Xtra-Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon